ANDY POV :
ang bilis dumaan ng araw at bwan. Tignan mo nga naman, pasukan na agad ngayon. Haaay! Gusto ko pa magpahinga e.Oh ya, pasukan na agad. Mabilis lang dumaan yung sea games. Parang kahapon lang nagpapratice pa kami tapos kinabukasan laro na agad. Hahahaha ang oa ko na talaga minsan.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang pagpunta namin sa singapore. God! Ang gaganda ng mga place nila doon, tapos yung mga food nila. Kahit ayaw kong tikman tinikman ko na din. Hahahaha masarap naman sila e.
Sobrang naenjoy ko ang pagpunta sa singpore, nakasalamuha namin ang mga pilipino doon. Ang dami na pa lang pilipino doon, ang cute nga nila pag nakikita nila kami. Talagang igogoodluck kami para sa darating naming laban.
Nahirapan kaming magadjust doon, lalo na hindi naman namin teritoryo yun. Tsaka kaylangan hindi ka lalayo sa mga kasama mo, baka kse mawala kapa. Lalo na hindi naman namin kabisado ang lugar doon.
About naman sa sea games, aminado kaming hindi madali sa amin makipaglaro sa ibang bansa. Lalo hindi namin teriteryo yun, kaya maling galaw mo lang. Naku! Ikaw ang papansinin ng mga tao doon.
Ano nga bang nangyari sa sea games? Hm sabihin na natin na champion kami. Yap! Kami ang nakakuha ng championship. Hindi mo aakalain na sa liit lang namin yun at ang lalaki ng mga kalaban namin, kami pa ang nagwagi.
Hindi naging madali ang pagkakuha namin sa crown. Lalo na ang mga kalaban bigay todo sila kung lumaban. At lalo na sa team namin, papano hindi kami magkaintindihan nung taga crystal. Sobrang makasarili nya!
Yan ang naging problema namin sa team, ang pagiging makasarili ng babaeng yun. Kung hindi ko pa sinampal at ginising sa mga salita ko hindi pa sya aayos. Mabuti na lang talaga nakuha sya sa sampal at salita. Aba! Kung hindi pa nakuha, bola na makukuha nya sa akin.
Tinanghal na MVP si alyanna. Akalain mo nga naman na naginit ang babaeng yun sa court. Hahahaha papano pala hindi magiinit nanonood ang kanyang ex. Nabigla nga kami biglang sumulpot yung ex nya.
Hindi lang pala kami ang naging champion pati na din ang women's volleyball team. Balita ko nilampaso lang daw nila yung defending champion doon e. At balita ko ang tinanghal na MVP sknila si Michelle lazaro.
And tungkol naman sa men's basketball, nakakuha lang sila ng 1st runner up. Not bad, atlis nakapasok sa finals dba. Sadyang nahirapan lang sila sa mga kalaban nila. Ang tatangkad din kse ng mga kalaban nila e. Tsaka kahit natalo sila, nagwagi naman yung isang player sknila. Tch!
Sinong player yun? Si prince ruiz lang naman. Papano sya nagwagi? Ganito lang. Napasagot lang nya naman si michelle lazaro. Oh ya, sila ng dalawa. Nagkabalikan na ang dalawa, kaya nga nagwagi na ang mokong na yun.
Hm kamusta ako? Im not okay. Lalo na nawalan na talaga akong chance sa babaeng yun. Ano pang hahabulin ko doon, e sinagot nya na yung taong nanliligaw sknya. At ang taong nararapat sknya. Ano pang laban ko?
Yung sinabi kong suko na ako, oo totoo yun. Pero may part sa akin na hindi ako susuko. Sguro nga kaylangan ko lang ipahinga ang sarili ko. Sobrang durog na durog na ako sa mga salita ni lazaro e.
Ipapahinga ko lang ang sarili ko sa lahat. Pag alam ko ng nakapahinga na ako, lalaban ako ulit. Sabi nga ni ate, hanggang hindi pa sila. Lumaban ako, e kaso nga lang sila na. So ano pang laban ko dba?
Lalaban pa sana ako, kaya lang nakita ko sa mga mata ni lazaro ang saya. Nung nakita ko ang saya sa mukha nya, naisip ko mapapasaya ko ba sya ng gnon? Makikita ko ba ang saya na yun pag ako ang kasama nya. Pero mukhang malabo naman mangyari yun e. Hindi ko naman mapapasaya ng gnon ang babaeng yun.
