seventy four

4.8K 88 2
                                        

MICHELLE POV :

"Sino yung babaeng lumapit sayo?!".

"Hindi ko alam kung sino sya".

"Hindi mo alam?! Pero kung makapagusap kayo para kayong magkakilala!".

"Hey hinahin mo boses mo, nakakahiya sa mga tao".

"Wala akong pakelam sa kanila! Sino nga yung babaeng lumapit sayo?!".

"Hindi ko nga sya kilala, bat ba ayaw mong maniwala sa akin. Bigla na lang syang lumapit sa akin then nakipagkwentuhan. Yun lang yun".

"Nakipagkwentuhan ka naman no! Sinasabi ko sayo pag may nakita akong babaeng nilalandi mo, puputulan ko ang dapat putulan sayo!".

"Anne!".

"Geez! Pwese ba magsitahimik kayo. Nakakahiya kayo".

Dahil sa sinabi ni unggoy natahimik ang dalawa. Nakakahiya na kse ginagawa nila, nagsisigawan ba naman sila dito sa mall. Hindi ba nila alam na nasa public sila.

Nandito kami sa mall, kaming apat. Actually nasama lang kaming dalawa ni unggoy. Bigla na lang akong kinaladkad ni ate, mukhang gnon din ang unggoy. Kse pagkakita ko sknya kanina nakasimangot sya.

Bakit nga ba sila nagsisigawan? Papano ba naman may lumapit lang kay ate ivy na babae. Kung makapagreact naman si ate akala mo inaagaw naman sknya si ate ivy. Nakakatawa nga mukha nya e. Ngayon ko lang nakitang ganito ate ko.

Ganito pala si ate nung panahon na hindi ko sya nakitang nakipagrelasyon. Sobrang selosa nya pala, yung tipong hindi maka-usap ng iba si ate ivy dahil lagi syang tinitignan ng masama ni ate. Hahahaha!

Pero hindi lang naman si ate e, si ate ivy din. dahil sya din naman pala selosa, pag may kakausap lang kay ate na lalaki agad syang sumusulpot sa tabi ni ate. At ninanakawan nya ng halik si ate, kaya yung mga lalaki nagsisilakihan ang mata pag nakikita nila yun.

"Ate gutom na ako. Pwede naba tayong kumain". Rinig kong sabi ni unggoy. Tumingin sya sa akin. "Hindi kapa gutom?".

"Gutom na din".

"Alright. Lets eat".

"Hey love may alam akong resto na magugustuhan nyo ang mga food nila". Nakangiting sabi ni ate.

"Oh doon na tayo. Malayo ba sya dito? Gutom na gutom na kse mga kasama natin".

"Naaa, malapit lang sya". Tumango lang si ate ivy at nagsimula na silang maglakad papunta sa parking lot.

Kamusta nga ba ang dalawang ate ni unggoy? Masasabi kong okay na okay na sila. Sobrang saya na nila, dahil finally sila na talaga. Wala ng hahadlang sknila, wala ng sisira ng relasyon nila. Dahil pumayag na si dad sa relasyon nila.

Naalala ko yung nangyari sa party. Doon ko lang nakitang nagalit si dad, ni pati si mommy hindi nya mapigilan si dad sa kakasigaw ng pumasok kami sa room para magusap usap.

Sobrang galit ni dad dahil ang taong maaasahan nya daw na magbibigay ng normal na buhay sa anak ko, nawala pa. At dahil na din sa nakita na video ng mga tao sa party, masisira din ang image nya.

Habang sinasabi nga ni dad ang about sa pagkakasira ng image nya. Hindi ko tinatanggal ang tingin ko sa unggoy e. Pinapatay ko sya sa tingin, oo nga nagsuccess sya sa ginawa nya. Yun nga lang, pati image ng dad ko masisira dahil sa ginawa nya.

Yung unggoy naman parang wala sknya yung tingin ko, ngumingiti pa sya. Kaya ako nadidistract ako sa pagngingiti nya e. Ang hirap tuloy na tignan sya dahil nakikita ko yung mapuputing mga ngipin nya.

Nabigla ako ng sabihin ni unggoy na sya ng bahalang aayos sa gulo. Pinapagalitan ko nga e, baka ano na naman kalokohan ang gawin nya. Pero pinipilit nya pa rin sarili nya na sya ang aayos.

Baby, I Love YouWhere stories live. Discover now