eighty seven

5.3K 102 3
                                        

ANDY POV :
Hanggang ngayon ramdam ko pa rin yung sampal na binigay sa akin ni lazaro. Haaaay!

Alam ko naman mali yung ginawa ko. Pero pag sinabi ko ang totoong sagot, e baka sa akin gamitin ni tito yung baril nya. Aba! Mahal ko pa buhay ko, hindi ko pa napapasagot si michelle. Papanaw agad ako. Hindi naman pepwede sa akin yun.

Dalawang araw na nya ako hindi pinapansin dahil sa ginawa ko. Ni mga text at tawag ko hindi nya talaga sinasagot. Kahapon pumunta ako sknila, wala man daw sya. Pero nakita ko naman doon sa bintana ng room nya, sumisilip sya don. Nagtatago pa sya, kitang kita naman.

Gusto ko naman ipaliwanag sknya yung ginawa ko e. Pero papano ko mapapaliwanag kung hindi naman nya ako kakausapin. Ginagamit na naman nya ang makitid nyang pagiisip. Hindi nya muna kaya ako pakinggan bago sya magalit sa akin.

Ginawa ko lang naman yun dahil ayaw ko naman na pangunahan sya. Alam ko naman na hindi pa sya handa sabihin sa parents nya lalo na sa daddy nya yung tungkol sa amin. Kahit gustong gusto ko ng ipaalam sknila. Sya lang naman kse inaalala ko kaya iba ang nasabi kong pangalan.

Miss na miss ko na yung babaeng yun. Kahit wala syang ginawa kung hindi awayin ako, namimiss ko sya. Yun kse ang namimiss ko sknya e, yung laging pagsigaw nya sa akin at bugbog na nakukuha ko. Oh dba ramdam ko yung pagmamahal nya. Hahahahaha.

Naiinggit nga ako doon sa anak ko e, mabuti pa sya nakakausap nya yung mommy nya. Pag nga kausap nya mommy nya inaasar pa ako e. Mabuti pa daw sya kinakausap ako daw hindi. Ang lakas din ng topak ng anak ko e, nagmana sguro sa akin yun.

Tatlong araw na lang magpapasko na. Hindi pa kami okay, ayoko naman na sumapit ang pasko na hindi kami okay. Hindi maganda ang pasko kung may kaaway ka. Haaay! Ano bang gagawin ko sayo lazaro, nagpapapansin na nga ako sayo. Hindi mo naman ako pinapansin.

"Haaaaaay!".

"Ano hindi pa rin ba kayo okay?". Sumimangot naman ako sa tanong nya.

"Papano nga kami magiging okay kung hindi naman nya ako kinakausap. Ayaw nyang pakinggan yung paliwanag ko".

"Hindi pa man kayo, gnyan na nangyayari. Masyado makitid ang utak ng nililigawan mo andy. Papano na lang kaya pag naging kayo, may makita lang syang kasama mo. Aawayin kana agad. Aba! Mahirap yan".

"Yun nga din iniisip ko e. Pero dont worry, bago maging kami. Yan agad ang hihingin ko sknya. Ang pagunawa nya sa akin".

"Ewan ko sayo. Maghanap kana lang kse ng ibang liligawan mo e".

"Gusto mo nyan ikaw ligawan ko e". Inirapan nya lang ako.

"Ako tigilan mo ako andy! Baka hindi kita matantya lumipad ka palabas!".

"Ang sadista mo din e. Anyway, kanina pa yung order natin hanggang ngayon wala pa rin".

"Wag kang atat! Napapaghalataan kang patay gutom".

"Wow ako pa! Sino kaya dito ang kanina pa reklamo kung bakit wala pa yung order. Ngayon lang ako nagreklamo, ikaw kanina pa!".

"E papano ba naman, thirty minutes na tayong naghihintay. Hanggang ngayon wala pa rin".

"Ayan na oh. Masyado ka naman atat apple". Ya, sya nga ang kasama ko.

Nagyaya kse syang magshopping bumili sya ng pangreregalo sa pasko. E dahil wala din naman akong magawa sa bahay, sumama na lang ako sknya. Tsaka para na din makabili na din ako ng mga pangreregalo ko. Nakalimutan ko pala, wala pa akong nabibili.

Dumating na yung order namin. Pagalis ng waiter. Aba! Hindi na nakapaghintay. Agad na syang sumubo, hindi man ako niyaya na kumain. Parang wala syang kasama dito sa table. Iba talaga nadadala ng pagiging patay gutom.

Baby, I Love YouWhere stories live. Discover now