eighty one

4.8K 81 1
                                    

CHELSY POV :
ako lang ba ang nakakapansin? Or hindi lang ako. Tinignan ko naman ang katabi, hm mukhang hindi lang ako ang nakakapansin.

Nahalata ko sa mata nya na nagaalala din sya. Gnon din naman ako e. Pareho kaming napabuntong hininga. At sabay kaming tumingin sa isa pa naming kaibigan, at ayun na naman. Nakatulala na naman sya.

Michelle, ilang araw na naming syang napapansin na natutula. Yung parang ang lalim ng iniisip nya. Pag tinatanong naman namin sya kung okay ba sya. Lagi nya naman sinasabi na okay lang sya, kahit naman alam namin hindi sya okay.

Alam kong may nangyari sa school fair, kaya naging ganito ang babaeng to. Hindi ko lang matukoy kung ano ang nangyari. Dahil nga sa twing nagtatanong kami sknya, wala naman kaming makuhang matinong sagot.

Andy, ano bang ginawa mo sa kaibigan ko. Alam naming may kinalamanan dito si andy. Kse sya lang ang kasama nya nung school fair, at alam namin talagang may kinalaman sya. Dahil ngayon hindi nagpapansinan.

Yun nga ang pinagtataka namin e. Katapos ng school fair, kinabukasan. Hindi sila nagpapasinan. Or sabihin na natin na hindi pinapansin ni andy si mich. Kung papansinin man nya, ang lamig ng pakikitungo nya.

Kung dati dati ang unang papansin sknilang dalawa si andy. Ngayon halos iwasan nya na si mich. Haaay! Gusto ko talagang malaman kung anong nangyari sknila nung school fair at nagkaganito ang dalawang to.

"Mich kain ka na". Sabi sknya ni vyc.

"Naaa, busog ako". Maiksi nyang pagkakasabi.

"Kung busog ka, edi sana hindi kana lang nagorder". Hindi ko mapigilang hindi magtaray sa pinapakita nyang kilos.

Ganito naman kse sya, kasama namin sya. Pero parang wala naman sya sa sarili. Nabibwisit na din ako sknya. Parang hindi nya kami kaibigan, kung may problema sya. Sabihin nya sa amin. Kaibigan nya kami.

"Chelsy". Sinamaan ako ng tingin ni vyc. Inirapan ko lang sya.

"Hm sorry". Tumayo si mich. "Mauna na muna ako". At ayun umalis na sya.

"Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sa kaibigan natin vyc. Nabibiwisit na ako sknya". Inis na sabi ko sknya.

"Ano kaba, baka may problema lang sya".

"Problema? Kung may problema sya sabihin nya sa atin! Kaibigan nya tayo!". Nakita ko naman na nabigla sya ng napataas ang boses ko.

"Kausapin na lang natin sya mamaya. Puntahan natin sya mamaya sa bahay nila".

"Ano pa nga". Pinagpatuloy namin ang pagkain namin.

Gaya nga ng sabi namin, pupuntahan namin si mich sa bahay. Kaya eto, nandito kami ngayon sa room nya. Matagal tagal na din kaming hindi nakakapunta sa bahay nila. Busy kse sa school.

"Mich ano ba talagang problema mo? Ilang araw ka ng nagkakagnyan. Yung wala ka sa sarili". Nabaling ang tingin ko kay mich.

"Wala nga akong problema". Nakahiga sya ngayon samantlang kami nakaupo sa tabi nya.

"Are you sure wala? Kung wala ka ngang problema bakit nagkakagnyan. At bakit bigla na lang kayong hindi nagpapasinan ni andy". Napatingin naman sya bigla sa akin.

Napailing na lang ako, sabi na nga ba. May kinalaman nga dito si andy. Pero bakit gnon, bakit lungkot ang nakikita ko sa mga mata ni mich. Ano nga ba ang nangyari sknla? At nagkakaganito ang babaeng to.

"Walang kinalaman si anderson dito". Umiwas sya ng tingin.

"Talaga lang aa?". Hindi ko maiwasan hindi maging sarcastic sknya. "E bakit hindi unggoy ang tinatawag mo sknya? Bakit hindi kanya masyadong nilalapitan? Bakit napakalamig nya sayo? At bakit parang may malaking pader na nakaharang sa inyong dalawa. Maraming bakit akong binanggit. So gusto namin ng kasagutan". Mahabang pagkakasabi ko.

Baby, I Love YouWhere stories live. Discover now