ANDY POV :
Wooo! Sobrang lamig ngayon sa baguio, kulang ang isang jacket para matakpan ang lamig."Unggoy tulog na si mindy". Napatingin ako ngayon kay mich, natutulog sa lap nya ngayon si mindy.
"Oh pasok ko na sya". Lumapit ako sknya at binuhat ko si mindy. "Guys balik ako, ipasok ko lang tong makulit na bata". Tumango naman sila.
Nandito pala kami ngayon sa rest house namin sa baguio. Well, nagyaya ang barkada na gawin na daw namin ngayon ang new year. Bukas kse talaga ang new year, pero ngayon naman ginawa. Bukas kse mga family namin ang mga kasama namin e.
Ang kasama ko ngayon ang lazaro friends. Pati ang tatlong baliw kong kaibigan, nandito din sina ate at ate crush. Feeling mga teenager kse mga yun, kaya nakikisama sa amin. Lalo na yang si marie! Akala mo teenager pa, e matanda na. Hahahaha
Pagdating ko sa room namin agad kong hiniga ang anak ko. Haaay! Sobrang pagod ng mukha ng anak ko. Kse naman walang ginawa kanina kung hindi magtatakbo takbo, kalaro nya kse ang mga ninong nya kanina. Kaya eto, ang aga ma-knock out.
Nang masigurado kong okay na ang anak ko lumabas na ako. Paglabas ko kanina ko na namumula ang mukha ni mich. Oh marami na ba syang nainom at ganito kapula ang mukha nya. Lumapit agad ako sknya, paglapit ko sknya agad syang nagtago sa likod ko. Napano naman ang babaeng to.
"What happend?". Tanong ko sknya.
"Sila!". Turo nya sa mga kasama namin. Tinignan ko naman mga kasama ko. Pinagtatawanan lang sya.
"Hoy! Inaaway nyo ba ang baby ko?".
"Hindi namin sya inaaway andy, nagtatanong lang kse kami kung anong masasabi nya doon sa suprise mo".
"Aaaaa". Lumawak naman ang pagkakangiti ko sa narinig ko. Tumingin naman ako kay lazaro. "Ano nga bang masasabi mo doon?".
Naalala ko yung suprise ko sknya. Sinundo ko sya sa bahay nila, then nagyaya akong magroad trip. Edi nagpaikot ikot kami sa byahe, nang oras na ng suprise ko. Tinigil ko sa tabi ng highway ang car ko. At doon na nagsimula ang suprise ko para sknya.
May malaking tv na nakalagay sa highway, kung saan makikita ang mga commercial sa tv. May kakilala ang ate ko na nagtatrabaho sa gnon, nakiusap ako kay ate na tulungan ako sa suprise ko. So yun ang ginawa nya, kinausap namin kung pwede ba gamitin ang malaking tv na yun. Pumayag naman sila, then after that nagawa ko na ang suprise ko.
Habang nakatingin sya sa malaking tv lumabas doon ang mukha ko. Kumanta ako, then after kong kumanta. Sinabi ko sknya kung anong mararamdaman ko. Marami ngang nanonood dahil nga, maraking dumadaan na mga kotse doon. Maraming nakasaksi sa ginawa ko.
After ng ginawa ko na yun, nag trending ako. Ako lang, kse hindi ko naman binanggit ang pangalan ni lazaro. Pero alam naman ng nakakaalam sa sitwasyon namin kung sino ang tinutukoy ko doon. Ayun nga, naging trending ako. Maraming kinilig sa ginawa ko at maraming nainggit.
"Hoy ano na mich. Anong masasabi mo doon?". Tanong ni chelsy sknya.
"Hmmm". Tumingin muna sya sa sa akin. "Ayos lang".
"Ayos lang?!". Sabay na sabi ng barkada.
"Oo ayos lang". Nakatingin naman sknya lahat. "Haaash! Oo na kinilig na ako". Agad naman syang nagtago sa likod ko.
"Iba ka talaga andy! Gawin mo nga sa akin minsan yun". Sabi ni vyc.
"Sge ba!".
"Subukan mo!".
"Sabi ko nga hindi na". Natawa naman kami sa mukha ni vyc, bigla syang namutla ng pagbantaan sya ni mich
"Oh tama na yan! Ituloy na natin ang laro".
