Chapter 3

48.7K 575 5
                                    

Chapter 3

Cassandra's Point Of View:

"Si Mommy?" Tanong ko kay daddy pagkababa niya ng hagdan.

Maglalunch na kami at hindi niya kasama si mommy.

"Tulog." He shrugged.

Kumain na ako nang mabilis at pagkatapos kong kumain, umakyat ako sa kwarto ko.

1:27 pm.

What should I do? Ayoko namang matulog kasi mas nakakabagot yun.

Umupo na lang ako sa harap ng salamin at nagcellphone.

Narinig ko nalabg yung tunog ng ringtone ko.

Huh? Sino yun?

Incoming call from: Ken

I answered it.

"Hello?"

"Punta ko diyan."

"Ha?!"

"Bye."

And the line was cut.

Ano na naman ba sadya ng lalaking 'yun? Makikikain na naman? Lagi nang tambay dito 'yun, wala namang ambag.

Tumayo na lang ako at pumunta sa terrace ng kwarto ko.

Pagkapasok ko, narinig ko yung doorbell.

"Hala, andito na siya? Ang bilis naman?" Bulong ko sa sarili habang tumatakbo pababa ng hagdan.

"Cass, andyan si Sir Kenneth." Sabi ng yaya namin.

"Sige po." Umupo ako sa sofa na kaharap si Kenneth.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Wow... masama na pala tumambay dito sa bahay niyo?" Sabi niya sabay pout.

Tinakpan ko ang mga mata ko na ikinatawa niya.

"Tambay mo mukha mo. May kailangan ka 'no?" Sabi ko sabay taas ng kilay.

"Sige naaa...." Pagpupumilit niya habang nakanguso.

Mukhang pato. 'Yung oangit na pato.

"First of all, wala kang sinasabi. Pangalawa, no." Sabi ko at tumayo, akmang aalis na.

"Sige na! 'Di na kita kukulitin pag pumayag ka! Cass sige ma!!!" Sabi niya, at lumuhod na sa harap ko.

"Oh, sige. Ano yun?" Sabi ko sa kanya habang nakataas ang kilay ko.

Ngumiting aso siya.

"Dibaaa, bespren tayoo?"

Ay naku po, may kailangan siya.

At hindi ito maganda!

I sighed, "Ano kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Sa banda kasi, nangangailangan kami nng bagong recruits. Ang hinahanap, Pianist, Lead Guitarist, Bassist, at Rhythm Guitarist."

"Basically, musicians?" I asked and he nodded.

"Oh tapos?" Tanong ko habang umaakyat kami sa hagdan papunta sa veranda ng second floor.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon