Chapter 24

15.9K 189 12
                                    

Chapter 24

Cassandra's Point of View:

After nung incident na yun, nagpasundo na ako ka agad sa driver namin at umuwi na. Hindi ko kinakaya ang sitwasyon.

Ayaw niya akong masaktan? Eh sa ginawa niyang yun, para akong sinaksak ng milyon-milyong kutsilyo eh!

Pero tama siya. Hindi ako matutuwa sa relasyon na isang tao lang ang nagmamahal.

Pagiging unfair yun, eh.

Nabalik ako sa realidad nang narinig ko ang ringtone ko.

Napalingon ako sa phone ko at nakita ko ang caller ID. Si Kenneth pala.

"Hello?" I answered the call.

"Bes? Asan ka?"

"Nasa sasakyan namin. Pauwi." Mahinang sabi ko.

"Sorry wala akong nagawa para pigilan siya."

Alam niya? Pero pano?

"Tsk. Ayos lang yun. Wala kang kasalanan." Sabi ko sa kanya.

Wala naman talaga eh.

"Pero nasaktan ka niya.. wala man lang akong nagawa para pigilan siya..."

"Ayos nga lang sabi. Hindi naman ito yung unang beses diba?" Sabi ko sa kanya. "Saka isa pa, kilala mo ako. Iiiyak ko lang yan saglit, tapos okay na ulit."

Una, si James. Ngayon, si Nico.

Why does the world despise me? Ano bang nagawa ko para pagkaitan ako ng normal na buhay?

"Sabi mo yan ah."

"Ano? Ang bait bait ko kaya!"

"Nako, Cass. Umayos ka. Ibubuko kita kay James."

"Tsk. No need. Matagal niya nang alam."

Medyo hayop yung lalaking yun.

As if namang maglalaslas ako noh. Nandito kaya sina mommy. E di nahuli pa ako! Tsk.

"Oh. Ba't nandito ka na? Tapos na awarding niyo? Sa pagkakaalam ko mamayang hapon pa awarding ah." Bati sa akin ni mom pagkapasok ko ng bahay.

"Masama lang po pakiramdam ko." Sabi ko at umakyat na sa kwarto ko.

Para sakin? Eh ba't kailangan niya pang bumitaw? Hindi niya man lang inisip yung mararamdaman ko.

Matalino si Nico. Pero bakit sa pagkakataong ito, pinairal niya ang katangahan niya?

Bakit ganun? Lahat na lang ng mga mahal ko iniiwan ako? May masama ba sa akin.

Ay. Oo nga pala. Lahat, masama sa akin. Sino ba naman kasi ang magkakagusto sa isang demonyo diba?

Nasagot ko na rin.

Sino ba kasing tao ang nasa matinong pag-iisip ang magkakagusto sa isang tulad ko, right?

Masama ang ugali, di marunong ngumiti, bitch, walang galang, di tumatawa, insensitive, walang pake sa feelings ng iba--in short, demonyo.

Kaya. . . Sinong magtatangka diba?

Pagpasok ko sa kwarto ko, sinarado ka agad yung pinto.

Binato ko yung bag ko sa kung saan. Di ko alam. Basta binato ko.

Tama siya. Destiny will work.

Gabi na pero wala skong balak kumain.

Nakasandal lang ako sa headboard ng kama ko habang nakakumot habang nakasandal yung ulo ko sa tuhod ko.

Bahala lahat ng superheroes sa kung ano mang mangyayari sa leche kong buhay

✖✖✖

Christopher's Point of View:

"Jaz, yung kapatid mo nga tawagin mo na sa taas para makakain na." Utos ni mom sa akin.

Kasi raw, mula pagkarating niya rito kaninang umaga, hindi na siya ulit bumaba. Ano na naman ba nangyari? May nangyari na naman ba?

Feeling ko meron eh. Kasi bakit bigla na lang siya nagkakaganito.

Hindi ko alam or feeling ko, brother's instinct lang ito. Pero basta! Malakas ang feeling ko.

Huwag naman sana....

"Cass... kain na." Sabi ko habang kumakatok sa pinto ng kwato niya.

Ilang segundo akong naghintay. Walang sumagot.

Pinihit ko ang door knob, madilim na kwarto ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pintuan.

Pero malamig. Wagas talaga maka-aircon ang isang to!

Binuksan ko ang ilaw at...

Her room was a mess.

Nagkalat ang mga libro niya sa sahig. Nakatumba ang ilang gamit. Parang dinaanan ng tornado.

Sinilip ko siya. Kaya pala. Tulog.

Nilibot ko ng tingin ang kwarto niya sa pag-asang may mahanap akong kakaiba. Pero wala.

Aside sa light blue na kulay ng pader ng kwarto niya, puro mukha ng mga idolo niya nakikita ko.

Pero, naladisplay sa kwarto niya yung mga iba pa niyang merchandise.

Typical room ng isang fangirl.

Pinatay ko ang ilaw at bumaba na ulit para sabihin kina mommy na tulog na yung magaling kong kapatid.

"Tulog." Maikli kong sabi at dumiretso na ako ssa upuan ko at nagsimula nang kumain.

✖✖✖

Cassandra's Point of View:

9 o clock na ako ng umaga nagising. Di ko alam kung bakit. Hayaan na, sabado naman eh.

Nilibot ko ng tingin ang kwarto ko.

One word. Disaster.

Nilinis ko na lang ito muna bago ako humarap sa salamin.


Natawa ako ng mahina.

Hindi dapat ganito.

Napasulyap uli ako sa repleksyon ko sa salamin.

"I guess I am alone now." Sabi ko at naghilamos na ako ng mukha para hindi mahalata yung mugto kong mata ng dahil sa kakaiyak ko kagabi.

Pagkatapos nun, nagpalit ako ng damit at bumaba na ako papunta sa dining area.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon