Chapter 21

16.9K 226 3
                                    

Chapter 21

Cassandra's Point of View:

Hinintay ko na makalabas lahat ng tao dito sa auditorium bago ako bumaba ng stage.

"Oww-- oh, andito ka pa pala?" Sabi ko kay Nico habang hinihimas-himas yung ulo ko na tumama sa hindi ko alam kung anong bagay yun.


"Oo. Hinintay kasi kita." Sabi niya.


Bakit parang double meaning yun?


I admit, nasaktan ako sa hindi ko alam na dahilan. Basta may paang kumirot na part sa bandang dibdib ko.


"A-ah.. ok-kay.." nahihirapang sabi ko.


Ano bang nangyayari sa akin?!


"Huy, okay ka lang?" Tanong ni Nico sa akin.


Mukha ba akong okay?! Kailan ba ako naging okay?!?! Ikaw, okay ka lang?? Kita mong nahihirapan na yung tao eh tatanungin mo pa kung okay? Jusko naman, Nico common sense!

"Ah.. o-oo. Ok-kay lang.. ako..." sabi ko na lang, kahit naman gusto ko siyang barahin eh hindi ko magawa dahik unti-unting umiikot yung paningin ko.

"Cass!!!" Malakas na sigaw niya bago ako nawalan ng malay.

✖✖✖

Nico's Point of View:

"Cass!!!" Sigaw ko kasi bigla na lang siyang bumagsak.

Binuhat ko ka agad at mabilis na tinakbo ko ang papuntang clinic.

Shit. Cass wag ka ngang manakot. Mahina ako sa katatakutan diba?

Agad kong tinawagan ang kuya ni Cass.

"KUYA!!! HINIMATAY SI CASS! SARADO ANG CLINIC!" Sigaw ko over the phone.

"HA?! ANO?!?! DUMIRETSO NA KAYO SA PARKING, DALI!!! ALAM MO NAMAN ITSURA NG SASAKYAN NAMIN DIBA?"

"OO! SIGE SIGE KUYA PAKIBILISAN!"

Nagpapanic ako.

Cass, huwag ka namang ganyan.

Kung nang gu-good time ka, tigilan mo na please, hindi na kami natutuwa.

"Cass, please, gumising ka na." Sabi ko kay Cass habang tumatakbo papuntang parking lot.

Nandito na kami sa parking lot.

Nakita ko namang tumatakbo papunta dito ang mga kuya ni Cass. Pati si Kenneth, nandito.

"SAKAY! DALI!" Sigaw ni Kuya Carlos tapos binato niya yung susi kay Kuya Carl.

Marunong sila mag-drive?

"Sandy, kapit lang....." naiiyak na sabi ni Kenneth.

Pati ako naiiyak na rin.

✖✖✖

Carl's Point of View:

"Mom... dad... sumagot kayo..." mahina kong sabi habang pabalik-balik na naglalakad dito sa labas ng emergency room.

Nasa loob si Cass.

"Ayaw nilang sagutin!" Sabi ko at napaupo na lang dito sa upuan.

Si Nico, nakatingin sa kawalan. Tsk. Ang lakas na ng tama nito sa kapatid namin.

"Ano bang nangyari, Nico?" Tanong ni Carlos sa kanya.

"H-hindi ko rin alam, k-kuya... hinintay k-ko siya sa... backstage... nakapag-usap pa k-kami.. tapos parang hindi siya makahinga... tapos h-hinimatay na siya." Sabi ni Nico.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko.

"Si mom." Sabi ko at lumabas na muna ng ospital.

I answered the call.

"Carl, bakit?"

"M-ma, s-si Cass.... n-nasa ospital..."

"Ha? Hindi kita maintindihan. Ayusin mo nga pananalita mo, Jeckhiel."

"Ma... si Cassandra... nasa... ospital!!"


"Bakit?!"

"Oo ma... h-hinimatay... s-siya..."

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko.

"Tawagan mo na ang tatay mo at papunta na ako diyan! Bye anak. Love you!"

Pumasok ako sa loob ng ospital.

Umupo ako sa tabi ng kambal ko. Ang gayshit man pakinggan pero naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit.

Ay joke alam ko pala. Kasi si Cass, nag-aalangan na naman ang buhay niya.

Premature kasi si Cass eh. April 14 dapat ang due ni mom pero napaaga. Naging February 13.

"K-kuya... a-anong nangyari k-kay C-cass?" Utal utal na tanong ni Nico sa akin.

Hindi niya alam?

Gulat na tumingin sa kanya si Kenneth. Kasama rin kasi namin si Kenneth ngayon.

Kaming lahat, umiiyak.

"H-hindi mo alam?" Garagal na tanong ni Kenneth kay Nico.

"Ang a-alin?" Balik na tanong ni Nico.

So all this time hindi niya alam.

Hindi rin ipinaalam ni Cass kasi ayaw niyang kaawaan siya ng tao.

"May sakit si Cass." Sagot ni kambal.

Nang nahimasmasan na kami sa kakaiyak, tsaka lang nakapagsalita nang maayos si Nico na oara bang ngayin lang nag sink in sa utak niya.

"Anong sakit?" Tanong niya.

"Sa puso." Sabi ni Chris na nag-iwas ng tingin.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon