Chapter 22

18.3K 239 3
                                    

Chapter 22

Cassandra's Point of View:

Lumingon lingon ako sa paligid puro puti ang nakikita ko.

Hala. Nasa langit ba ako? Buti naman. Akala ko kasi si impyerno ako mapupunta eh.

Wala akong makitang iba kundi puti. Hala bulag na ata ako.

Pero diba pag bulag, puro black ang nakikita? Pero bat ako puti?

Baliw na ata ako.

Unti unting lumilinaw ang paningin ko.

Hanggang nakita ko ang apat na pader na pumapalibot sa akin. Sa amin, I should say.

Naospital ako? Paano? Bakit? Anong nangyari? Wala akong matandaan!

"GISING NA SIYA!" Nakarinig ako ng sigaw.

Paglingon ko, ang nag-iisang Jewel Faith Ramirez lang naman pala. As usual, siya lang naman kasi ang nakalunok ng mikropono sa aming magbabarkada.

"Faith! Boses mo! Nangingibabaw na naman! May I remind you na nasa ospital ka, jusko po." Pagsaway naman ni Erin na ikinatawa namin.

Ang nandito, si Erin, Faith, Nicole, Reb, Yuka, at Ciel.

Nasan sina Kuya? Si mommy?

"Ay hindi, hindi. Anino lang to, Faith. Hologram pala. Hindi pa ako gising. Tulog na tulog nga ako eh." Pambabara ko na ikinairap niya at ikinatawa naman ng iba.

Lumingon ako sa paligid, hindi pala ako naka dextrose eh. Buti naman, baka nahugot ko yun agad kung nagkataon.

"Asan sila?" Hindi ko na napigilan ang pagtatanong ko.

"Sinong sila?" Ngumiti ng mapang-asar si Faith.

Nagsitayuan lahat ng balahibo ko. Ang creepy pakshet!

"Sina kuya. Si mommy. Si daddy. Duh?" Sabi ko. Napairap nalang ako.

Ang common sense na nga kasi ng tanong ko eh!

"Yung mga kuya mo, pumasok sa school, yung mommy at daddy mo naman, umalis saglit. Binayaran ata ang bills." Sabi ni Reb.

"Wait. Anong araw na ba?" Tanong ko.

Kinapa ko yung phone ko na nasa may table na nasa tabi ng kama.

Nanlaki ang nga mata ko. Ngayon yung games ko!

"Bloody hell! Ngayon lahat ng games ko!" Sigaw ko.

"Oy oy oy! Chill, kagagaling mo lang gaga ka! Di pa nga natin sure kung magaling ka na talaga." Sabi ni Erin.

Pero baka isipin ng mga tao dun mahina ako kaya inatrasan ko games ko. Nakakabanasnaman!

Napalingon ako sa paligid ng room.

***

Nasa school na kami ngayon. At dahil payo ng doctor, no choice ako kung hindi----hindi maglaro. Manonood na lang ako mamaya ng basketball.

Freshmen vs. Juniors.

Magkalaban kami ni Kuya Chris. Hahahaha! Matatalo sila! Ay. Hahaha.

"Punta na ako sa gym." Paalam ko kina Nicole.

Manonood pa ata kasi sila ng volleyball.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon