Chapter 46

13.9K 178 12
                                    

Chapter 46

Cassandra's Point of View:

"Mga kuya ko ba talaga kayo? Ni minsan ba, hindi kayo nagsinungaling sa akin?!" Galit kong tanong sa mga kuya ko.

Nandito na kami sa bahay at pagkarating namin, yan agad ang bungad ko.

"Teka, Chris sinabi mo?!" Gulat na may halong galit na sabi ni Kuya Carl.

"Tanga. Nagpakita na siya. Hindi na siya nagtatago. Nahuli na. Alam na ni Cass lahat." Sabi ni Kuya Chris.

Pumunta na lang ako sa kwarto ko, humiga sa kama at napahilamos ng mukha.

Pano nila natago sa akin to?

***

"Cass, tara na." Pag-aaya sa akin ni Yuka.

Sinandal ko na lang yung ulo ko dito sa desk ko at umiling. "Wala akong gana." Lalo na kapag alam mong may matagal na tinago yung mga taong tinuring mong kapatid.

"Anyare sa kanya?" Rinig kong tanong ni Nicole.

Tumayo ako at napatingin naman sila sa akin.

"Umorder kayo ng mga pagkain niyo at sumunod kayo sa akin. Hihintayin ko kayo dito sa classroom." Sabi ko at umupo ulit.

I need to chill.

Tinext ko si Nico. Oo. As in yung ex-kaMU ko.

To: Nico
Nasa Starbucks ka pa? Bilhan mo naman ako Mocha frapp. Jebal. Pakibilisan din. Hehe.

Napatingin ako sa taong pumasok ng classroom.

Ang taong akala kong patay na. Hindi pala. Tapos yung kambal pa niya. Sino ba talaga ang minahal ko?

One thing's for sure. Ang James na minahal ko eh yung naging kaklase ko sa Math Club dati. Dun ako sigurado.

MU ba kami? Siguro. Wala din akong alam.

Nilagay ko na lang yung mga gamit ko sa locker ko. Nang hindi sinasadyang may makita na naman akong ka ek-ekan.

'01001001 00100111 01101101 00100000 01100010 01100001 01100011 01101011 00101110 00100000 '

Eto na naman. Pero... kilala ko na kung sino ang nagsesend sa akin nito.

Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat.

"Yo." Bati niya sa akin.

Pinakita ko naman sa kanya yung codes na pakulo niya. "Ugh... anong meron sa binary na yan?" Tanong ko sa kanya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Buyao he wo yiqi wan, wo. Zou. Wo zhidao no shi song wo de ren. (Don't play smart with me, Mr. Go. I know that you are the one sending me these.)"

Bahala siya. Para saan pa't 'Go' ang apilyedo niya kung di naman siya Chinese? Ako, hindi man ako full Chinese, marunong pa din akong magchinese noh.

At isa pa, apat ang nationalities ko. Filipino, of course. Korean, Chinese, at American. At sa mga nabanggit ko, lahat ng languages dun, kaya kong magsalita fluently.

"Zhen? Gei wo yige zhengming. (Really? Give me a proof.)" Nagulat naman ako nang mag-Chinese siya pabalik.

Nilabas ko ang phone ko at pinakita sa kanya yung codes.

"Yan! May nilagay kang 'E.J.L.G.' diyan! Eh maliban sa Kuya Zeke mo eh ikaw lang naman ang kilala kong may ganung initials." sabi ko sa kanya.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon