Chapter 63
Christopher's Point of View:
"Jazkhiel, may nakakita sa kapatid mo sa may dagat. Umiiyak raw." At nang marinig ko ang word na 'umiiyak', agad akong tumayo at nagpaexcuse sa next class ko. Mahirap na. Kasi Senior high na ako.Dumiretso ako sa likod kung nasaaan ang gate papunta sa dagat.
Nakita ko siyang nakaupo sa isa sa mga malalaking bato.
Tinanggal ko ang sapatos at medyas ko at tinabihan siya.
Alam kong may kinalaman dito ang boyfriend niya. Nakita ko kasi ang mga titig niya kanina sa canteen. At may lumalanding babae kay James.
"K-kuya... bakit ganun? S-sinubukan k-ko namang itatak sa... isip ko y-yung mga sinabi niya ah? P-pero bakit ganun?" sabi niya habang umiiyak.
Niyakap ko siya.
"Alam mo, ang drama mo rin talaga kung minsan eh 'no? Eh kung mag-usap kaya kayo nun taong iniiyakan mo, ehem, James, hindi yung para kang tangang nagsesenti dito oh. Sayang lang oras ko eh. All set pa. Dagat, waves, hangin, emotion. Alam mo, para kang nagfifilm ng music video dito eh noh?" Sinubukan kong patawanin siya pero wala ring effect.
"Cass, alam kong medyo nagkakalabuhan kayo ni James. Hindi mo man sabihin, narsramdaman at nakikita ko 'no. May mata kaya ako. Kanina sa canteen, nakita kitang umiiyak habang nakatingin sa direksyon nina James at nung kasama niyang babae." Sabi ko at umiyak siya ulit.
"Cass, may tanong ako." Sabi ko at humarap sa kanya. Pinunasan naman niya ang mga luha niya at humarap sa akin. "Ano yun?"
"Bakit hindi mo sinugod yung babae? I mean, nasasaktan ka na nga eh, and that's new. Hindi ka lumaban. " Sabi ko at napatingin siya sa akin.
"Kuya, I chose not to fight. Because I have faith in him, and aside from faith, I also have his word. Sabi niya ako lang. Pag ako lang, ako lang. Hindi naman kailangang paulit-ulit eh. Nakakaintindi naman ako." Sabi niya habang humihikbi. Hindi naman na siya umiiyak pero, sumisinghot-singhot pa din.
Her eyes were red and puffy. Pati ilong niya, namumula.
"Cass, alam mo, idol na kita." Sabi ko at napatingin siya sa akin.
Pinunasan niya ulit ang mga luha niya.
"Idol? May ka-idol idol basa akin? Ah meron siguro. Yung katangahan at kamartiran." Tumawa siya ng mapakla.
"Cass, hindi. Seyoso. Idol na kita." Seryoso kong sabi.
"Oh sige bilang seryoso ka. Bakit? Bakit mo alo naging idol?"
"Kasi kahit nasasaktan ka na, kahit gusto mo nang sumuko, kahit hindi mo na kaya, kumakapit ka pa rin sa mga salitang binitawan niya kahit hirap na hirap ka na, at kahit na malapit nang dumulas yung pagkakahawak mo, kumakapit ka pa rin. Kasi sinabi niya sayo eh. Idol kita, Cass. Kasi kaya mong kumapit sa salita niya kahit na wala kang kasiguraduhan kung matutupad niya yun o hindi." Sabi ko at tinignan niya lang ako. Tinitigan to be exact.
"Alam mo, kuya. Minsan nakakatakot ka. Kung anu-ano mga sinasabi mo. May pinanghuhugutan. May pinagdadaanan ba ang kuya kooo?" Sabi niya habang tinutusok-tusok ang tagiliran ko.
she's back.
"Hahaha. Saka ko na sasabihin sayo kapag okay ka na talaga. Kapag okay na kayo. Hindi na muna ngayon. Magbati na muna kayo at malalaman mo." Sabi ko at ginulo ang buhok niya.
"Sige kuya. Salamat sa pagcocomfort sa akin. Kaya mahal na mahal kita eh. Ikaw na lang namang naiwan sa akin."
"Makapagsalita parang namatay sina Kuya Kambal ah." Sabi ko at tinawanan siya.
"Uy hindi naman. Bakit nung nandito ba sila ni minsan ba kinomfort nila ako nang matino?!"
"Di ko matandaan."
"Exactly." Sabi niya na ikinatawa namin.
Okay na siya.
✖✖✖
Cassandra's Point of View:
Pagkatapos ng 'heart-to-heart talk' namin ni kuya, bumalik na kami sa loob And as expecting, nakita ko si James na naghihintay sa labas ng classroom namin."Oh siya. Magbati na kayo ah." Sabi ni Kuya Chris at kiniss ako sa cheeks. Nginitian ko naman siya
"Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?" Poker face na tanong ko sa kanya.
"Cass, magpapaliwanag ako."
"James, ilang ulit ko nang sinabi sayo. Huwag ngayon." Sabi ko pero hinawakan niya ako sa braso na dahilan para mapatigil ako.
"Cass, hindi ako titigil hanggang di mo ako pinakikinggan." Sabi niya.
Napabuntong hininga ako.
"James, ako muna, okay?" Sabi ko at hinila niya naman ako pababa.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Hanggang sa makarating kami sa may fountain.
"Okay. Magsasalita na ako ah." Sabi ko at tumango siya.
Cassandra, hinga.
"James, oo. Bago ka magsalita, aaminin kong, oo. Nasaktan ako. Normal na sigurong maramdaman yun kasi nga nagmamahal ka at nakita mong may haliparot na gagang babae na humalik sa boyfriend mo diba? Oo, James. Masakit. Sobrang sakit. Magsosorry ka kasi nasaktan mo ako? James... n-no need." sabi ko at pinunasan ang mga mata ko.
"Cass, don't do this to me."
Hala. akala niya ba makikipagbreak ako?
"Hindi ako makikipagbreak, ano ka ba. Ha-ha-ha." Sabi ko at tumawa nang mapait.
Mukha naman siyang nakahinga nang maluwag.
"Kilala mo ako, james. Hindi ako nagagalit nang walang rason. Hindi ako lumalaban kung alam kong wala naman akong laban, ipaglalaban, at ilalaban. Hindi ako ganun kababaw para makipaghiwalay ng ganun ganun na lang. Although yes, sa mga nangyari, pwede na kitang hiwalayan."
Bumalik ang takot sa mga mata niya.
"Pero kasi James... k-kada naiisip k-ko yung.. m-mga sinabi mo sakin n-noon na... ak-ko lang... pinangako m-mo pa. J-james, hanggang ng-ngayon kasi.. k-kumakapit ako s-sa mga sinabi.. m-mong y-yun.." Humahagulgol na sabi ko.
Mukha naman siyang nataranta. Iniisip niya sigurong siya ang may kasalanan na umiiyak ako or pinaiyak niya ako. technically, oo. Pero wala ako sa mood makipagtalo ngayon.
"J-james... gusto ko lang malaman mo... m-mahal na mahal... k-kita. P-pero gusto ko.. r-ring malaman k-kung... para sayo.. ak-ko lang ba??" Tanong ko habang pinupunasan yung mga luha ko.
"Cass, I'm sorry. I know na nagkasala ako. I'm really sorry. But thank you kasi kumakapit ka sa m-mga..." and with that, naluha na rin siya. "sinabi ko. Ano ba naman yan! Ang gayshit. Umiiyak ako sa harap ng babae. Pero wala akong pake. Mahal ko naman siya eh." Napatingin ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya
"Oo Cass. Mahal kita. Mahal na mahal. Higit pa sa inaasahan mo." Sabi niya at lumapit siya sa akin.
Ikikiss niya sana ako nang may maalala ako.
"Don't. Don't kiss me. Hindi pa disinfected 'yang labi mo."
BINABASA MO ANG
Consequences
Romance-EDITING- what happens if the crazy, suicidal, and the one and only Cassandra Alvarez, falls in love? will she be able to escape the consequences of love? Language/s: Tagalog, English, Korean, Chinese (no kidding) Date Started: February 14, 2017 Da...