Chapter 14

20.2K 311 3
                                    

Chapter 14

Cassandra's Point of View:

Kanina pa masama ang pakiramdam ko kasi nandito si Nico sa bahay.

I feel uneasy kasi nakatingin lang siya.

Ang awkward.

"So, Nico, anong sadya mo rito?" Tanong ni Kuya Carlos sa kanya.

Si kuya talaga ang nagtanong!

Kasama namin dito sa sala sina kuya, mommy at daddy.

At may masama akong kutob rito.

Kanina pa ako naiihi pero ayaw akong patayuin ng nanay ko.

"Ah, kasi, tito, tita, mga kuya..." panimula niya.

Pati ako, napatingin sa kanya.

Kanina pa siya parang hindi makahinga nang maayos. Para siyang kinakabahan na ewan. Siguro kasi nandito sina mom

"Ano yun, Clayton?" Ngayon, si dad naman ang nagtanong. Seryoso ang tatay ko ngayon ah.

"Ah.. eh..." Utal utal na sabi niya.

"Liligawan ko po sana si Cass." Mabilis na sabi niya.

Wait...

Ano daw?

Nasamid ako bigla.

Ni hindi ko nga alam kung gusto ko siya, ligaw na?

"A-Ano?!" sabi ko.

Hinagod naman bigla ni Kuya Carl yung likod ko.

"Ano yun? Ano yun?" Tanong ni Kuya Chris habang naniningkit ang kanyang mga mata.

Nako po, mga itsura palang nila, halatang disapprove na.

Sina mom at dad, nagulat din yata at natahimik sila at nagkatinginan.

Well, who wouldn't be shocked?!

"Ahhh eh... Nico, may tanong ako. Huwag mong mamasamain ah. Pero, MU na ba kayo ni Cass?" Tanong ni Dad.

Himala, hindi Clayton.

"MU? Ano yun?" Tanong ni Nico.

HINDI NIYA ALAM!?---

"Joke lang po! Opo, MU na kami ni Cass!" Masaya niyang sabi.

Napatayo ako.

"Hoy hoy! Umaapaw self confidence mo!" Humarap ako kina mommy. "Huwag kayo maniwala jan, mommy, daddy, di ko nga yan kilala eh!" Sabi ko sabay irap.

Hinatak naman ako paupo ng kuya ko.

Naku po. Pano na naman ito?

"De, loko lang po, tito, tita. Haha. Hindi pa po kami MU. Binisita ko lang po siya. Wala lang akong masabi kanina kaya yun ang nasabi ko. Hahahaha. Sorry po." Sabi niya sabay bow.

"Haysus. Yan na namang gulo niyoooo..." sabi ni Kuya Carlos. "Ayusin niyo nga yan!" Sabi niya ulit sabay gulo sa buhok niya.

Umalis silang lahat at ako, lumabas sa bahay at dumiretso sa swing.

"Bat ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang.. masama bisitahin ka?" Sabi niya sa akin.

"Wala akong sakit okay."

"So? Masama makita ka?"

"Wala akong sinasabing ganun, Nico! Anong masama? May mata ka! Saka... go straight to the point. Alam kong hindi 'yan ang pakay mo."

Hindi siya nakaimik.

It hasn't been long since I met him pero basang-basa ko na 'tong isang 'to.

"You know my answer. You know that I can't offer you anything more than friends." I sighed.

Tinignan ko ang phone ko na nasa bulsa ko lang.

6:49 pm.

Gabi na rin pala pero maliwanag pa ang paligid.

Tumayo ako.

"I'm sorry, Nico, pero hanggang friends lang ang kaya kong ibigay sayo. I'm-- I mean, we're too young to be in a relationship. Wala pa tayong alam sa love love na yan. At may priorities rin ako. Tulad ng pag-aaral, family, si God, Sarili ko, mga friends. Kaya, sorry, Nico. It's still too early. Studies muna ang priority ko. Friends na lang muna tayo." Mahabang sabi ko at akmang papasok na ulit sa bahay.

"Siya parin ba?" Tanong niya.

Binalingan ko siya ng tingin.

Yung itsura niya, parang nasasaktan na gusto na niyang umiyak.

Pero alam ko, tama itong ginagawa ko.

He smiled bitterly and said, "Thank you pa din, Cass. I'm not gonna give you up that easily, I will wait for the right time. Pero sana sa panahong iyon, pwede at kaya ko pa..."

✖✖✖

Nico's Point of View:

Nandito ako ngayon sa kotse pauwi.

At ngayon, mukha akong tangang nakatingin sa binatana na basa ng ulan.

Ang masaya pa, pinapatugtog sa radyo yung Paasa ni Yeng Constantino habang paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko yung sinabi ni Cass sa akin kanina.

Ang hirap palang maging T-A-N-G-A

Pinapaasa mo lang ako
Kasi alam mo na crush kita
Oo na, crush kita
Pambihira o, dati pa

May patanong-tanong ka pa
Kung sino yung nasa facebook status ko
Hoy, tungkol yun sayo
Kung sana, ako nalang ang girlfriend mo

"Friends na lang muna tayo."

"Friends na lang muna tayo."

"Friends na lang muna tayo."

"Friends na lang muna tayo."

"Friends na lang muna tayo."

"Friends na lang muna tayo."

Hanggang friends?

Hindi ako papayag.

Just give it time, and I swear, I'll make you mine.

Friendzoned ako ngayon, pero hindi ako papayag na hanggang dun nalang lahat. Hinding-hindi.

"Friends na lang muna tayo."

Pero, just wait and see, magiging kami niyan.

Kung hindi man maging kami, at least MU. Masaya na ako dun.

Sana, hindi pa ako bumitaw. Sana sa panahong pwede na, kaya ko pa. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana kaya ko pang humawak nang mahigpit.

Sana, kaya ko pa.

_______
woop woop woop woop woop

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon