Chapter 49

12.5K 159 7
                                    

Chapter 49

Third Person's Point of View:

Pagsisisi.

Yan ang nararamdaman ngayon ng apat habang nasa labas ng emergency room.

Halos pagsakluban sila ng langit at lupa kaninang nakita nila ang katawan ni Cass na nakahandusay sa sahig.

Kanina pa lakad ng lakad si Carlos na mukhang maiiyak na. Hindi nila alam kung ano ang gagawin. More likely, hindi nila alam kung pano ito sasabihin sa mommy at daddy nila.

Napalingon sila sa taong kakapasok lang.

"Chris." Sabi ni Carl habang nilalapitan ang kapatid niya.

Pero hindi pa nakakalapit si Carl kay Chris bigla na lang niyang naramdaman ang kamao ni Chris na dumampi sa kaliwang pisngi niya.

"Sinabi ko na sa inyo diba? Tinuloy niyo parin." Tumigil muna si Chris sa kakasalita at huminga saglit. "Alam na to nina mommy. At papunta na sila dito." Sabi niya at sinilip si Cass mula sa bintana.

Mahimbing siyang natutulog habang maraming nakakabit na aparato sa kanya.

May lumabas na nurse galing sa loob at may inabot kay Chris. Ang phone ni Cass.

Ano kaya ang 6 number combination na makakapagbukas sa phone ni Cass?

✖✖✖
Christopher's Point of View:
Cass... pengeng anim na numero oh. Hindi para sa lotto. Pero para sa combination ng phone mo...

Papahirapan pa ako nak ng.

Pagkakatanda ko, 07 ang number ng "asawa" kuno niya. Tapos February 13 ang birthday niya.

021307

Unlocked.

I KNEW IT!

Nagulat ako ng biglang magmessage ang isa niyang kaibigan.

From: Oh Night Iris💕
Hi, Cass unnie! Lalabas kami nina Erin. Sama ka?

Okay. Act normal, Jazkhiel. Pero kaibigan sila ni Cass... diba kailangan din nilang malaman?

To: Oh Night Iris💕
Yo Ciel. Si Kuya Chris niya to. Si Cass.... nasa loob ng e.r.

Sent.

Sigurado ako, kapag dumating dito ang mga kaibigan ni Cass, kawawa di James. Mararamdaman niya yung naramdaman ng Kuya niya.

Kasalanan niya rin naman eh. Kaya ngayon, bare with the consequences.

Nagvibrate uli ang phone ni Cass.

From: Oh Night Iris💕
Saan?! Papunta na po kami

Ano bang pangalan ng ospital na to? Sumugod sugod ako dito ng hindi man lang nalalaman yung pangalan ng ospital. Napakatalino mo talaga Jazkhiel. Idol na idol kita.

To: Oh Night Iris💕
Di ko lam pangalan ng ospital. Basta yung ospital na malapit sa school.

Talaga namang malapit eh. Katapat nga eh. Ewan ko ba kung may malapit na ospital sa school namin. Nakakaloka.

From: Oh Night Iris💕
Ok. Copy.

Kinalkal ko pa ang phone ng kapatid ko. Wala namang masyadong apps maliban sa social media. Wala man lang siyang ka game game.

Maya-maya lang, pumasok na ang mga kaibigan ni Cass. Oo. MGA kaibigan niya.

Ciel, Nicole, Erin, Faith, Reb, Yuka, Ynna, Patrice, Kenneth, Xav, Nico, Roger at Angelo.

I never knew she had many friends.

✖✖✖
Ciel's Point of View:

Napahamak na naman yung kaibigan namin ng dahil sa kanya.

Nilapitan ko siya.

"Yah, Ethan James Go." Pagtawag naming lahat sa kanya na ikinalingon niya.

Nakikita ko sa mga mata niya ang takot. Marami kami kumpara sa kanya.

"C-ciel..." sabi niya habang nauutal.

Hindi mo alam kung anong mangyayari sayo kapag nawala ang bestfriend namin.

Lumapit ako sa kanya habang nakacross arms.

First wave.

"Akala ko pa man din matalino ka. Lagi ka pa man ding binibida ni Cass-unnie sa amin kasi matalino ka daw. Pero asan yung matalino? San banda?" Nakasmirk kong sabi na ikinatahimik niya.

Second wave.

"Hindi mo man lang ba inisip yung mararamdaman niya? Akala mo ba mahal mo siya?!" Sabi ko sa kanya.

Hindi siya nagsasalita.

Final Wave.

"Alam kong mas matanda ka sa akin. That's why I'm calling you oppa. Hindi ba dapat mas mature ka kasi mas matanda ka sa akin? Tsk. Turns out hindi pala. Kasi James-oppa, ang tanga mo para sundin tong inutos sayo. Hindi ka man lang nag-isip! Napakatanga mo! Hindi pa nga sapat yung word na tanga para sabihin sayo eh!"

Nakikita ko ang mga nagbabsdyang luha sa mga mata. But should I care? HELL NO!

Nasa alanganin ang buhay ni Cass-unnie ng dahil sa kanyang gago siya!

"James... hindi mo man lang ba inisip?! Ganyan ka ba kababaw?!" Sigaw sa kanya ni Erin.

"Oo na! Tanga na kung tanga! Pero wala naman kayo doon nung nangyari eh!" Hindi na ata nakapagpigil si James-oppa kasi bigla na lang siyang sumigaw.

Lahat ng atensyon ng mga tao, napunta sa amin. Pero wala akong pake. Wala kaming pake.

"Well then explain." Sabi ni Reb.

Umupo si James-oppa at napasinghap na lang.

"Alam kong napakatanga ko na para sa inyo. Kasi sinaktan ko yung kaibigan niyo! Pero hindi ako ganun katanga para saktan ang taong mahal ko!" Sabi niya at napaiyak na lang...

Mahal?

"Oo, pumayag ako noon kasi hindi ako pinatapos nina Kuya Carlos at Kuya Carl sa pagsasalita! Kaya siyempre wala akong choice kung hindi um-oo na lang! Pero ang gusto kong sabihin noon sa kanila, bakit ko kailangang magpanggap kung mahal ko naman talaga?!" Tiningnan niya kami isa-isa. "That day, sasabihin ko na sanang susuko ako sa utos nila kasi hindi ko na kailangang magpanggap. Pero narinig niya ako! Narinig niya yung part na 'sinusukuan'. Gusto kong i-explain sa kanya lahat pero wala... tumakbo siya... nadulas sa hagdan at... ayan..."

Natahimik ako bigla. Naguilty ako ka agad sa mga pinaggagawa at pinagsasabi ko.

Pero masisisi niyo ba ako?!?!

Diba hindi naman!

Pero ano nang gagawin namin ngayon?

Cassandra unnie, gising na please? Jebal?

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon