Chapter 64
Cassandra's Point of View:
Thursday.
Boring.
Discuss. Discuss. Discuss.
Ang boring. Pero kailangang i-maintain ang grades eh.
"For your Performance Task before your Christmas Vacation..."
At nabalik ako sa mundo nang mabanggit na naman ang hell works.
"It's gonna be a movie. Magkakalaban per section. Tapos per section, may two groups. Yung two groups na yun, magkalaban pa rin. Pero kailangan maganda pa rin ha?" Sabi ng teacher namin at tumango naman kami.
"So since 34 kayo dito sa class niyo, tig-17 per group. May bowl na iikot sa buong room. May 17 na number 1 and 17 na number 2. Hindi to biased ah. Kayo ang bumunot ng sarili niyong kapalaran." Sabi ng teacher at saktong nasa akin na ang bowl.
Lord, sana matitino mga kasama ko.
Binuksan ko ang papel na nakuha ko.
2. Number 2. Group 2 ako.
Nagsenyasan kaming magkakaibigan.
Ni isa, wala akong kagrupo sa kanila.
"Group 1, this side. Group 2, that side. Go meet your groupmates. Decide what your group name will be. Mag-assign na ng Director, Stage Manager, and etc." Sabi ng teacher at pumunta na ako sa side ng group ko.
At least I have Ynna and Patrice.
"Bago tayo mag-assign, magdecide na muna tayo sa name ng group natin." Sabi ni Ynna.
I raised my hand, "Ruguo women shiyong butong de yuyan zuhe women de zu mingcheng zenme ban? (What if we make our group name using a different language?) "
Natawa si Ynna dahil nagtaka ang mga kagrupo namin. Napatakip na lang ako sa bibig ko nang mapagtantong nag-Chinese na naman ako.
"Cass, pag tayong dalawa lang, pwede mo akong kausapin in Chinese. Pero group meeting 'to hahaha." Sabi niya.
"Ay sorry naman. Sabi ko, pano kung ang gawin natin, ibang language yung group name natin para maiba naman? For example, Korean, Chinese, Japanese, French." Sabi ko at nagtanguan naman ang mga kagrupo ko.
"Korean na lang!" Suggest nila.
Tumango ako.
"Arumdaun Jaenan (Beautiful Disaster)." sabi ko.
"Ano dawww?"
"Oh edi ikaw na ang fluent in 4 languages!"
"Edi shing."
Natawa na lang ako sa mga reaksyon nila.
"Beautiful Disaster. Arumdaun Jaenan." Sabi ko at nagtanguan sila.
***
ANG STRESSFUL. Heto ako ngayon walang ganang kumakain.
"Uy. Uso kumain. Huwag titigan ang pagkain." Sabi ni Faith.
Sinabi ko bang kumakain? What I mean is, tinititigan ko lang ang pagkain.
BINABASA MO ANG
Consequences
Romance-EDITING- what happens if the crazy, suicidal, and the one and only Cassandra Alvarez, falls in love? will she be able to escape the consequences of love? Language/s: Tagalog, English, Korean, Chinese (no kidding) Date Started: February 14, 2017 Da...