Chapter 19

18.3K 258 6
                                    

Chapter 19

Cassandra's Point of View:

First Day.

Bukas pa ang lahat ng games ko.

First day, ngayon ang pagalingan ng yell, at Mr. and Ms. Intrams.

Magpeperform rin kami as a band mamayang hapon bilang hudyat ng simula ng games.

At ang masayang part, ang Ms. Intrams namin ay si Ciel.

Yes. Si Night Iris Clementine na bestfriend ko.

Tapos ang Mr. Intrams namin ay si Jasper.

Oo. Si Jasper Lee na pinakaayaw ko. Pero sa ayaw ko at sa ayaw na ayaw, kailangan pa rin naming mag-cheer.

Kasuka.

"Waw, photographer daw." Paglingon ko, si Kenneth lang pala.

Epal talaga. Panira ng trip.

"Paki mo?" Pagtataray ko.

"Sungit neto! Meron ka siguro!"

"Ba't ka ba kasi nandito?"

"Eh sabi ni Nico!"

Naningkit ang mata ko.

"Sabi nino?"

"Ayiieee kinikilig ka na naman! Si Nico! Ayaw mong maniwala? Heto oh." Sabi niya sabay labas ng cellphone niya.

Binasa ko ang convo nila through text.

Wow.

Nico torpe
Hoy bantayan mo muna si
Cass bukas ha

Kenneth
Bakit, pre? Mamamatay ka na ba?
Joke peace😂✌✌

Nico torpe
Bobo may check up lang!

"Oh ayan alam mo na! Unicorn abuse ka kasi eh!" Sabi niya sabay fake cry.

Tangina ang bading ng puta.

"Hoy kung may unicorn man dito, ako yun! Baboy ka kaya!!" Pang-aasar ko sa kanya.

Inirapan naman niya ako.

Hyper rin pala tong gagong to eh.

"Dun lang ako sa harap." Sabi ko.

Kailangan ko kasing kumuha ng magagandang shots para mailagay sa school paper.

Ako ang incharge sa pagkukuha ng photos para sa article nila.

Luminga-linga ako sa paligid para hanapin ang mga Grade 7. Nandun sila sa gilid. May hawag na mga tarp, green na balloons.

Nakasuot rin sila ng green na t-shirt, of course.

Ako rin, green shirt tapos yung buhok ko ang pantali na ginamit ay green ribbon.

"Ganda raw ng kuha niya." Napalingon ako sa nagsalita.

Si Reb pala. Kasama si Faith.

Hindi ko na lang sila pinansin. Para kasi silang si Kenneth.

"Ay, nang-snob si atii. Wala kasi yung ka-lovelife niya eh." Sabi ng biglang sumulpot kong kaibigan na si Erin.

Sinamaan ko na lang sila ng tingin.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon