Chapter 55

12.7K 176 12
                                    

Miss ko na si Lee min ho😭 and his "dirshgurshting sheyyyt" HAHAHA.

Vote, comment, and follow💕

Kamsa

-----------

Chapter 55

Cassandra's Point of View:
"Hanggang kailan ka dito?" tanong ko kay James.

"What do you mean hanggang kailan? Dito na ulit kami noh. Lalo na't nahuli na si Kuya Sher." sabi niya at nginitian ako.

Lumiwanag ang mukha ko.

"Talaga?!" Sabi ko at niyakap siya.

Niyakap niya din ako pabalik.

"Ano yang yakap na yan ha? kayo na ba?" biglang pumasok uli sina Faith dito.

"Hulaan mo, nanay" pang-aasar ka.

"Hoy maka nanay ka! Di nga kasi. Umamin nga kayo! Kayo na ba?" pang-iintriga ni nanay Faith.

"Malay ko. Di pa naman nagtatanong tong isang to." bulong ko sa last part. baka isipin niyang malandi ako eh.

Well... beri beri light. Pag nagfafangirl lang.

"Ikaw naman kasi... kailan magiging kayo? ha?" ngayon, si Nicole naman ang nangintriga.

"Ang chismosa niyo! Dinaig niyo pa ang Dispatch at Allkpop!" Sabi ko sabay tawa.

"Aba bakit masama bang malaman kung kamusta na ang love life ng pinakamamahal naming bestfriend?" Si Erin naman ngayon ang nagsalita.

"Oo. Masama. Invasion of privacy kayo eh! Pulis ba kayo? o kaya NBI agent?" pagbibiro ko na ikinatawa nila.

"Seryoso na kasi, Cass. Oo o hindi lang naman kasi ang sagot eh." Pamimilit ni Nicole.

Ano nga ba? Kami na ba? Pag nag-i love you-han ba sa isa eh sila na? Hala naguhuluhan ako.

"Oo kami na." Walang emosyong sabi ni James na dahilan lara magtitili sina Faith dito.

"Huy ano ba. Nakakahiya kayo ang iingay niyo!" Pagsuway ko sa kanila kasi nagtinginan yung mga tao dito. Buti na lang at hindi sila ganjn karami.

"Waaa! Sila na!" pagwawala pa nila.

Mas malala pa sa pagfafangirl nila over BTS. Kami na ba ang bago nilang otp?

"Shh! Kayo pa lang ang nakakaalam!" Pagsaway naman ni James.

Teka kami na ba talaga? Hindi niya nga ako tinanong eh. Walang tanong.... so wala ring sagot??

***

"Ayos ka lang? Kelan pa naging tayo, ha?" sabi ko kay James pero iniwasan niya lang ako.

"James. Huyyy!" pangungulit ko pa sa kanya.

"C, I'm tired." pagod na sabi niya sa akin.

Napasimangot na lang ako. Ang daya naman eh!

Lumabas na ako ng kotse niya at dumire-diretso na papasok ng bahay. Hindi ko na siya nilingon pabalik para magpaalam. Bahala siya diyan.

***

Pagpasok ko ng kwarto ko, biglang nagring yung phone ko.

Incoming Call from: J💕

BAHALA KA DIYAN!

Nireject ko yung tawag niya at nilapag yung phone ko sa kama. Nagpalit ako ng damit na pantulog at nahiga.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon