Chapter 48

13.2K 169 10
                                    

Hi! Ang gwapo ni Doyoung. Hahahaha. Joke lang. Si Luhan pa din ang pinakagwapo para sa akin.

Dapat kagabi pa tong update na to kaso natulugan ko. Haha sorry naman.

Eto na ang update. Maiyak sana kayo.

Vote, comment, and follow

Kamsa!~

----------

Chapter 48

1 month later...

James' Point of View:

"James. Huwag mong kalimutan yung napag-usapan natin." Sabi ni Kuya Carl.

Kasalukuyan akong naglalakad pabalik ng classroom nang makasalubong ko siya.

Well of course, hindi ko kakalimutan yung sinabi nila sa akin. Scratch that, pinapagawa pala. At ang hirap gawin. Lalo na kung.... hayyyy...

Flashback (1 month ago)

Nandito ako sa bahay nina Cass. Wala si Cass at tanging ang mga kuya niya lang ang nandito.

Wala rin akong ideya kung bakit ako nila pinapunta ngayon.

"Buti naman at nakarating ka." Salubong sakin ni kuya Carlos habang binubuksan ang gate.

"Alangan namang di ako sumipot. Di naman ako talkshit noh." Pambabara ko naman.

"Bara pa. Bagay talaga kayo ni Cass." Sabi niya at namula naman ako.

***

"Bakit niyo ba ako pinapunta dito?" Tanong ko pagkapasok ng kwarto nila.

"May iuutos sana kami." Sabi ni kuya Carl.

Bigla na lang akong kinabahan. Kahit hindi pa nila sinasabi, feeling ko, hindi na ito maganda. At feeling ko, may masasaktan.

"A-ano yun?" Nauutal kong tanong.

Huminga sila nang malalim bago magsalita. Hindi nga ito maganda. Masama na ang kutob ko dito.

"Alagaan mo si Cass." Paninimula ni Kuya Carl.

Si Kuya Chris, nasa isang tabi lang at walang pakialam dito.

"Paalala lang na wala ako diyan ah. Kaya kapag pumalpak yang plano niyong kambal kayo, wala na ako dun." Sabi ni Kuya Chris at ipimagpatuloy lang ang pagrereview niya.

"James, please ikaw na lang ang pag-asa namin." Ngayon, si Kuya carlos naman ang nagsalita.

Ano ba ang kailangan nila sa akin? Ano ba yung kailangan kong gawin? Bakit hindi pa nila sabihin?! Ang dami pa nilang paligoy ligoy. Just go straight to the fucking point!

"Ano ba kasi yun?" Naguguluhang tanong ko.

"Please pretend that you like our sister. You're our last hope. Please." Sabay na sabi ng kambal.

Teka... ANO?!?!?!

Tama ako. Tama ang hinala ko. May masasaktan.

Bakit ko kailangang magpanggap eh gusto ko naman talaga siya?!

"P-pero kuya---"

"James, please." Sabi ni Kuya Carl.

"Para maging masaya siya. Gusto namin siyang makitang maging masaya." Sabi naman ni Kuya Carlos.

"Kayong kambal kayo! Hindi na ba kayo nag-iisip?! Sorry ah. Alam kong kuya ko di kayo. Kaso di ko na makaya tong mga pinaggagawa niyo eh. Hindi niyo ba alam kung anong mararamdaman ni Cass pag nalaman niya to?! Baka naman nakalimutan niyo nang may sakit siya?! Hindi na kayo naawa! Pag si Cass, napahamak dahil dito sa plano niyong to, I assure you, hindi niyo magugustuhan ang gagawin nina mama sa inyo." Sabi ni Kuya Chris bago lumabas ng kwarto nina kuya kambal.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon