Chapter 16

19.5K 273 10
                                    

Chapter 16

Cassandra's Point of View:

Ang bilis nga naman ng oras at ngayon, September na.

Ber months na!!

Kahapon ang birthday ni Daddy at wala akong niregalo sa kanya.

Joke... siyempre meron!

Cake.

"Muntanga si unnie oh. Ngumingiti mag-isa."

Napabalik ako sa realidad nang nagsalita si Ciel.

Oo nga pala. Nasa 7/11 kami ngayon dahil uwian na.

"Tsk. Malakas na ang tama mo, Cass!" Natatawang sabi ni Faith.

"Di mo pa kasi sabihin kay Nico eh!" Ngayon, si Erin naman ang nagsalita.

"Lol wala naman akong sasabihin." Sabi ko. "Isa pa... alam niyo naman eh.." Napatigin sila sa akon.

Uminom ako dun sa binili kong slurpee habang nags-scroll ako sa instagram feed ko.

"Guys, napansin niyo. Bakit kaya isang linggo nang wala si James?" Pag-iiba ng topic si Reb.

Oo nga noh? Bakit kaya?

I'm worried. Alam kong wala siyang pake sa akin pero may pake pa rin ako sa kanya!

At kahit na puro free trial lang 'yung in-offer niya sa akin, at hindi full version, hindi ko siya magawang kalimuyan. Hindi ko magawang magalit sa kanya.

Kahit na sabihin nating nandito si Nico para bantayan at alagaan ako.

Gusto ko pa rin naman siya. Pero I know, hindi na ito katulad ng dati.

"Cassandra unnie? Do you have any idea why?" Tanong ni Ciel.

"Nope. Bakit close ba kami?" Sabi ko sabay irap.

"Oo nga naman. In-uncrush mo na nag diba?" Sabi naman ni Yuka.

Ha, uncrush? Ano 'yun? Nakakain ba 'yun?

Pero asan kaya siya? Kamusta na kaya siya?

✖✖✖

James' Point of View:

"James dalian mo nga!" Sigaw sa akin ni mommy galing sa baba.

Paalis na kami ngayon papuntang Canada. Yes, Canada.

Yung Canada na country. Hindi Canada street or whatever.

"Saglit lang po, mom!" Sigaw ko habang hinahatak pababa yung luggage ko.

***

"Bes, i-promise mo sa akin na babalik kayo ha?" Sabi sa akin ng pinsan kong si Ate Raine

"Oo bes. Uwian pa kita ng snow eh!" Biro ko.

Nandito na kami sa airport at hinihintay na lang namin na tawagin ang flight namin.

"Bastos to! Pero EJ ha... huwag kang makakalimot." Sabi niya sa akin.

Grabe. Para namang hindi na ako babalik dito sa Pinas.

"Hindi naman ako mawawala ng maraming taon! Baka nga ilang buwan lang kami doon eh!" Sabi ko sabay tawa kahit naiiyak na ako. Kami, I should say.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon