Chapter 65
Cassandra's Point of View:
"Bati na kami. Sabihin mo na kung ano yung pinanghuhugutan mo." Pangungulit ko kay Kuya pagkarating namin ng bahay."Bati na nga ba? Sino niloko mo?" Taas kilay niyang tanong.
"Hindi ako nagbibiro! Bati na talaga kami!" Sabi ko.
Mukhang 'to, magbibiro? ulul di ako clown.
Bati naman na talaga kami eh. Nanggigigil lang talaga ako sa mga malalandi at makakati.
Umupo siya sa sofa, tinabihan ko naman siya.
"I'm in love."
Sabi ko at napabalikwas ako.
"Ha?! Ano?! Kanino?! Bakit di ka nagsasabi!? Totoo na ba to?! Kuya Chris, seryoso?!?!" sabi ko na ikinatawa niya.
"Hinay-hinay lang, Cass. Isa-isa lang. Mahina kalaban," sabi niya habnag tumatawa.
Huminga siya nang malalim bago magsalita.
"Yes. I repeat, I am in love. With whom? With a junior. I know, stupid, right? Bakit ako hindi nagsasabi? Ano ka ba. Nagsasabi ako kaso masyado kayong busy sa mga love life niyo. Sabagay, hindi ko naman kayo masisisi eh. Nagbibigay na ako ng hints sa inyo, for example, yung mga hugot ko..."
Ako naman, nakikinig lang.
"Oo, totoo ito. Seryoso ako. Kanino? I give her clues. Lagi akong nag-iiwan ng sweet notes sa desk niya."
Napatakip ako sa bibig ko.
Si Nicole. Siya lagi ang may notes sa desk niya.
All this time! S-si kuya....
"Pero kuya... bakit sa mga hugot mo, para kang nasasaktan?" Tanong ko sa kanya.
"Na kuya-zoned ako eh." Sabi niya.
Natawa ako.
"HAHAHAHA! N-na kuya-zoned ka ni Nicole?! Kawawa ka naman!"
"Epal neto. Imbes na i-comfort ako, pinapasama pa loob ko. Makaalis na nga." Sabi niya na parang nagtatampo.
Tumayo siya at nagsimulang maglakad palayo pero hinabol ko siya kaagad.
"Kuya kuya kuya wait lang."
"Huwag ka nga!"
"Wanna know a secret?"
"What secret?" Nagtaas siya ng isang kilay.
Niyakap ko siya sa bewang niya at inakbayan niya naman ako.
"She likes you too. Matagal na. Tanga, manhid, at shunga ka lang talaga para di mo malaman at maramdaman." Sabi ko.
Nagpipigil naman siya ng ngiti. Pero lumiliwanang na ang mukha niya.
"Umayos ka nga, Cassandra. Hindi magandang biro 'yan. Ayoko nang napapaasa ako ah." Sabi niya.
"Hala. Kaibigan ko yung tao. Bakit ako magbibiro? Kung kasiyahan naman yun ng bestfriend at kuya ko, hindi ako mag-aalinlangan para maging kupido." Sabi ko na ikinangiti niya.
"Thank you ha?"
"Saan?"
"Sa lahat. Kasi kapatid kita. Thank you, bunso namin." Sabi ko at nginitian siya.
"Ang drama mo, kuya!" Sabi ko sabay hampas sa likod niya.
***
"Yah, Nicole!" Pagtawag ko sa kanya pagkarating ko sa school kinabukasan.
"Oh? Bakit? Alam kong nafufrustrate ka sa movie niyo pero huwag na huwag mong subukan na ako ang pagbuntunan mo ng galit mo." Sabi niya sabay tawa.
Pero wala ako sa mood para makipagbiruan.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Nicky. Sabihin mo sa akin yung totoong rason kung bakit mo kinuyazoned si Kuya ko?"
Nanlaki ang mga mata niya.
"P-pano mo nalaman--"
"Isip isip. Kapatid ko siya."
"Sorry. Inisip ko lang na baka it's what's best for us. Kasi mas matanda siya sa akin. Tsaka senior high na siya, junior pa lang ako. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung sakaling makikita nila kaming magkasama? Ano na lang iisipin nila sa kuya mo? Sa akin? Na pumapatol siya sa bata! Na ang landi landi ko kasi kahit ang layo ng age gap namin, pinatulan ko siya! yun, Cass.. yun ang inisip ko. Aaminin ko, nung sinabi niyang gusto niya akong ligawan, gusto ko nang sagutin siya ka agad. Kaso yun nga... naisip ko..."
"Haters be damned. Basta ang mahalaga, kasiyahan ng bestfriend at kuya ko. Kung nangyari nga yun, ako ang bahala. At bakit naman kayo magpapaapekto sa mga sinasabi ng iba kung alam niyo, natin naman ang totoo?" sabi ko at nginitian siya.
"Gusto ko mang bawiin yung mga sinabi ko sa kanya, pano?"
Tinapik ko yung balikat niya at hinila-este kinaladkad siya papuntang auditorium.
May inihandang surprise si kuya dun. Sana lang, sagutin na siya ni Nicky.
"Oh ayan. Pumasok ka. Pwede mong bawiin lahat ng sinabi mo. Pwedeng-pwede mo na rin siyang sagutin." Sabi oo at tinulak siya papasok.
My work here is done.
***
"Ba yan! Mag-internalize nga muna kayo! Kaasar naman!" sabi ko sa kanila.
Nagfifilm kami ngayon ng para sa movie namin. Yes. Like an actual movie. 1-2 hours.
Hindi naman kasi nila inaayos ang pag-arte nila. Nandito kami ngayon sa may dagat. Dagat scene din kasi. Matagal pa naman scene ko kaya ayos lang.
Nakita kong papunta dito yung section ni James. Puta. Pero di ko nakita yung malanding babae na yun. Buti naman. Wala ako sa mood para makipag-away ngayon.
"Oh ready, 3... 2... 1... Action!" Sabi ko at nagsimula na silang umarte.
***
"Mukhang pagod na pagod ang director ko ah?" nilapitan ako ni James sabay abot ng tubig."Ay salamat. Pagod nga. Nakakabwiset naman kasi!" Sabi ko na ikinatawa niya.
"Kaya mo yan. Hindi naman ibibigay sayo yang position na yan kung alam bilang di mo kaya eh. Kaya mo yan, Baobei. I believe in you." Sabi niya at nginitian ako.
"Alam mo, ang swerte ko." Sabi ko at nginitian siya pabalik.
"Huh? Bakit naman?"
"Kasi ikaw ang naging boyfriend ko. Kasi kahit ilang beses na tayong nag-away, di mo pa din ako sinusukuan." sabi ko.
"Mahal kita eh. Bat naman kita susukuan?" sabi niya at niyakap ako.
"Ehem! tama na po ang lampungan--este lambingan tapos na po ang break time." Pagepal--este pagtawag samin ni Ynna na ikinatawa namin.
Naunang bumaba si James dito sa batong inuupuan namin tapos sumunod ako. Pero inalalayan niya ako para makababa ako safely.
Sweet. :'))
Ynna nudged me, "Ang swerte mo kay James."
I smiled at her, "Sobra."
"Sana ganyan din si Nico sa akin noh? Pero yun? Asa ka pa!"
Natawa na lang ako kada maaalala ang mga pag-aaway nila.
yes, si Nico at ynna na.
Lagi nga lang nag-aaway. Pero at the end of the day, magbabati rin sila.
Pinanood ko si James na pumwesto sa set nila habang nagmememorize ng linya.
I could look at him all day.
BINABASA MO ANG
Consequences
Romance-EDITING- what happens if the crazy, suicidal, and the one and only Cassandra Alvarez, falls in love? will she be able to escape the consequences of love? Language/s: Tagalog, English, Korean, Chinese (no kidding) Date Started: February 14, 2017 Da...