Chapter 18
Cassandra's Point of View:
October.
Intrams na naman bukas.
Mag nonovember na naman.
Pumasok na si sir at ibig sabihin, time na para sa first subject which is English.
Ang saya. Habang nagdidiscuss si Sir, walang pumapasok na info sa utak ko. Ni isa, wala. Hindi ko alam kung bakit.
Ganun pa rin ang epekto niya sa akin.
Yes. Si James. Isang buwan na mula nung umalis siya, pero ni minsan hindi siya umalis sa isipan ko.
I admit, namimiss ko siya.
Miss lang naman. Siguro may kaunting kirot, 'di naman kasi maiiwasan 'yon, eh.
Nakakamove on ba ako? Siguro oo? Siguro rin hindi? Kasi hindi mo naman masasabi kung okay ka na hangga't hindi mo pa natatanggap eh.
Lagi silang nakasuporta sa akin. Lagi silang handa akong saluhin kada babagsak ako, and I'm really thankful for that.
Lalo na si Nico. Araw-araw niya akong pinapasaya. Pinaparamdam niya sa akin na special ako.
Na parang, I'm so loved at mabubuhay ako nang wala si James.
I admit, unti-unti nang naghihilom ang mga sugat ko.
Nabalik ako sa realidad nang tumigil sa pagsasalita si sir.
"Yung mga nasa top dito sa classroom, please stand."
Hala bakit daw? Nawala sa isip kong nagdidiscuss nga pala ang adviser namin sa harap.
Lutang.
Tumayo ako. Kasi kahit papano, umabot yung grado ko ngayong second grading.
Pero nung first quarter, cut off ang grado ko. Kaya wala.
Pero buti na lang... nakaraos!
Bale ang mga nasa top, Ynna, Kylie, Angelo, Mark, Ciel, Nico, Ako, Faith, Grace, Desiree at Anne.
Pinapunta kami sa harap.
Pinakita yung results ng long test namin kahapon.
I'm not expecting na maging highest or what. Basta lang pasado!
Sila na muna ang pinauna ko sa pila at ako na ang nagpahuli.
Nang turn ko na, nanlaki ang mga mata ko.
Kinusot-kusot ko yung mata ko at pumikit-pikit ng ilang beses.
Over-all Grade 7 English LT 2 results:
1. ALVAREZ, Cassandra Angelica Alcantara (7-A) 47/50Pagkapasok ko ng room, nagpalakpakan sila.
Ako naman, matutuwa ba ako?
Parang sanay na ako maging highest sa English.
Ang ayaw ko lang sa pagiging highest, ay yung high expectations nila sayo dahil ikaw yung highest.
Na parang ikaw yung pinaka nakakaintindi sa lesson.
Yun ang mahirap eh. Mahirap silang biguin.
Anyways, this day, halos walang klase kasi preparation lang para sa intrams bukas.
At magkakakampi ang buong Grade 7.
Green Team kami.
Si Sir Jay rin, wala nang klase. Kami ang first at last class niya.
Ano kaya mga sasalihan ko?
Chess, Table tennis, badminton, at volleyball... ano pa ba? Ah. Yung sport ko. Soccer.
Masaya to.
3 days naman ang intrams at alam ko na ang schedule dahil nga lahat dadaan samin dahil si mom at dad na ang namamahala ng school.
"Sino mga sasali sa Games?" Nagtanong si Sir sa amin.
Nagtaas ako ng kamay.
"Let us start with Cass. Cass ano sasalihan mo?" Tanong sa akin ni Sir.
"Chess, Table Tennis, Badminton, Volleyball, Soccer... tapos magiisip pa ako ng iba, sir."
Napatigil siya. Marami kasi akong balak salihan eh.
Sana lang payagan ako ng nanay ko. Kasi nga diba yung walang kwenta kong puso may problema?
"Are you sure Cass--"
"Neh. I was just kidding. Chess, Table tennis, at badminton lang po." Sabi ko na lang.
May takbo takbo at talon kasi yung volleyball.
***
Recess time.
"Kanina ka pa tahimik ah." Sabi ni Nico sa akin.
Umiling ako. Hindi ko rin alam.
"Hindi ko rin alam eh. Inaantok lang kasi ako." Sabi ko sa kanya.
"Nagpuyat ka na naman noh?" Tanong niya sa akin.
Bago ako sumagot, uminom muna ako sa shake na nasa harap ko.
Kasama ko ngayon si Nicole at si Nico. Sina Faith, Erin, Yuka, Reb at Ciel, nasa taas. Minamadali yung performance task nila sa Science.
Mga tamad kasi.
Kami ni Nicole ang partners kaya naman tapos na namin.
"Hindi ah! Medyo lang..." sabi ko na ikinatawa ni Nicole.
Langya tong mag-pinsan na to!
Oo. Magpinsan si Nico at Nicole. Magkapatid ang mga daddy nila!
"Descendants of The Sun na naman? Hindi mo na matapos-tapos yan ah?" Sabi ni Nico sa akin.
"May priorities rin naman kasi ako! Tyaka this past weeks binabaha tayo ng mga MT, PT at LT." Sabi ko sa kanya.
Talaga naman eh. Bago kami mag-exam, binaha kami ng mga Mini Task, Performance Task at mga long test.
Buti na lang at tapos na."Ahh.. buti naman." Sabi niya habang tumatango-tango.
Nakaya kong mabuhay nang wala siya. O diba?
Biglang napatingin si Nico sa phone niya.
"Una na ako, Nicole bantayan mo yan ah!" Pagbabanta ni Nico sa pinsan niya kaya natawa ako.
"Opo. Opo." Parang tangang sabi ni Nicole habang tumatango.
Inubos namin ni Nicole yung mga pagkain namin at dumiretso kami papunta sa may fountain sa likod ng school.
"Congratulations. I survived a month without him." Sabi ko sa sarili ko.
Natawa siya.
"Survived? Don't me bes." Sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Di mo ako madadala sa ganyang tingin mo Cass! Sanay na ako!" Sabi niya.
Well... tama siya.
"Pero sana, I will have the courage to forget him... completely."
BINABASA MO ANG
Consequences
Romance-EDITING- what happens if the crazy, suicidal, and the one and only Cassandra Alvarez, falls in love? will she be able to escape the consequences of love? Language/s: Tagalog, English, Korean, Chinese (no kidding) Date Started: February 14, 2017 Da...