Chapter 27

16.1K 195 12
                                    

Chapter 27
Nico's Point of View:

4 days later. . .
Bisperas na ng pasko ngayon.

At heto ako.. nakatingin sa ilalim ng Christmas Tree. Tinitignan yung regalo niya.

I wonder kung ano ang laman nito.

Hindi ko pa kasi binubuksan. Ugali ko ito. Yung mga regalo na natanggap ko sa Christmas Party, sa pasko ko na bubuksan.

Sana magustuhan niya yun bigay ko sa kanya.

✖✖✖
Ethan James' Point of View:

"Hala. Sige. Bye na! Matutulog na ako. Maghahating gabi na rito. Sige bye! Merry Christmas!" Pagpapaalam ko sa kanya.

Nagvivideo call kasi kami sa skype. 11:52 pm na rito. Malapit nang mag 12. Kaya kailangan ko nang matulog.

"Ha? O sige. Bye!!" Sabi niya at kumaway pa siya sa harap ng camera niya.

Ngumiti naman ako bago tapusin ang tawag.

Nilog out ko ang account ko at natulog nang nakangiti.

✖✖✖
Cassandra's Point of View:

Kumaway ako sa kanya bago tapusin ang tawag. Hindi ko alam kung bakit ang saya saya ko ngayon. Is it because bisperas na ng pasko?

Feel ko, hindi yun eh.

Siguro kasi nagkausap na ulit kami. Oo. Si Nico. Siya yung kausap ko kanina sa Skype.

At ngayon, nanggugulo dito sa bahay si Kenneth. Gabi na bes. Gabi na. Pasko na mamaya.

"Ano ba???? Kenneth umayos ka nga!" Saway ko sa kanya.

Kanina niya pa kasi ako kinukulit. Hindi ko naman maintindihan yung mga pinagsasabi niya.

"Sige na kasi!" Pagpupumilit pa niya.

"Ano ba gusto mo?"

Natigil naman siya.

"Eh? Patambay lang dito sa bahay niyo eh ayaw mo pa! Ang duga mo eh!"

"Wala ka namang sinabing tatambay ka. Bigla ka na lang pumasok tapos sinabi mo ka agad na, 'Cass please!' O sinong hindi maiinis dun?!"

"Sorry. Hehe."

Napairap na lang ako tapos umakyat pabalik sa kwarto ko.

Kinuha ko yung phone ko at in-on ang bluetooth para sa speaker.

Makapagpatugtog na nga muna.

Nakailang kanta na rin ako pero halos hindi tumatakbo yung oras. Hangga't sa natigilan ako dahil may kumatok sa pinto.

"Teka nga! Tangina!" Bulong ko sa huling bahagi kasi masasampal ako ng nanay ko. Lagi naman eh. Jk.

"Bilisan mo at magd-dinner na! Paalis na rin si Kenneth. Hinihintay ka lang niya!" Rinig ko na sabi ni Kuya Chris.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa baba.

"Oh ayan! Merry Christmas! Kahit na lagi mo akong sinusungitan! At kinokorean at jinajapanese! Huhuhu sumbong kita kay Nico kinakawawa mo ako!" Sabi niya.

Parang tanga amp.

Kinuha ko na lang yung regalo niya sa akin at kinuha ko rin yung regalo ko sa kanya na nasa ilalim pa ng Christmas Tree.

"Thanks! Eto regalo o sayo oh." Sabi ko sabay abot ng regalo sa kanya.

Ngumiti naman siya. Na naapsimangot ulit.

"Pero isusumbong parin kita kay Nico kasi kinokorean mo 'ko." He rolled his eyes.

"Edi magsumbong ka, as if namang may pake 'yon."

"Charot, koreano pala 'yung isang 'yun."

Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Koreano? Si Nico?"

"Luh! Di mo alam?!"

Napaisip ako.

"Hindi. Wala siyang nabanggit sa akin." Sabi ko.

"Hala. Hindi nga niya alam." Pang-aasar pa niya.

Sinimangutan ko siya.

"Ano buong pangalan ni Nico?" Tanong niya sa akin.

Ulol ba to? Barkada niya tas di niya alam kung ano full name?

"Ulol ka na ba--"

"Sagutin mo na lang kasi!"

"Nico Clayton K. Martinez." Sagot ko naman.

"Hindi mo alam ibig sabihin ng middle initial niya?" Tanong pa niya.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Pambabara ko.

"Tsk. KIM! Kim ang ibig sabihin nun! Kim Su-jin ang Korean name niya! Tsk. Walang alam."

Kim Su-Jin ang korean name niya. Pwede rin namang Kim Nico Clayton. Pero...

NAH. SCREW IT.

"Oh. Bye na!" Sabi niya.

"Annyeong!"

"Ayan ka na naman ehhh!"

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon