Chapter 44

13.6K 194 14
                                    

Chapter 44

2 months later...

Cassandra's Point of View:

As usual, mag isa ako ngayon. What's new?

Hinihintay ko si Kuya Chris na lumabas ng cr. Nandito kami sa Starbucks ngayon. May bibilhin daw siya para sa pe. At ako rin. Bibili na naman ako ng libro. Wala akong mabasa eh. Nakakbagot na.

At sa wakas, lumabas na si Kuya. At sa wakas din, naubos ko na tong frapp na kanina ko pa iniinom.

"Tara?" Tanong niya.

Sinimangutan ko siya. "Malamang kuya. Alangan namang tumunganga tayo dito kakahintay sa wala diba?" Pambabara ko.

Napatawa naman siya. "Nambabara ka na ulit. You're back to your old self. Nakamove on ka na?" Tanong niya habang nakangiti.

Nginitian ko siya pabalik. Oo, I may be back. Pero hindi na ako kagaya ng dati na masama. I'm trying to change. Pero once na mabwisit ako, babalik at babalik ako sa dati kong ugali.

"Oo naman kuya. Tanggap ko na na hindi siya babalik. Masaya na siya dun eh. May magagawa pa ba ako? Wala naman diba? Ay meron pala. Kung hindi tanggapin ang lahat. Kung naka move on na siya, bakit ako hindi? Di ba parang unfair nun? Naglet go na yung isa. Kaya dapat mag let go ka na rin para di ka na masaktan. Isa pa, kahit iyakan ko pa yun ng iyakan, wala namang mangyayari diba? Mabubuhay ba siya? Diba hindi?" I shrugged.

Napangiti si kuya at ginulo ang buhok ko. Grabehan. Di naman ako aso ah.

"Aish! Ang hirap kayang mag ayos ng buhok! Epal naman neto!" Asik ko at inirapan siya.

Kaming dalawa lang kais may pasok sina kuya kambal. Kasi nga senior high sila. Graduating na. At next year, sa Canada na sila mag-aaral. Dun na rin sila--este kami. Dun kami magkokolehiyo. Di ko rin alam kung bakit pero susunod na lang kami para wala nang arte.

***

"Hahaha! Sayang at wala sina kuya kambal!! Hindi ka nila nakitang sumayaw magisa sa just dance! Hahaha. Luckily, may video ako." Sabi ko kay Kuya Chris and smirked.

"Shh! Huwag mo yang ipapakita please! Utang na loob!"

Binelatan ko siya. "Bakit ayaw mo? Magaling ka namang sumayaw ah!" Sabi ko.

Napakamot na lang siya sa batok niya.

Hala seryoso naman kasi magaling siyang sumayaw. Ako nga ang alam ko lang sayawin eh yung dance steps ng mga idol ko. Kadalasan pa, nagmumukha akong tuod.

Pumunta kami sa usual na tambayan namin, which is sa Starbucks. As usual, yun pa din ang order ko.

Pagkakuha namin ng order namin, umupo kami sa table for two na malapit sa may pinto. Bale ang sandalan namin ngayon ay glass.

Busy akong nagsscroll sa tumblr account ko nang may maalala ako.

"Kuya." Tawag ko sa kanya.

Hindi naman niya ako pinansin.

"Ahia." Still no pansin.

Ano ba yung tinitignan niya sa phone niya at hindi niya ako magawang taounan ng tingin?

"Oppa!" Sigaw ko sa kanya.

Buti naman, napalingon na siya.

"H-ha? Ano yun?"

"Bingi naman." Inirapan ko siya.

"Ano ba kasi yun?" Banas na tanong niya sa akin.

"May nagkakagusto sayo sa isa sa mga barkada ko." Sabi ko at napaubo naman siya.

Ganyan lang reaksyon mo ngayon pero pag nalaman mo tuwang tuwa ka naman. Nakakaloka talaga.

"A-ano?!" Naubo naman siya.

O diba. Pinapatunayan lang niyang talagang bingi siya. Binging bingi na. Kelangan bang ulit-ulitin?! E di parang nagsasayang lang ako ng laway dito!

Now I feel the pain of my teachers kapag di kami nakikinig.

"May nagkakagusto sayo. Ang masama pa, kabarkada ko." Sabi ko at napailing.

"Grabe to! Bakit naman?! Ano ngayon kung kabarkada mo?!" Asik niya sa akin na para bang nainsulto siya.

Natawa naman ako sa reaksyon niya. "Kasi nga, masama. Baka masira reputasyon ng squad namin." Sabi ko at tuluyan nang natawa.

"Bastos to ah! Grabe ka! Bakit, sino ba yang nagkakagusto kuno sa akin na miyembro ng barkada mo?" Sabi niya.

Napangisi ako.

"Si Nicole." Maikli kong sabi at napabuga siya ng iniinom niya! Literal na napabuga!

"Dodaechega! (What the hell!) Kuya naman! Kadiri ka jusko! Eww kadiri!" Sabi ko habang pinupunasan ng tissue yung talsik sa blouse ko.

Konti lang naman kaya di masyadong halata. Pero kahit na! Nakakaasar naman to oh!

Yung itsura niya ang priceless. Nakakatawa haha ang gandang gawan ng meme.

"Kuya? Ayos ka lang?" Natatawa kong sabi kasi parang nababaliw na siya.

Ngumingiti ng mag isa. Sheks.

***

"Ano ba naman yan! Bakit ba ang haban ng pila dito!" Reklamo ng kalikod ko habang nakapila dito sa bookstore.

At sa wakas... turn ko na.

Binayaran ko yung mga binili ko at lumabas. Shit! Asan ba si kuya ang bigat nito!

*boogsh*

At tuluyan na ngang nabitawan ko.

Lumuhod ako para pulutin ang mga nahulog kong gamit.

May nakita akong dalawang pares ng kamay sa harap ko na tumutulong.

Isang pikit...

Dalawang pikit...

Hindi pwede... napakaimposibleng mabuhay siya...

Siya?!

"J-james?" Utal kong sambit.

"Cass."

____
*le gasps

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon