Chapter 32
Cassandra's Point of View:
Hindi ko alam kug bakit pero ang ganda ng gising ko ngayong umaga.Siguro the thought of James made me happy. Pero syempre, aral muna. Hahaha. Hindi naman pwedeng pabayaan ko ang pag-aaral ko diba?
So ngayon, hindi ko alam kung ano nang meron samin. Hindi naman ako nag-aassume. Ayoko nang masaktan ulit. Pero kasi 'tong isang 'to grabe magpakilig!
Baka free trial na naman 'to.
Pero bigla na lang akong binalot ng kaba. May nangyari ba? Wala akong ideya. Kahapon pa ako kinakabahan. Nung nasa mall kami ni Kenneth.
"Ano ba yang iniisp mo, Cassandra. Mali mali." Sabi ko habang umiiling.
Naisip ko kasi na baka may nangyaring masama kay James. Hindi naman siguro diba? DIBA?!
Matext nga muna sina Erin. Kailangan ko ng makakausap kasi baka tuluyan na akong mabaliw dito sa kung ano ba 'yung dapat kong gawin.
"May pupuntahan lang ako." Sabi ko kay Kuya Chris.
"Saan naman? Ang aga aga?" Taas kilay niyang tanong.
"Starbucks. Magkakape lang." Sabi ko at lumabas na ng bahay.
Sa iisang village lang kami nakatira ng mga barkada ko. Kaya masaya. Alam na rin nila kung saang Starbucks yung tinutukoy ko. Dito sa malapit sa amin.
Nang tanaw ko na ang Starbucks, tinakbo ko na ito at pumasok. Umupo ako sa table for 6 na upuan at nilabas ang phone ko.
Ang ginaw. Ang aga pa kasi. Ang shunga mo talaga Cass! Dibale na at naka jacket ako.
Narinig kong bumukas ang pinto, at nakita kong pumasok yung mga kaibigan ko.
"Ano ba yun? Ang aga aga tunog ng tunog cellphone ko. Kaloka." Sabi niya pagkaupo sa tabi ko.
Bumukas uli ang pinto at pumasok sina Erin, Ciel, at Yuka. "Hi Cass, Good morning!" Bati nila sa akin.
"Good morning!" Pagbati ko rin.
"At syempre. Kulang na naman tayo ng isa. Ang pinakamabagal gumalaw, pinakamatagal makagets, pinakaslow, Si Faith." As if on cue, bumukas uli ang pinto at iniluwa nito ang hingal na hingal na si Faith.
"Sorry po!" Sabi niya at tumakbo papunta sa amin.
"Bago ako magsimula. Order na muna. Eto pera." Inabot ko sa kanila ang pera ko.
"Faith, dahil ikaw ang late, ikaw umorder. May dala akong maliit na notepad. Isusulat ko lang orders namin tas ikaw magorder dun." Sabi ko sabay halungkat ng notepad ko sa slingbag na suot ko.
"Alam ko na orders niyo." Sabi niya bago pa man sila umangal.
Inabot ko sa kanya yung pambayad at saka siya tumayo at nag-order.
"Ang aga aga, nagyaya ng Starbucks. Bakit?" Natatawang tanong ni Nicole.
"Hindi nahahalatang bagong gising at nagmamadali siya oh," Sabi ni Faith sabay turo sa jacket kong nakabaliktad at sa pajama ko.
Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Huwag ka ngang mangialam kasi, Faith. Pasalamat ka pa nga at nilibre ka ni Cass eh!" Puna ni Nicole.
"Bakit mo pala kami pinatawag ng ganitong oras? Ang aga aga." Tanong ni Ciel.
Huminga ako ng malalim bago magsalita. Feeling ko kasi hindi nila ako papaniwalaan. Baka pagtawanan lang nila ako.
"Gusto raw ako ni James." Mabilisan kong sabi.
"Ha?!?!" Sabay sabay nilang sabi.
"Hahampasin ko kayo isa-isa, ang os niyo ha!" Napairap nalang ako.
"T-teka... hindi ka naman siguro nananaginip?" Gulat na tanong ni Faith habang inuubo ubo.
"Sinabi sa akin ni Kenneth lahat kahapon. Hindi man niya ako ginreet nung birthday ko, I still received the best gift ever." Sabi ko.
I smiled at the thought of remembering the note. "Natatanga na si unnie oh. Dati si Nico-oppa. Ngayon naman si James-oppa. Hala ka!" Sabi ni Ciel habang humahagikhik.
"Eh di ikaw na ang may Nico at James!" Sabi ni Erin sabay irap.
Luh. Di ko alam kung bakit pero minsan iniisip ko kung kaibigan ko ba talaga sila eh.
"Luh, 'di ako two-timer. Isa pa, walang kami ni Nico." Sabi ko sabay irap.
"Best gift ever? Ano?" Tanong ni Nicole.
Ngumiti ako at pinakita ang suot kong kwintas.
"Teka nagpropose siya sayo?!" Sabay sabay nilang sabi.
Grabehan lang?!
"Tanga. Pano magpopropose yung tao eh nasa Canada nga." Sabi ko sabay irap. "Saka hello? Baka kwintas eto?"
"Pero galing kay James yan?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Ciel.
"Jusko. Hindi ba kapani-paniwala? Ay sabagay. Kahit naman ako hindi naniniwala nung una eh. Mahirap talagang paniwalaan." Sabi ko.
"Maniwala ka, Cass." Out of the blue na sabi ni Nicole.
"Mwo? (What?)" Seriously, nawiwirduhan na ako sa kanila. Kanina pa.
"Maniwala ka. May gusto sayo ni James. Pero hindi na nga lang ata gusto eh. Mahal na. Maniwala ka, Cass. Maniwala ka."
"Nicole, ayos ka lang?"
"Alam namin lahat, Cass. Matagal na. Matagal ka nang gusto ni James."
Ano raw??!
"Nicole! Ang daldal mo masyado!" Sabi ni Erin sabay hampas sa braso ni Nicole.
"Oo Cass. Matagal na. Magtiwla ka lang, malay mo, bumalik uli siya... para sayo." Ngayon, si Yuka naman ang nagsalita.
Aba himala atang nagsalita to ngayon. Akala ko napipi na eh.
Teka. Nawiwirduhan ako. Hindi ba dapat, masaya ako? Pero bakit bigla na lang akong kinabahan? Kanina pa tong kaba na to ah. Nakakagago na.
"Cass, ayos ka lang? Natahimik ka?" Tanong ni Faith.
"Oo. Ayos lang. Kinabahan lang ako bigla." Sabi ko sabay inom dito sa frapp ko.
I don't know why but I think something is wrong. I don't know what it is. I should be happy, right? Because he loves me too? I don't know why, but I can still feel that weird feeling.
BINABASA MO ANG
Consequences
Romance-EDITING- what happens if the crazy, suicidal, and the one and only Cassandra Alvarez, falls in love? will she be able to escape the consequences of love? Language/s: Tagalog, English, Korean, Chinese (no kidding) Date Started: February 14, 2017 Da...