안녕하세요!!
Kamusta po kayooo? Hihi.
Vote, comment, and follow!💕
Kamsa!~
-------------
Chapter 30Cassandra's Point of View:
"Hoy gutom na ako! San pa tayo pupunta?!" Tanong ko kay Kenneth.Kanina pa kami paikot-ikot dito sa mall. At kanina pa ako nahihilo. Ano na naman ba to?!
"Teka. Hinahanap ko nga yung pagkakainan natin eh." Sabi niya.
Napasimangot naman ako. Sarap ring batukan ng isang to eh! Hindi pa tinandaan kung saan yung lugar kung saan kami kakain.
Nako, sarap ming batukan bes! O kaya ipatapon sa galaxy para makasama ni Kris! Jusko.
"Yah! Kenneth! San ba kasi yun?!?! Gutom na ako!" Sabi ko sabay hampas sa braso niya.
"Huhu huwag kang manghampas. Jusko." Sabi niya at tinuloy ang pagtakbo.
I'm 99.9% sure na kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao dito. Kasi sinong tao ang may matinong pag-iisip ang tatakbo sa loob ng mall noh? Malamang hindi kami.
"KENNETH! UMAYOS KA NGA! IIWAN KITA DITO!" pagbabanta ko.
"Hoy andito na tayo." Sabi niya sabay turo sa restaurant na nasa tapat namin.
SHET. MASARAP DITO SA RESTAURANT NA TO. PERO AYAW KO DITO EH. SHETE!
Bakit ayaw ko?
Kasi...
Flashback. 6 months ago.
Nandito kami nina kuya sa mall nina tito Nick. Kami lang nina Kuya. Sibling bonding.
Hindi kasama sina mom. Ibig sabihin, we can buy whatever we want dahil walang kokontra!
"Kain na muna tayo." Pag-aaya ni Kuya Carlos.
Tumango naman kami at pumasok na sa isang restaurant.
Isa siyang steakhouse. At ang common sa aming apat, mahihilig kami sa steak.
Katabi ko si Kuya Carlos at kaharap ko na naman si Kuya Carl.
Nag-order na sila at nang dumating na ang mga order namin, nilantakan--este kumain na kami.
Hinihintay ko na lang silang matapos. Ang babagal nilang kumain eh. Makapagbasa na nga muna. Kahit saan kami pumunta, may libro akong dinadala.
Just in case na malow bat yung phone ko, may magagawa pa rin ako at hindi ako mabobored.
Natapos ko na ang libro at hindi pa rin sila tapos kumain. Ugh... what to do?!??!?!
"Uy si James yun diba?" Tanong ni Kuya Chris sabay nguso dun sa lalaking nasa labas na nasa tapat ng fountain.
Napaayos naman ako agad ng upo nang marinig ko ang pangalan niya. Syet anong ginagawa niya dito?!
"Oo nga noh." Sabi ni Kuya Carlos sabay tingin sa akin.
Ako naman, tinignan ko si James. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. My attention was focused on James who was outside and looked like he's waiting for someone.
"Lapitan mo na." Pag-uudyok sa akin ni Kuya Carl.
Oo, alam nina kuya na matagal na akong may gusto kay James. Hindi naman sila tanga para hindi malaman yun eh.
"Ayoko." Tanggi ko naman.
Just then, a girl approached him and kissed him on the cheek. Sino yun?
BINABASA MO ANG
Consequences
Romance-EDITING- what happens if the crazy, suicidal, and the one and only Cassandra Alvarez, falls in love? will she be able to escape the consequences of love? Language/s: Tagalog, English, Korean, Chinese (no kidding) Date Started: February 14, 2017 Da...