Thank you for 14.7K reads!!!
So... malapit na palang matapos tong Consequences.
Vote, comment, and follow!
-----------
Chapter 56
2 months later..
Cassandra's Point of View:
Bukas... pasukan na naman! At ngayon, nandito kami sa airport... hinahatid namin sina mom, dad, at kuya Kambal.
Graduate na sila ng Senior High. Magcocollege na sila. Doon na sila magkocollege. Hindi ko na makikita mga pagmumukha nila.
Nandito din sina Ate Ray at Ate Mikay para ihatid sina Kuya sa huling hantungan---este dito sa airport. Andun sila, naglalandian--este nagiiyakan.
Ako din, gusto kong umiyak. Pero kaialangan kong maging matatag. Hindi pwedengaipakita ko na mamimiss ko sila. Well in fact, oo mamimiss ko sila. Wala na yung kambal na mang-aasar sa akin eh. Pero nandyan pa si Kuya Chris. Jusko. Hindi pa pala ako ligtas. Lalo na't kami na ni James. Naku po.
"Calling all the passengers going to Montreal, Canada. The plane will take off in fifteen minutes."
Nagkatinginan kaming lahat at tinignan ko sina ate Mikay ng, "ano?-pwede-ko-na-bang-makausap-yung-mga-kuya-ko?-ang-pabebe-niyo-eh!" look.
Humiwalay si kuya sa pagkakayakap kay Ate Mikay at hinalikan siya sa noo.
Pwe! Nakakasuka!
Tapos lumapit sila sa akin. Oo. SILA. Sina kuya Kambal.
"Oh, huwag mo kaming mamiss masyado ah." pagloloko ni Kuya Carlos.
Umirap ako. "Ako? Mamimiss? Kayo? Niloloko mo ba ako kuya? baka nakalimutan mong may kasalanan pa kayo sakin?" Ha! huli kayo! Nakita ko ang pagputla nilang dalawa.
"Oy oy oy kala ko ba okay na tayo about dun???" sabi ni kuya Carl.
I shrugged at niyakap silang dalawa.
"Bye mga kuya. See you in how many years. Kahit dito na ako tumira." Bulong ko sa last part kasi pag gumraduate ako ng jhs, dun na ako magsisenior high kasi si kuya Chris, magcocollege na din. Basta yun!
Sumunod na sila kina Dad na nasa loob na ng airport. Ang dami pa nilang seremonyas!!! Naloloka ako!
****
And the worst day of my life came... First day of classes. I better prepare kasi sabi nila hell daw ang Junior year. Hala jusko huwag niyo kaming takutin!
At ngayon, kasalukuyan akong nakaharap sa bulletin board namin habang hinahanap yung section ko. Pero I'm one hundred percent na sa Pilot Section ako mapuounta dahil nga isa ako sa mga salutatorian nung March.
Grade 9-S (Pilot Section)
ALVAREZ, Cassandra Angelica Sy-AlcantaraI knew it.
Hinanap ko din yung mga pangalan ng mga kaibigan ko. At buti na lang, walang nahiwalay sa amin. Lahat kami, magkakasama pa rin sa section na ito.
Hinanap ko rin ang pangalan ni James
GO, Ethan James Chua-Luwina
Under... Bakit siya under 9-J! Matalino naman siya ah ;-;
Naramdaman kong may tumapik sa braso ko. It was none other than Nico Clayton Kim Martinez and Kenneth Michael Gamboa.
"Mga hayup to! Papatayin niyo ako sa gulat eh!" Sabi ko at pinaghahampas sila.
Nang makita nila akong mainis, napahalagpak sila ng tawa at nag-apiran pa. Tatawag na ba ako sa mental? Ano ba number ng pinakamalapit na Mental Hospital dito? Nababaliw na tong mga to eh. Nakakakilabot.
"Cass aware ka bang... hindi bagay sayo ang kulay blue na ipin..." sabi ni Kenneth na tawa ng tawa.
Tinignan ko si Nico na tawa rin ng tawa.
Si Nico, hindi ko kaklase. Kasi 9-R siya. Si Kenneth, sa kasamaang palad, eh kaklase ko. (-___-)
Pagkapasok ko ng room, naghanap ako ng magandang lugar na uupuan. Nang makahanap na ako sa tapat ng aircon, nilagay ko yung mga gamit ko at sinaksak abg earphones ko sa tenga ko.
Music up, ignore the world, escape reality. . .
Daldal all you want, hindi ko kayo maririnig kaya nagsasayang lang kayo ng laway niyo.
Nakakaasar kasi sina Kenneth kung mang-asar eh! Alam kong kaibigan ko sila pero kung minsan kasi, sumusobra na din! As if they're too perfect to judge people!
****
Dahil first day ngayon, half day. Hindi na kami gumala dahil gusto kong magpahinga. Ewan ko lang sa kanila kung lumabas pa sila basta di na ako sumama dahil inaantok ako. At wala si Kuya Chris ngayon dahil may orientation ang senior high. Mamaya pa siyang 4:30 uuwi.
Kaya solong-solo ko ang internet connection ngayon! WAHAHAHA!
Nagpalit ako ng damit, kinuha ang ipad ko sa drawer, in-on ang WiFi, pumunta sa site ng Kiss Asian, at nanood ng kdrama.
Goal ko na matapos ngayon ang Scarlet Heart. Episode 9 na ako eh.
Moments later. . .
Nakita ko na lang ang sarili kong umiiyak nang dahil sa pagkamatay ng character ni Baekhyun.
Pumikit ako at tumulo ang mga luha ko. Pinaiyak na naman ako ng kdrama bwiset.
Naalala ko na naman yung paghihiwalay nang mag-amang bida sa Miracles in Cell no. 7. Yung ieexecute na si Yong Goo (yung mentally challenged father ni Ye-seung) dun ako umiyak ng bonggang-bongga.
Narinig kong bumukas yung pinto. Andyan na si Kuya. Mabilis kong pinunasan yung mga luha ko pero wala eh. Parang gripo na naman.
Narinig kong bumukas yung pinto ng kwarto ko. Patay. Nagtalukbong ako ka agad ng kumot at tinakpan yung bibig ko.
Tinanggal niya yung kumot ko at nakitang umiiyak ako.
"Anong nangyari?!"
Napaayos agad ako ng upo.
"Nanood kasi ako ng kdrama! Huwag ka ngang oa hayup to!" sabi ko.
lumayo naman siya at natawa.
"Para kang tanga."
Nakareceive naman ako ng message galing kay James.
From: J💕
itigil mo na yang pag-iyak mo. susugurin kita diyan.To: J💕
wala ako sa mood. wag na.Walang emosyon yung message ko. Pero deep inside, kinikilig ako.
Langya naman kasi si Kuya eh! NAPAKASUMBUNGERO!
BINABASA MO ANG
Consequences
Romance-EDITING- what happens if the crazy, suicidal, and the one and only Cassandra Alvarez, falls in love? will she be able to escape the consequences of love? Language/s: Tagalog, English, Korean, Chinese (no kidding) Date Started: February 14, 2017 Da...