Too much feels tong chapter na to. CHARAUGHT! Puahahaha.
Vote, comment, and follow!
Kamsa!~
-------------
Chapter 31
Cassandra's Point of View:
"Teka. Ano?!?! James?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.Yung feeling na gusto mong maniwala pero alam mong napakaimposible.
Pano naman mangyayari yun eh hindi nga kami magkasundo?! Inisnob ko nga lang 'yon bago umalis eh, tapos iniyakan ko pa. Oh diba, napakatalino.
"Aish. Oo na. Pero satin lang to ah." Tinanguan ko lang siya.
Umupo kami sa bench na malapit at nagkwento na siya.
"Bago siya umalis, narealize niyang napakasama niya--"
"Buti naman at narealize niya yun."
"Shh! Magkukwento ba ako o ano?!"
"Sabi ko nga tatahimik na ako eh." Sabi ko.
"Ayun nga. Bago siya umalis, narealize niyang napakasama niya. Na sinaktan ka niya. Na muntik ka nang mapahamak nang dahil sa kanya. Pero kasi Cass, di mo alam kung ano yung rason niya kaya niya ginawa yun eh.."
Na guilty ako tuloy bigla. Nilamon na naman kasi ako ng galit ko nun. Kabanas naman to.
"Gusto ka niyang makitang mainis. Kasi nakyukyutan daw siya sayo pag naiinis ka." He sighed. "Pero hindi nga maganda ang kinalabasan ng plano niya. Kasi muntik ka na ngang mawala. Pero hindi niya sinasadya yun. Kasi hindi naman niya alam na ganun ang kalagayan mo eh."
Anong hindi alam?! Alam niya yon! Sinabi ko sa kanya nung una kaming nagkausap through chat. (A/N: Balikan ang Chapter 1 para sa mga hindi nakakaalala. :))
"Alam niya yun."
"Huh? Pano?"
"Sinabi ko yun sa kanya through chat nung una kaming magkausap." Sabi ko.
"So... anyway... meron kaming secret na dalawa. Kaming dalawa lang ang nakakaalam nun. Pero hindi ito yung pinag-uusapan natin ngayon. Iba. At kahit anong pamimilit ang gawin mo sa akin, hinding-hindi mo na ako mapapaamin."
Napairap ako. Hindi naman pala sasabihin, nabanggit pa!
"Tuloy mo na!"
Dami pang satsat eh. Di na lang magkwento.
"Ayun nga. Bago siya umalis, sinabi niya sa akin yung mga nagawa niyang mga kagaguhan. Sinabi niya rin yung ilan sa mga sikreto niya. And by ilan, I mean lahat."
"Ganun kayo kaclose?!"
"Duh. Ako nga nagpasok sa kanya dito sa AAU eh."
"ANO?!?!?!"
Teka ano daw!? Akala ko that day lang sila nagkakilala! What the actual f! Ano bang nangyayari sa mundog to at nawiwirduhan na ako! Nyemas!
"Tanga. Magkinakapatid kami."
Ano daw?!??! Tama yung narinig ko, diba?!
"ANO?!?!?!" Sigaw ko na napatayo.
"Umupo ka nga!" Sabi niya.
Umupo ako sa tabi niya. Grabe. I can't believe this. Naitago niya to sa akin?!?!
"Kenneth, magkausap nga tayo ng matino." Seryoso kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Consequences
Romance-EDITING- what happens if the crazy, suicidal, and the one and only Cassandra Alvarez, falls in love? will she be able to escape the consequences of love? Language/s: Tagalog, English, Korean, Chinese (no kidding) Date Started: February 14, 2017 Da...