Chapter 33

13.6K 169 19
                                    

Chapter 33

James' Point of View:
"Anong ginagawa mo rito?" Naguguluhang tanong ko kay Gwen.

Like seriously. Malaking lugar ang Canada. Paano niya ako nahanap?! At bakit siya nandito?!? Bakit?!

"Hi rin, James." Sabi niya sabay irap.

Bumalik ako sa loob ng bahay at kinuha ang coat ko. Lumabas uli ako at hinatak si Gwen palabas.

"Kelan ka pa nandito? At bakit ka nandito? Sinong kasama mo?" Sunod sunod na tanong ko.

Nagmamadali ako. Hindi ako ligtas. Lalo na at mag-isa lang ako. Wala akong kaaamang kaya akong ipagtanggol. Kasi, yung "tagapagligtas" kuno ko eh hindi ko na naman alam kung saan nagsusuot.

Kabute pa man din yun. Bigla na lang sumusulpot kung saan saan.

"Kagabi lang ako dumating. Ako lang magisa ang lumipad papunta dito. Bakit ako nandito? Hindi pa ba halata? E di syempre, sinusundan kita." Pagkasabi niya nun, she smiled so sweetly.

Nanatiling blangko ang mukha ko para maitago ang mga emosyon ko.

"Bakit mo ako sinundan? Anong kailangan mo?" Kailangan kong magmadali! Nakamasid lang siya sa paligid. Pwede akong mamatay ngayon na.

"May nakalimutan kasi akong sabihin sayo bago ka umalis." Sabi niya habang humahakbang papalapit sa akin.

Kung ano man yan, itigil mo na utang na loob! Mamamatay tayong dalawa dito! Sa malayo, nakikita ko yung lalaking papatay sa akin.

Naka black coat siya at naka black rin na mask. Pero kitang kita ko ang pagposisyon ng baril at itinutok to sa akin. Sniper rifle. Yun ang gamit niya.

Itsura pa lang niya, mukha siyang mas matanda sa akin ng ilang taon. Halata ko rin na hindi siya marunong humawak ng baril.

"James, nakikinig ka ba?" Tanong niya.

Alam ko na. Lubayan mo ako, please. Mapapahamak ka rin. Ito ang dahilan kung bakit kami lumipat dito sa Canada. Pero matyaga yung gagong gustong pumatay sa akin eh. Sinundan kami dito.

"Obviously hindi diba." Sabi ko sabay simangot. Hindi ko na siya tinignan at mas natuon ang atensyon ko sa lalaking hindi kalayuan. Kitang kita ko kung paano niya itutok sa akin ang baril.

"Sino ba yang tinitignan mo?" Lilingon na sana siya palikod nang bigla akong nagsalita. "Kahit anong mangyari, huwag na huwag kang lilingon sa likod." Matigas kong sabi.

Isang ngisi ang gumuhit sa kanyang labi.

Lumingon siya palikod. Kasabay ng pagtalikod niya, nakita ko rin ang pagkalabit ng lalaki sa baril niya.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na pinagpalit ang posisyon namin ni Gwen.

Nakarinig ako ng mga sigawan. Nakita ko rin ang pagtakbo mg mga tao.

"Shit! James!" Tumakbo palapit sa akin si Gwen.

Pinilit ko siyang ngitian kahit hindi ko na kaya. Tinignan ko ang kamay ko na galing sa bandang dibdib ko. Napangiti ako nang mapait nang makakita ako ng dugo.

Mamamatay na ba ako? Sana naman. Para masatisfy na yung gagong yun.

"Gwen. Makinig ka...." nanghihina kong sabi.

"James! James! Jusko, huwag na huwag kang pipikit! James!" Sabi niya habang patuloy na pumapatak ang luha niya sa coat ko.

"Gwen, listen. T-tumakbo k-ka na... habang l-ligtas pa... nag-gawa niya n-na yung g-gusto... niya... m-mamamatay na ako..." nanghihina kong sabi.

Hindi pa pwede! Hindi pa ako pwedeng mamatay! Hindi pa! Babalikan ko pa siya! Babalikan ko pa siya!

"Hindi! Hindi ka pa mamamatay, James! Lumaban ka!"

"Di na ak-ko papalag, Gwen. T-tumakbo... k-ka na... habang m-may oras p-pa..." Hindi na ako makahinga.

"Ingat ka, James. Salamat sa lahat." Sabi niya bago nagpunas ng luha at tumakbo papaalis.

Nakita kong tumakbo papalayo ang lalaki. Ako naman, sinubukan kong tumayo.

Kilala ko ang lalaki. At alam ko ang pakay niya.

Flashback
9 years ago. (A/N: 4 years old palang si James dito.)

"Haysus, ang likot mong bata ka! Halika na at iuuwi na kita! Mag gagabi na!" Tawag sa akin ni Tito Alex.

"Teka lang po, tito! Shandali lang! Magpapaalam lang ako kay Kuya Sher!" Sabi ko at umakyat pabalik sa kwarto ni Kuya Sherwin.

Si Kuya Sher ay 11 years old na. Siya ang pinakaclose ko. Kahit hindi kami blood related. Family friend namin sila kaya naman simula magkakilala kami, hindi na kami mapaghiwalay. Naging parang magkapatid kami kahit hindi talaga.

"Kuya Sher, Kuya Sher, Kuya Sher!! Aalis na ako. Babye!" Sabi ko at kumaway sa kanya.

Kinawayan naman niya ako pabalik.

Bigla na lang may pumasok na tatlong lalaki sa bahay nina tito na ikinagulat ko. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang pagtutok nila ng baril kay Tito.

"Akyat!" Sigaw ni tito sa akin.

Nag-alinlangan ako pero sinunod ko pa rin siya.

Habang nasa taas, nakatago ako sa may halaman pero nakaslip pa din ako. Pero I know that they can't see me.

*bang!*

Napatakip na lang ako ng mata at bibig nang barilin nila si tito.

"Papa!!!" Sigaw ni Kuya Sher habang tumatakbo pababa ng hagdan.

Nagkalat ang dugo sa sahig.

"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito! Magbabayad ka!"

Sigaw niya bago ako tuluyang lumabas ng bahay nila.

End of flashback

Si Kuya Sherwin yun. Siya. Siya ang bumaril sa akin.

May kailangan pa akong gawin. Hindi pa ako pwedeng mamatay. Hindi pa... hindi pa pwede!

Nilabas ko ang phone ko at in-on ang wifi. February 13 na dito! Tanga ka talaga! February 14 na doon! Hindi na niya birthday! Shunga!

Inopen ko ang messenger app ko sinearch ang pangalan niya.

Cass Alvarez.

11:58 na. Hindi na ako aabot.

With all my strength, sinubukan kong magtype pa rin kahit hirap na hirap na ako.

Hindi pwede. Hindi pa ngayon. Hindi pa. Not just yet.

Me: Belated Happy Birthday, Cassandra. More birthdays to come and God Bless you😊💞

Hindi ko na kaya...

Hindi ko na kaya....

Then everything went black.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon