Chapter 57

12.1K 151 11
                                    

Chapter 57

Erin's Point of View:

From: Jeon Nicole
Hindi ko na kaya tong PDA sa harap natin ah. Kaloka.

Natawa na lang ako sa text sa akin ni Nicole. Patago kaming nagcecellphone at nagtetextan kasi ayaw naming magbulungan at baka maoffend si Cass. Mahirap na.

Nandito kami ngayon sa mall. Nagkayayaan kami dahil walang pasok. May faculty meeting raw kasi at tapos na rin naman ang periodical exams namin.

Nireply-an ko naman si Nicole.

To: Jeon Nicole
Bes, okay lang yan. Kasi pati ako malapit nang masuka. 😝

Pinatay ko yung phone ko at tinago sa bulsa.

Nakakasukang tignan tong dalawang to na nasa harapan namin na wagas kung maging sweet. Daig pa sa asukal ang sweetness. Eww.

"Aalis na nga kami. Mukhang nakakaistorbo eh." Pagbibiro ko pero di niya kami napansin.

Sinenyasan ko si Nicole.na lumabas na at lumabas na nga kami ng walang paalam.

Ano na? Nagkalablayp lang echapwera na kami? Pano na yun?

✖✖✖

Cassandra's Point of View:

Hala. San na sila.

"J? San sina Erin at Nicole?" Tanong ko dito sa katabi ko.

"Ha? Hindi ko alam.

Tumayo ako at lumabas ng Starbucks. Nilabas ko ang phone ko para tignan kung may message sila sa akin. Pero wala.

Ni isa. Wala.

Sinubukan kong tawagan ang cellphone nina Erin at Nicole pero walang sumasagot.

Puro out of reach.

Ano na? Ganun-ganun na lang ba? Iwanan na lang?

***

Napamsin kong ilag sa akin sina Erin ngayon. Oo. Lahat sila.

Hindi ko alam kung anong nangyari at kung bakit pero... nasasaktan ako. Mababaw na kung mababaw pero makatarungan ba yung ginawa nilang pag-iwan sa akin sa mall kahapon?

Ayun sila. Nakita kong nakapila sa may isang food stall. Nakalimutan kong food fest pala ngayong week. Para lang sa mga Junior and Senior Students.

"Erin!" Sigaw ko.

Nandito kasi ako sa Second floor at nasa first floor naman sila.

Napansin kong natigilan sila pero di nila ako nilingon.

The fuck?! Ano bang problema? Pwede naman kasing pagusapan eh. Hindi yung basta basta na lang silang iiwas nang hindi ko nalalaman yung rason. Ano to, gaguhan?!?!

Tumakbo ako pababa para puntahan ang mga kaibigan ko. Kung kaibigan pa ba ang turig nila sa akin.

Pagkarating ko sa baba, what do you expect, e di syempre wala na dun yung mga kaibigan ko.

"Nicole! Faith! Yuka!" I shouted for them to hear me.

Hindi naman ganun kalakas. Di naman ako eskandalosa no. Di ako attention seeker.

At sa wakas, nilingon nila ako. Sa wakas!

Tumakbo ako papalapit sa kanila.

Medyo malayo sila kaya pagkarating ko sa harap nila, hiningal ako bigla.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon