Chapter 28
Cassandra's Point of View:
"Ano baaaa! Ang aga-aga pa ehh!!" Saway ko kay Kuya Chris.Ang aga pa kasi! Alam ko naamng pasko ngayon. PASKO. KAILANGAN KO NG PAHINGA.
"Tanghali na ano ba!" Pagpupumilit pa niya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at natulog ulit. Ang sarap ihampas sa pagmumukha niya yung orasan para makita niya yung oras.
Napabalikwas na lang ako nang biglang magpatugtog si kuya ng Growl.
"Dahil sa ginawa mo, walang makakakausap sa akin ngayon." Sabi ko sabay agaw sa phone ko at kuha ng earphones na nasa drawer ko.
Pero hindi Growl ang pinakinggan ko. Kundi Miracles in December. Para matchy.
"Tsk. Napag-utusan lang eh." Rinig kong sabi niya.
Alam kong hindi sina mommy yun kasi kapag sina mom, pera ang binibigay mila at ako na ang bahala na bumili.
Napaface palm nalang si kuya.
"Jusko. Ano bang nagawa ko para parusahan ng ganito? Ginagawa ko naman lahat ng reports at projects ko ah. Bakit ako pinarusahan ng ganito?!" Pagdadrama ni Kuya Chris.
Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot sina Kuya Carl at Kuya Carlos sa tabi namin ni Kuya Chris.
Ano tong mga to? Kabute?! Pasulpot-sulpot na lang kung saan-saan?!
"Ano ba kasi yun?! Ang aga-aga nangigising kayo!" Sabi ko habang tinatanggal ang earphones ko.
"Hala. Napag-utusan lang kami." Sabi ni Kuya Carlos.
Napag-utusan? Sa pagkakalam ko, hindi sila nauutusan. Etong mga to pa! Mga tamad.
Nagsalita ako parang di ako tamad.
Sumimangot na lang ako at sinundan sila.
Ano na naman ba to? Ang dami namang ek ek. Ang korni.
"Ano ba kasi yun---" naputol ang sasabihin ko sana nang nakita ko kung ano--sino, rather ito.
"Su-jin." Bati ko.
"A-alam mo?"
"Malamang. Di ako ganun katanga." Sabi ko sabay irap.
He sighed. "Si Kenneth nagsabi sayo noh?" Tanong niya.
"Tingin mo?" Sarkastiko kong tanong.
"Siya nga. Siya lang naman ang nakakaalam eh."
Naman pala eh. Tinanong niya pa.
"Ba't ka nandito? Kala mo ba bati na tayo? Tsk. Asa ka!" Asik ko sa kanya.
Oo, tinanggap ko ang pagiging friends namin pero hindi ibig sabihin non na bati na kami! Nagkataon lang talaga na wala ako sa kood makipag-away noong Christmas Party kaya napagbigyan ko siya sa gusto niya!
"W-wait... Hindi pa b-ba tayo bati?" Malungkot na tanong niya with aegyo.
Tinignan ko siya nang masama.
Hindi na gagana yang pagpapacute mo na yan sa akin, Su-jin. Nakamove on na ako.
Su-jin na muna tawag ko sa kanya. Hindi kami bati. Isa pa, di na ako sanay na tawagin siyang Nico!
BINABASA MO ANG
Consequences
Romance-EDITING- what happens if the crazy, suicidal, and the one and only Cassandra Alvarez, falls in love? will she be able to escape the consequences of love? Language/s: Tagalog, English, Korean, Chinese (no kidding) Date Started: February 14, 2017 Da...