Chapter 61
Cassandra's Point of View:
"Cass sorry na...""Tigilan mo ako, Go. Wag mo akong kausapin." matigas kong sabi kaya napanguso na lang siya.
Pasalamat siya galit ako sa kanya ngayon. Kundi baka nakurot ko na pisngi niya sa sobrang kakyutan niya ngayon. >___<
"Kayo naman. May nangyayari palang kabalastugan dito hindi niyo man lang sinabi?" Inis kong tanong sa kanila.
"Eto dapat yung sasabihin ko sayo noong tumawag ako, Cass. Kaso natatakot ako. kasi nga yung sakit mo. Yang kondisyon mo ang inalala namin." Sabi ni Nicole.
Napabuntong hininga na lang ako.
Lumiko ako sa isang bahagi nitong building at dumiretso sa hide out namin nina kuya.
Ayoko munang pumasok. Kasi malamang, kami na naman ang topic of the day nila sa classroom.
"C, sorry na." pamimilit pa ng isa dito eh kita na ngang wala ako sa mood.
"Ba't ka nandito? Sino ka? Di kita kilala." Pang-iisnob ko sa kanya.
Di ko pa to kilala.
Sino to? Ipakilala niyo nga sakin to.
"Cass, una na kami sa klase." Paalam ng mga kaibigan ko. So ang nandito na lang eh ako at yung stranger na fc.
"Cass..." sabi niya pero nilabas ko yung earphones ko at nagplay ng music.
✖✖✖
James' Point of View:
"Cass..." sabi ko pero naglabas lang siya ng earphones.Napabuntong hininga na lang ako.
Minsan, nagtataka ako kung bakit ko ba minahal tong babaeng to eh. Siguro isa na yun kakulitan niya, katahimikan, yung katapangan, katalinuhan, kabaitan, at kagandahan niya siyempre.
Childish minsan. Katulad ngayon.
Sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya. Hindi naman siya umangal.
"C, sorry na. Hindi ko naman siya gusto eh. I was just being friendly-"
"Friendly pero nagpapalandi ka?"
"Hindi ako nagpapalandi. Kailangan niya kasi ng guide since bago siya. And sit in student lang for three and a half months. Ako yung inutusan ng adviser namin. I'm really sorry, C."
"Being friendly my ass. Wag mo akong kausapin."
And with that, sinuot niya ulit ang earphones niya at sumandal sa sofa.
Ako naman, napabuntong-hinga na lang at pinikit ang mga mata ko. Ang hirap niyang pakiusapan pero pagtyatyagaan ko. Mahal ko eh.
"Baobei, I'm sorry. Qing yuanliang wo. (Please forgive me.)"
Hindi siya gumalaw.
Alam kong nakikinig siya.
"Cass, I'm really sorry. I swear, friend lang talaga ang turing ko sa kanya. I'm just being friendly. Promise." Sabi ko pa.
Pero hindi siya nakinig. Wala lang siyang imik.
Inalis ko ang pagkakasandal ko sa kanya at hinigit ko siya paharap.
Nakapoker face na naman siya. Balik na naman siya sa dati.
James, isip. Pano mo siya mapapagsalita?
May naisip ako pero 100% sure akong masasampal niya ako pag ginawa ko to. Pero wala na akong pake. Ang mahalaga, kausapin niya ako.
I leaned in and kissed her.
BINABASA MO ANG
Consequences
Romance-EDITING- what happens if the crazy, suicidal, and the one and only Cassandra Alvarez, falls in love? will she be able to escape the consequences of love? Language/s: Tagalog, English, Korean, Chinese (no kidding) Date Started: February 14, 2017 Da...