Chapter 17

18.9K 259 6
                                    

Carlos Jackhiel Alvarez on the multimedia

Chapter 17

Cassandra's Point of View:

"H-ha? O-okay lang... ak-ko." Nag-aalangan kong sabi sa kanya over the phone.

"Sure ka? Nakita ko sina Tita Christine dito sa simbahan kanina, wala ka. Masama raw pakiramdam mo?"

"Nico, okay nga lang kasi ako."

Ang kulit!

Pero yung totoo, hindi.

Kasi kahit kailan, never na akong magiging okay. Pano nga ba maging okay? Sana ganun lang kadali lahat eh...

"Yung totoo nga kasi! Feel kong hindi eh."

"O-okay nga... lang k-kasi ako." Napatakip ako ng bibig nang isang hikbi ang kumawala galing sa bibig ko.

"Papunta na ako diyan."

Tanga, Cassandra! Tanga!

✖✖✖

Nico's Point of View:

"Cass, answer my call..." sabi ko habang palakad-lakad dito sa harap ng bahay nila.

Damn! Ayaw niyang sagutin!

"H-hello?" Nakarinig na naman ako ng hikbi galing sa kabilang linya.

"Buksan mo 'tong pinto." Madiin kong sabi at binaba naman niya yung tawag.

Pagkabukas ng pinto, niyakap niya agad ako at umiyak.

Humiwalay ako sa yakap at pumasok kami sa bahay.

Umupo kami sa sofa at nakayakap pa rin siya sa akin. Umiiyak pa rin siya.

"Tahan na..."

"A-ang.. sak-kit.. rin k-kasi, h-hindi k-ko alam kung... b-bat ba ako n-nagpapak-kamartyr sa k----"

Sumama bigla pakiramdam ko.

Dahil sa kanya? Sabi ko na nga ba, eh...

"Shh, huwag mong babanggitin yan sa akin. Kasi Cass, hindi lang ikaw ang nasasaktan eh. Pati ako." Sabi ko sa kanya.

"Sorry, Nico... P-Pero hindi ko talaga alam... k-kung kaya kong ibigay y-yung gusto mo... Nico h-humanap ka nalang ng iba—"

"And why would I do that?!"

Grabe, ganun niya kamahal yung James na yun?!

Nagseselos ako. Naiinggit.

Pero kailangan ako ni Cass ngayon.

"Shh.. baby, don't cry." Sabi ko sa kanya.

Pinalo niya nang mahina ang dibdib ko. Natawa naman ako.

"Feeling mo ikaw exo?! Ganern?!" Sabi niya sabay punas ng luha.

"Gwapo kaya yun sila! Idol mo pa nga eh! Lagi mo pang pinagmamalaki sakin."

"Alam ko!" Pagkasabi niya nun, tinakpan niya ka agad yung bibig niya na parang nadulas siya sa isang sikreto na ewan.

"Huwag ka nang iiyak ha? Masakit para sa akin yun." Sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya.

"I will always be here for you." Sabi ko sa kanya.

Nginitian naman niya ako.

"Ganun mo talaga siya kamahal noh?" Tanong ko sa kanya.

Nag-iwas naman siya ng tingin.

"Cass, wala naman akong magagawa kung mas mahal mo siya kaysa sakin. Hindi naman kita pinipigilan eh. Basta give me a chance and I'll prove you wrong."

Napatingin siya sa akin.

"Wrong? About what?" Tanong niya sa akin.

Tumayo ako.

"Sa paniniwala mong walang kwenta ang pag-ibig."

Natigilan siya.

"Kahit kailan, never naging walang kwenta ang pag-ibig, Cass. Kasi, dahil sa love, nagkakaroon ka ng inspirasyon at nagtatagumpay ka."

Tumayo siya at lumabas sa bahay nila. Sinunod ko siya.

"Pero dahil din sa love may umaasa, may nasasaktan, nay nagpapakatanga, may nagpapaasa, may napaasa, may nagbubulag-bulagan, may nawawalan ng oras sa pag-aaral, may nawawalan ng time sa pamilya." She smirked.

"Maaring ganon nga. Pero dahil rin sa pag-ibig, nagiging masaya ang mga tao." Sabi ko sa kanya.

I smiled weakly.

Ngayon ko lang siya nakitang mahina. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

At higit sa lahat,

Ngayon ko lang siya nakitang devastated at wasted.

"Aalis na ako. Bye. Ingat ka." Sabi ko sa kanya.

"Bye. Thank you" Sabi niya sabay takbo pabalik ng bahay.

Trust me, someday, I will break the ice that's in her heart. Just give me time.

I will and I can.

✖✖✖

Cassandra'a Point of View:

"Yes mom. Bumisita si Nico kanina." Sabi ko kay mommy.

Kakarating lang nila galing simbahan.

"Sige. Magpalit ka na para makapag-mall na tayo." sabi ni mommy sabay kiss sa cheeks ko.

Mall.

Again?

"Umiyak ka no?" Sabay sabay na bulong ng tatlo kong kuya.

"At bat naman ako iiyak?!" Pasigaw pero bulong kong tugon sa kanila.

"Yung mata mo. Halata." Sabi ni Kuya Carlos.

"Oo. Nanood kasi ako ng Korean drama." Sabi ko.

Palusot, lumusot ka please! Tangina kumagat na kasi.

Mahirap pa man din paniwalain tong tatlong to.

Matitigas bungo nila.

"Anong k drama?" Tanong ni Kuya Carl..

Shit hindi ko naisip na itatanong nila sa akin yun ah.

"Y-yung Descendants of the sun."

Sabi ko.

"Ahh... okay." Sabi nilang tatlo sabay diretso sa kanya-kanya nilang mga kwarto.

Buti na lang nakalusot yung palusot ko kahit halata namang nagsisinungaling ako.

Buti na lang talaga't kalahating uto-uto 'tong mga 'to kung minsan.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon