Chapter 35
Christopher's Point of View:
Bilang kuya niya, siyempre nasasaktan ako. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito. Iba nga naman ang epekto ng pag-ibig. Nakakbaliw.
Nandito lang kami sa mini apartment namin. Nagpa-excuse na lang kaming magkakapatid. Alangan namang iwan namin ang bunso namin dito nang nag-iisa.
"Cass, tara. Starbucks tayo." Pag-aaya ko para naman gumaan kahit papano ang loob niya.
Kapag nakiita namin siyang ganyan, nanghihina rin kami eh. Hindi lang siya. Kasi magkakapatid kami.
Hindi sumagot si Cass at mas umiyak na lang. Wala kaming nagawang tatlo kung hindi yakapin siya. Eto lang ang magagawa namin sa ngayon, ang damayan siya. Kasi kailangan niya kami.
"Cass, tara ice cream tayo." Pagyayaya ni Kuya Carlos.
Umiling lang si Cass bilang sagot.
Ano pa ba ang pwedeng pang comfort namin dito? Wala na akog maisip.
"Cass, tara. Punta tayo sa bookstore. Bili tayo ng libro." Ngayon, si Kuya Carl naman ang nag-aya.
Hindi umimik si Cass at nagsimula na naman siyang umiyak. Pano namin ieexplain to kina mommy ito? Uuwi ang kapatid namin na ganito.
Kahit na open sila about sa pesteng lovelife na yan, wala silang alam about kay James. Si Nico ang alam nila.
Biglang may pumasok na ideya sa utak kong napakatalino.
"Cass, tara punta tayong kpop store." Pag-aya ko.
Umiling siya. Aba himala.
I sighed. Pano ba namin papatahanin itong bunso namin?
Nakarinig kami ng katok mula sa labas. Pano nila nalaman kung nasan kami? Nasa tagong lugar itong apartment namin ah. Pero nasa loob pa din ng university. Wala ngang nakakaalam kung saan ito eh. Maliban sa amin.
Lumabas ako ng kwarto ni Cass at sinilip kung sino ang kumakatok.
"Anong ginagawa niyo dito? At paano kayo nakapunta dito? Paano niyo nalaman?" Gulat na tanong ko habang pinapatuloy sila dito. Paano nalaman ng mga kaibigan ni Cass ang tungkol sa lugar na ito?
"Tinrack namin yung phone niya, kuya. Naiwan niyang bukas ang GPS eh." Sabi ni Kenneth.
Kakapokemon go kasi. Ayan. May nakakaalam na ng lugar na ito. Tsk.
Napansin kong may dala dala sila. Pero di ko alam kung ano yun.
"Ano pala yang mga dala niyo?" Tanong ko. Nakakacurious kasi eh.
Nagtinginan silang lahat. Mga barkada ito ni Cass eh. Sila lang ang tunay niyang mga kaibigan. Panigurado meron pang ibang gustong pumunta dito. Pero siyempre, hindi pwede kasi nga oras pa ng klase.
Napatingin ako sa orasan. "Oras pa ng klase ah. Ay ay ay."
"Nagpaexcuse po kami, huwag kang mag-alala. Eto?" Sabi ni Xav sabay turo sa mga parang bag na ewan.
"Kuya, pwede bang sa inyo muna kami? Sasamahan namin si Cass. She's devastated right now." Sabi ni Erin.
Napaisip ako. Oo nga noh. Para hindi siya mag-isa. Baka may gawin na namang kalokohan yun eh.
Alam naming mga lalaki yun pero hindi alam ni Cass na alam namin. Baka magtangka siyang sumunod diba. Jusko, hindi ata namin kakayanin.
"Ha? Oh sige. Basta nagpaalam kayo sa parents niyo ha?" Sabi ko.
Mahirap na. Baka akalain ng mga tao eh kinidnap namin sila.
Sinong tao naman ang mag-aakala na kinidnap namin tong mga to? Sa gwapo namin, walang mag-aakala.
"Oo, kuya. Nakapagpaalam na kaming lahat. Si Sir Jay pa nga ang nagsuggest na sa inyo muna kami eh. Nung tinawagan namin ang mga parents namin, they said the same thing. Dapos dinalahan na kami ng mga damit at pera. Sa inyo po kami for the whole week." Sabi ni... uh, sino na nga ba ulit yun? Ah tama. Nicole. Yung pinsan ni Nico.
Napangiti ako sa kabaitan ng mga kaibigan ni Cass. Bihira na lang ang mga ganito. Loyal sa kaibigan.
"Kuya oh, bumili kami kanina sa Starbucks." Sabi ni Ciel habang inaabot ang isang plastic sa akin.
Kinuha ko ang sa aming magkakapatid at pumasok sa kwarto ni Cass at ibinigay amg frapp nina kuya kambal.
Sinenyasan ko ang kambal na lumabas muna para makausap nila si Cass.
✖✖✖
Cassandra's Point of View:
"Cass oh." Abot sa akin ni Erin ng frapp.Nginitian ko siya at uminom. Ilang oras na ba akong nandito? Pano nila nalaman kung saan itong lugar na to? Hindi ko alam. Wala ako sa mundo ngayon.
Lumilipad ang utak ko. Hindi ko nga alam kung ano nang nangyayari eh. I'm conscious na hindi. Gets? I'm physically present but mwntally absent.
Masyadong occupied ang utak ko ngayon. Hindi ko na nga alam kung nananaginip ako o hindi eh.
"Cass? Ayos ka lang? Kanina ka pa tahimik." Sabi ni Kenneth.
"Nagluluksa ako, okay? Para na ring namatay yung puso ko. Tapos ang ieexpect mo, magdadaldal ako? Ayos ka lang?" Pambabara ko sabay irap.
Nagtawanan naman ang iba. "Nabara ka boy. Isip isip rin kasi! Tsk tsk!" Pang-aasar ni Roger.
"Kaya nga. Kitang namatayan yung tao eh magtatanong ka kung ayos lang siya. Ikaw, ayos ka lang?" Pambabara ni Ciel.
"Sabi ko nga tatahimik na lang ako eh." Pagsuko ni Kenneth.
Natawa na lang ako sa kanila.
"Xiexie ni lai wo zheli (Thank you for being here for me guys.)" Napatakip na lang ako ng bibig nang mag-Chinese ako.
Marunong pa pala akong magchinese? Hahaha.
"Hanudaw?" Natatawang tanong ni Nicole.
"Takte. Kung korean yan, maiintindihan ko pa. Pero wengya, Chinese na yan eh! Ibang usapan na to!" Sabi ni Nico na ngayon lang nagsalita.
"Jusko, nagsasalita ka pa pala ng Chinese?" Natatawang sabi ni Yuka.
"Uhh.. duh? Kasi Chinese ako?" Sabi ko.
Well, 1/4 Chinese to be exact. Si mom ang half Chinese.
"Ansabe? Nakakaloka dudugo na ata ilong ko dito." Sabi ni Faith habang nag-aact na nagpupunas ng ilong na wala namang dugo. Kaloka.
"Wala. Sabi ko, thank you for being here for me. Salamat kasi hindi niyo ako iniiwan. Salamat kasi kahit devastated ako, sinasamahan niyo pa din ako. Salamat, guys." Sabi ko sabay yakap sa kanila.
Oo, lahat sila.
"Lagi naman kaming nandito. Hindi ka namin iiwan." Sabi nila at niyakap ako.
Ang swerte ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Consequences
Romance-EDITING- what happens if the crazy, suicidal, and the one and only Cassandra Alvarez, falls in love? will she be able to escape the consequences of love? Language/s: Tagalog, English, Korean, Chinese (no kidding) Date Started: February 14, 2017 Da...