Chapter 58

12.4K 164 2
                                    

Chapter 58

James' Point of View:
"Cassandra is okay. Stable na ang lagay niya. Pero hindi pa namin sigurado kung kailan siya magigising."

Napaluha na lang ako nang marinig ang sinasabi ng doctor.

"Pero huwag kayong mag-alala. Natigil na ang pagdurugo. Pero ngayon, kailangan ni Cass ng kooperasyon niyo. Kailangan niyong ipaalam sa kanyang gising siya. Na may naghihintay sa kanya. Naririnig niya kayo. Lahat ng mga sinasabi niyo. That's all. I'll also pray for her recovery. Mauuna na ako." Nagbow ang doctor at lumabas na ng room ni Cass.

Napaupo na lang ako dito sa couch habang tinitignan siya. Sa kabilang bahagi naman ng room nakaupo ang mga kaibigan niya.

"James, s-sorry... h-hindi sana namin... siya i-i-iniwan..." iyak ni Faith.

Huminga ako nang malalim bago magsalita.

"Wala kayong dapat ipagsorry. Ako dapat ang magsorry. Kasi dahil sa akin, nawalan na ng time si Cassandra sa inyo. Duibuqi--este, sorry." Sabi ko at yumuko.

Oo. Alam ko na ang buong kwento. At hindi ko sila masisisi. Ako ngayon ang nagsisisi.

Bakit parang nagdedeja vu ako. Lagi na lang nasa ospital?

Lumapit ako kay Cass at hinawakan ang kamay niyang may swero.

"Cass, C, gising ka na please? Huwag mo kaming iwan ha? Lagi lang kamjng nandito. Gising na..." sabi ko habang umiiyak.

Lumapit din ang mga kaibigan namin.

"Cass, okay na. T-tanggap na namin yung s-sorry mo... kami n-naman ang magsosorry... Cass, sorry..." sabi ni Nicole habang umiiyak.

"C, gising na please?? Marami kaming naghihintay sayo oh. Gising na..." tahimik kong sabi habang marahang inaalog yung kamay niyang may swero.

"J-james??" Nanlaki ang mata ko nang imulat ni Cass ang mata niya at magsalita.

Lahat kami. Nagulat. We were in pure shock.

"C?! C, gising ka na?"

Mabara na kung mababara. Sinisigurado ko lang naman eh. Kasi akala ko ba commatosed siya?? Wait... what??

"Hindi... tulog pa ako... nagssleep talk lang ako." Sabi niya na ikinatawa namin.

"Cass... sorry..." sabay-sabay na sabi nila. (Erin, Nicole, Yuka, Faith)

"Okay lang." Sabi ni Cass at nginitian sila. "Sorry rin. Kasi nawawalan na ako ng time sa inyo. Mianhae." Sabi niya.

"Sorry kasi ang kitid ng utak namin. Hindi namin inalala na may boyfriend ka na. Na hindi na lang sa amin, na mga kaibigan mo, iikot ang mundo mo. Kasi nga nahanap mo na ang forever mo. Sorry kasi iniwan ka namin kanina." Sabi ni Nicole

Natawa ng mahina si Cass habang pinupunasan ang mga luhang paunti-unting lumalabas sa mga mata niya. "Ano ba? Ang drama niyo ah! Di naman ako namatay!" Sabi niya pa.

"Pero kahit na. Dahil sa amin, nandito ka na naman sa ospital. Lagi ka na lang nandito."

"Oo nga eh. Suki na ako dito sa ospital na to." Pagpapatawa niya pero sinamaan lang namin siya ng tingin.

"Joke lang! Mga to talaga! Makatingin kayo, wagas! Para niyo na akong papatayin!"

At natawa na lang kami.

✖✖✖
Cassandra's Point of View:

6 days.

Hindi pa ako pumapasok. Bakit? Hindi ko rin alam. Para daw makarecover pa ako. Eh ayos na nga ako eh! Di naman ako mamamatay kapag papasok ako eh.

Ang oa naman kasi nila.

Hindi ko naman to ikamamatay eh. Pero kung ikamamatay ko man. . . E di shing.

Bale 1 school week at 1 day na akong hindi pumapasok. At bukas, gusto ko nang pumasok. Kung hindi pa din ako papayagan ng epal kong kuyang natitirang kasama ko dito, e di tatakas ako! Lunch ako papasok! Ninja ata toh!

Pero sa ngayon, k-drama-ing muna ako.

***

"Kuya, pasok na ako bukas ah?"

"Hindi."

"Eh bilanggo na ako dito ah! Kailangan ko ng fresh air! Gusto ko nang makita mga kaibigan ko!"

"Sure kang mga kaibigan?"

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Si James."

"Syempre isa na siya dun noh!"

"Hindi pa din."

Oh e di shing! Punyemes!

Buhay ko to at kung gusto ko nang mamatay, hayaan niyo ako! It's my life and I'll do what I want to do!

Kaya papasok pa din ako bukas.

***
Pakanta-kanta ako ng Overdose dito sa kwarto ko habang nagtutupi ng mga damit ko.

Kasalukuyan akong nagtutupi nang biglang magring ang phone ko.

Incoming call from: Jeon Nicole💘
"Hello?"

(Cass! Kailan ka papasok?)

"Bukas. Tatakas ako dito sa bahay. Bakit?"

(Ahehehe... wala. Miss ka na namin eh! Hehe)

Napasingkit ako ng mata. Feel ko, hindi ito yung rason niya kaya siya tumawag eh.

"Spill."

(Ha? Ano itatapon ko? Joke)

"Sabihin mo yung totoong rason kung bat ka tumawag."

(Wala. Miss ka lang namin. Hehe. Masama?)

"Nicole."

(Cass.)

"Umamin ka."

(Hala bye na nga.)

*call ended.

Bigla akong kinabahan. May tinatago sila sa akin. Lagi naman eh. Pero this time, parang iba. Parang may gusto silang sabihin pero pag sasabihin na nila, bigla bigla na lang silang aatras.

Hindi ako makapakali.

Gusto ko nang pumasok bukas.

Gusto kong malaman kung ano yung mga tinatago nila sa akin.

Understood na may mga dapat talagang di malaman ang isang tao pero this one. Iba eh. Nasense ko agad na may tinatago silang kakaiba sa akin.

At kailangan kong malaman kung ano man yun.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon