Chapter 53

13.3K 172 16
                                    

Chapter 53
4 months later...

Cassandra's Point of View:

I survived. March na ngayon.

Nakaya kong mabuhay nang hindi magpapakamatay. Teka ano daw?

At ngayon, as usual, nandito kami sa Grade 2 room. Naghihintay sa awarding ng Grade 8.

Kasama ko sina Ynna, Faith, Ciel, Nico, Kylie, and Angelo.

Kami lang ang nakaabot sa Top ngayong Grade 8. Sa section namin.

Si Ynna, siya syempre ang Valedictorian namin o First Honor. Of course. Si Kylie, Angelo, at ako... second honor.

Oo. Nakaabot ako ng second honor. Pagsisikap? Siguro. Inspired? Malamang. Katamaran? Ano yun?

Tapos sina Ciel at Nico, third honor. Samantalang si Faith... ewan ko ba kung anong nangyari dun at naiwan sa With Honors' list.

"Sophomores, linya na," pagtawag sa amin ng teacher.

Ako, hindi ko alam kung saan pupwesto. Ganito pala ang nararamdaman nina Ynna.

Magsisimula ulit sa With Honors ang awarding.

Magsisimula sa last ng with honors. Papataas ang rank.

"With Honors. Liezel, Harold, Mindy, Celestine, May, Faith."

ay kinulang ng average si nanay faith. sayang.

"Third Honors. Ciel, Nico, Venisse, Arianne, Marcus, Jacob, Mario, and Roseanne."

Matagal pa ba ako? ang sakit na ng paa ko kakatayo...

"Second Honors. Angelo, Kylie, Cassandra."

"First Honor. Ynna."

Kanina pa ako nagpipigil ng saya dito.

"Uy, congrats. Second Honor na siyaa..." pang-aasar ni Ynna.

Nginitian ko siya. "Xiexie. (Thank you.) Congrats din!!!"

Sana nandito siya noh?

pero wala eh.

Natatawa ako. Kasi dati, ang tanga ko dahil ang iniiyakan ko pala eh yung kuya niya. not knowing na buhay pa pala siya.

"Uyy... ang lalim ng iniisip... miss mo na siya noh??" pang-aasar ni Ynna.

Tumango ako. Kasi simula last week, hindi pa ulit kami nagkakausap.

"Oo naman... di pa kami nagkakausap eh. Hindi ko nga alam kung alam niyang naginf second honor na ako eh." sabi ko at nginitian siya.

"Alam niya yun. Diba nga pinost ni Ma'am Aberra yun?" sabi niya at tumango lang ako.

"Grade 8, labas na." sabi ng teacher at dumiretso na kami sa backstage.

***

"Okay, we didn't actually informed you about this. Pero eto ang special awards." Nagulat ako dun sa sinabi ni Ma'am Aberra.

Scratch that. Nagulat KAMI.

"Best in Math, Ynna Analyn Go." sabi niya at pumalakpak kami.

Di masyadong rinig dahil malakas din ang palakpakan nila.

"Best in Science, Kylie Sanchez." sabi ulit ni ma'am at nagpalakpakan kami.

Deserve ni Kylie kasi kada Science namin, siya ang nangunguna sa recitation.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon