Chapter 69
James' Point of View:
(JAMES! BAKIT NGAYON KA LANG SUMAGOT?! HAYOP!)Inilayo ko ka agad ang cellphone ko sa tenga ko. Ang lakas talaga ng boses ni Erin.
"Kasi kalalapag lang ng eroplano. Ano ba? Ang sakit sa tenga! Feeling ko mabibingi ako!"
(KALALAPAG NG EROPLANO?! NANDITO KA NA SA PILIPINAS?! JUSKO BUMALIK KA NA SA MONTREAL JAMES! BUMALIK KA SA MONTREAL!)
napatigil ako.
Bakit ako babalik sa Montreal? Bakit pa? Eh nandito si Cass.... nandito yung mahal ko.
Tsaka, tapos na lahat ng mga pinaghirapan ko ng apat na taon.
"Baliw ka ba? Kakarating ko lang aalis na naman ako? Shunga ka rin eh noh?!" Banas kong sabi habang maingat na inilalagay ang maleta ko sa likod ng taxi.
Nilayo ko muna ang phone ko sa bibig ko at sinabi sa taxi driver ang lugar na pupuntahan ko. Oo, KO. Mag-isa akong umuwi ng Pilipinas. Naiwan sina mama sa Canada.
(WALA NA SI CASS DITO SA PILIPINAS!)
At sa sinabi niyang yun, feeling ko, gumuho ang mundo ko.
***
"James! Kamusta ka na?" Salubong nila sa akin.Pagkarating ko sa bahay namin, wala nang pahi-pahinga. Basta nagpalit lang ako ng damit tapos dumiretso na ako sa meeting place namin.
"Eto... buhay pa rin." Sabi ko habang nakikipag-apir kay Kenneth.
Umupo ako sa tabi ni Nico at Nicole.
"James, may kasalanan ka pa sa amin, tsaka kay Cass." Panimulang sabi ni Kenneth.
"Ha? Ako? Kasalanan? Kay Cass... oo, alam ko, kay Cass, marami akong kasalanan. Pero sa inyo... wala akong maalalang kasalanan ko sa inyo." sabi ko sabay tawa. Sinamaan naman nila ako ng tingin.
"You have no idea how badly hurt Cass-unnie was," Sabi ni Ciel.
"Alam mo James, nahirapan kami sa pagtago ng pakulo mong to, pasalamat ka, nakaya naming itikom mga bibig namin." -Faith
"Nahirapan kami noon. Nahirapan kami kada nakikita namin si Cass na umiiyak." -Nicole
"Hindi mo alam na araw-araw siyang umaasa na babalik ka. Hindi mo alam na araw-araw siyang umiiyak kasi hinihintay ka niya. Hindi mo alam kung gano kasakit para sa kanya ang tanggapin na hindi ka na babalik." -Yuka
"At higit sa lahat, hindi mo alam kung ilang sapak ang natamo namin. Hindi mo alam kung gano kalaki ang nagastos namin para lang patahimikin siya sa kakangawa niya!" -Nico.
Natahimik ako.
"May pinapasabi pala siya," Napatingin ako sa kanya. "Pinapasabi niya sa akin na salamat sa lahat ng mga ala-alang babaunin niya kung saanman siya magpunta. Salamat sa pagpapasaya mo sa kanya. Sa pagpapatawa, sa lahat. Pati sa mga pangako mong walang natupad..."
"At higit sa lahat, salamat sa pag-iwan mo sa kanya,"
At kusa nalang tumulo ang mga luha ko.
Pinunasan ko ito ka agad.
"Napaasa ba siya masyado?"
"Tanga! Alangan namang hindi?! Eh ang pinangako mo, ilang linggo lang kayo magtatagal dun! Pero anong nangyari?! Tatlo, mali, apat, na taon siyang naghintay! Kasi James, hindi mo alam kung gaano kahirap yung dinanas niya, hindi mo alam kung ano yung naging epekto nun sa kanya.." at tuluyan na akong naluha sa mga sinabi ni Kenneth.
"Tapos ni minsan hindi mo siya minessage, hindi ka nagparamdam. Hindi niya alam kung ano nang nangyari sayo dun. Hindi mo alam kung paano siya mag-alala. Hindi mo alam na kahit saan siya tumingin, ikaw ang nakikita niya. At hindi mo alam, na kada pasko, bagong taon, birthday, valentines, at April 20 siya nagluluksa."
Nagtataka ko siyang tinignan.
"A-april 20?"
At bago ko pa malaman, naramdaman ko nalang ang kamao ni Kenneth sa pisngi ko.
"Pati anniversary niyo kalilimutan mo?!" Gigil niyang sabi.
Natauhan nalang ako bigla...
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
"Nung iniwan mo siya noong prom, hindi mo ba alam kung ano naramdaman namin noon?! Noong nakaupo lang siya sa table namin, nirereject yung offer ng mga gustong magsayaw sa kanya? Utang na loob, James, birthday pa niya noon!"
I think I've turned into a monster that I never thought I'd become.
Kaya lang naman ako hindi nakabalik ng apat na taon kasi dun na ako nag-aral. Kinailangan kong lumayo dito sa Pilipinas, kinailangan kong isnobin lahat ng mga kaibigan ko dito, kasi kailangan kong magfocus.
"Alam mo James, pasalamat ka, wala kaming nabanggit kay Cass na dahilan ng pag-alis mo."
Feeling ko, binuhusan ako ng malamig na tubig.
Hindi pwede. Hindi pwedeng mabalewala lahat ng pinaghirapan ko.
Hindi ko hahayaang manyari yun.
"Ano tutunganga ka na lang dyan?!? Hahayaan mo na lang siya?!" Ngayon, sina Erin naman ang sumigaw.
Tumayo ako nang maayos.
"Malawak ang Montreal, san siya dun? Saang banda ng Montreal ko siya mahahagilap?"
"Yan lang ang problema, James. Pero why not try na tignan sa mga social medias niya?"
Binuksan ko lahat ng social medias ko at sinearch ang accounts ni Cass. But turns out, inactive na siya.
Hindi na niya ginagamit ang mga social medias niya. Siguro dahil sakin.
"Wala. She's already inactive She already left social media." Malungkot kong saad.
"Ikaw na ang bahalang mag-ayos niyan, James. Ikaw na lang ang makakaayos sa gulong ginawa mo." Sabi ni Nico.
Malungkot ko silang nginitian.
Mukhang yun na lang ang magagawa ko.
"James, good luck. Tawagan mo nalang kami kapag... alam mo na." Sabi ni Kenneth at nginitian ako nang nakakaloko.
"Ulol!" Sabi ko at tumayo na. Mukhang mapapaaga ang flight ko pabalik ng Canada.
Tinawagan ko si tita para magpabook ng flight pabalik sa Montreal.
"I have to go. Kailangan ko nang mag-ayos ng gamit. Eto pala." Sabi ko at binigay ang mga pasalubong nila.
"Yown! Thank you!" sabi naman nilang lahat.
"Salamat sa mga pangaral niyo. Mauuna na ako." Sabi ko at nagbow saka tumakbo palabas ng cafè.
Wait for me... pero sana hindi pa ako huli....
BINABASA MO ANG
Consequences
Romance-EDITING- what happens if the crazy, suicidal, and the one and only Cassandra Alvarez, falls in love? will she be able to escape the consequences of love? Language/s: Tagalog, English, Korean, Chinese (no kidding) Date Started: February 14, 2017 Da...