Chapter 68
Cassandra's Point of View:
3 years later...
"I'm really, really, really, sorry, guys. If you only know how hard it is for me to leave you here. Pero I will come back naman." sabi ko kina Nicole at sinubukang ngumiti.
Ngayon kasi ang flight namin papuntang Montreal-my second home.
At dahil sa schedules, ngayon, ang flight namin, ngayon din ang graduation namin as Grade 12 students. Nakasurvive ako nang ilang taon na wala siya.
Yung pangako niyang babalik din siya ka-agad, ano na? Tatlong taon na pero bumalik ba siya? Diba hindi naman. Paasa. Puro sila mga paasa.
Ever since he left, di na kami ulit nagkausap pa. Nago-online siya sa Facebook, pero hindi niya ako miessage ni minsan.
Kung dati (before siya umalis), at active siya, nakakreceive pa ako ng mga sweet messages niya. Mga 'I love you', at kahit simpleng mga ganun lang, napapangiti at napapakilig niya ako. Pero ngayon... hindi ko alam kung kami pa ba o ano eh.
"Hoy huwag ka ngang umiyak! Hindi ka mamamatay ano ba!" Pagbibiro ni Erin pero naiyak din siya.
"Hoy huwag nga kayong mag-iyakan! Parang may namatay naman eh! Mga ulul!" Nakiyakap din si Kenneth.
"Heh! Manahimik ka nga lalaki! Nagmomoment kami dito oh!" Pagsaway naman ni Faith.
"Bakit?! Kayo lang ba ang may mga karapatan na magmoment kasama siya!? FYI, ako kambal niya! AKO!" Parang batang sabi ni Kenneth na ikinatawa ko pero hindi parin maiiwasan ang bakas ng lungkot.
"Para kayong m-mga bata!" Sinubukan kong tumawa pero wala eh. "U-umayos nga kayo! Babalik pa ako dito! H-hindi ko kayo i-iiwan... k-kahit kailan... pinangako ko yan diba? P-pero... kahit gusto k-kong magstay... wala akong magawa kailangan eh... P-pero guys... walang kalimutan ah? pansamantala lang akong aalis, guys... hindi forever... w-wala nga kasing forever, diba?" Napatingin silang lahat sa akin.
"S-salamat sa lahat... sa mga memories... sa mga t-tawa..." umiiyak kong sabi.
"C-cass, kambal... alam mo? Para kang mamamatay! tigilan mo nga!" Sabi ni Kenneth sabay tawa.
"K-kambal... pag bumalik yung walang kwenta mong kinakapatid, pakisabi na lang sa kanya, salamat sa lahat, sa mga ala-alang babaunin ko saanman ako magpunta, sa pagpapasaya niya sa akin, sa pagpapatawa, sa lahat, sa lahat sa mga pangako niyang di niya tinupad. Kagaya ng pagbalik niya kuno. At higit sa lahat... salamat sa pag-iwan niya sa akin." Sabi ko at ngumiti nang mapait.
Natahimik na lang rin sila dahil sa sinabi ko. Parang may tinatago na naman silang lahat sa akin. Pero hindi ko na aalamin kung ano man yun. Ayoko na kasi. Ayoo nang umasa. Ayoko nang masaktan. Nakakasawa nang umasa at mapaasa nang paulit-ulit. Masakit.
Napatingin ako sa relo ko.
"Hala sige magsilayas na kayo at graduation niyo ngayon!" Sabi ko at nalungkot naman sila.
"Labag man sa mga kalooban naming iwan ka, Cass... kailangan eh. Diploma na yan oh." Pagbibiro ni Yuka.
"Pano ikaw? Valedictorian ka pa naman. Pano diploma mo?" Tanong ni kenneth sa akin.
"Valedictorian? Hindi na mahalaga yang awards na yan. Oo, valedictorian nga, wala naman siya diba? So wala na ring sense. Loko lang, nauna akong gumraduate sa inyo. Nung lunes pa ako gumraduate. And by graduate, I mean receive my awards and my diploma, of course." Sabi ko at nginitian sila nang tipid.
Tumango-tango naman sila.
"Cass.. forever?" tanong ni Kenneth habang nilagay ang kamay niya sa harap niya.
Napailing na lang ako habang natatawa. Pero nilagay ko na lang din ang kamay ko sa taas ng kanya at nginitian sila.
"Forever. Kahit na walang forever." Sabi ko na ikinatawa nila.
"Mamimiss ka namin, Cass... till we meet again." Sabi nila at nagyakapan na lang ulit kami.
***
8:30 pm
Tahimik akong nakikinig ng mga music habang nakaheadphones. Nandito na kaming dalawa ni kuya sa loob ng airprt. Hinihintay na lang namin natawagin ang flight namin.
At sa wakas, tinawag na rin.
"Tara na?" Sabi ni kuya Chris sa akin habang nilalahad ang kamay niya. Kinuha ko ito at tumayo narin.
Tinanguan ko siya.
"Oh, huwag kang umiyak. Magkikita pa kayo ulit." Sabi ni kuya Chris at malungot akong nginitian. Alam kong nalulungkot din siya.
Kararating niya lang kasi dito sa Pilipinas nung isang araw. Para makipagkita kay Nicole at para sunduin ako. May pasok kasi yung kambal kong kuya, at si kuya Chris, bakasyon pa niya.
Gagraduate na sa college ang kuya kambal ko. Ngayong buwan rin. Samantalang si kuya Chris, magthithird year college na sa pasukan, at ako naman, first year college.
"Kuya, how can you smile like that? As if it doesn't hurt? How can you smile like that? As if you're still happy?" Tanong ko pagkaboard namin dito sa eroplano.
"Kasi, kapatid," tingnan niya ako at sinabing, "there are lots of things to be happy about."
Natamaan ako dun, aaminin ko. Pero kuya has a point.
"At least ikaw, alam mo, pagbalik mo, alam mong may babalikan ka pa. Eh ako? Yung pinangako niyang babalik siya, pero ano? Tatlong taon akong naghintay. Bumalik ba siya? Nagparamdam ba? Hindi diba?" Sabi ko at lumingon sa labas.
"Mahal mo pa ba?" Tanong ni kuya na nakaagaw ng atensyon ko.
"Oo naman. Sobra." Sabi ko at nginitian siya.
"Kaya nga ang hirap mag move on sa kanya eh. Kasi umalis na lang siya nang walang paalam. Ni hindi niya pa tinupad yung pangako niyang after a few weeks, babalik siya. Pero hindi ko nalangiisipin yun. Susubukan ko nalang na kalimutan siya. Kahit na napakahirap." Malungkot kong sabi.
"Pero pano yan? uuwi tayo ng Montreal eh nasa Montreal din siya? There's a huge possibility na magkabanggaan kayo anywhere," Nakangising tanong ni kuya Chris.
"What do you expect me to do? Magtatalon dahil sa tuwa?" Inirapan ko siya.
To be honest, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Mixed emotions siguro. Sakit, lungkot, inis, tuwa? hindi ko rin alam.
Ayaw ko kasing maalala lahat.
"Kakasabi ko lng na kakalimutan ko na lahat diba? Lahat ng mga ala-ala namin. Lahat ng sakit, at siya. Susubukan kong kalimutan. Kahit na imposible mang pakinggan, dahil first love ko siya... susubukan ko.."
"Cass,"
Napatingin ako sa kanya nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Hmm?"
"Isang tanong na seryoso at masinsinan. Sagutin mo nang maayos ah?"
Tumango ako. Pero aaminin ko, kinabahan na lag ako bigla.
"Naghiwalay ba kayo para magmove on ka?"
BINABASA MO ANG
Consequences
Romance-EDITING- what happens if the crazy, suicidal, and the one and only Cassandra Alvarez, falls in love? will she be able to escape the consequences of love? Language/s: Tagalog, English, Korean, Chinese (no kidding) Date Started: February 14, 2017 Da...