Chapter 36

14.5K 246 24
                                    

Chapter 36
Cassandra's Point of View:
"Aish! Bat ba kayo sunod nang sunod!? Nakakairita ah!" Bulyaw ko sa kanila dito sa loob ng kwarto ko.

Oo. Kwarto KO. Dito sa bahay namin. Iisang kwarto kaming lahat. Nagkasya sila dito.

"Kasi nga, binabantayan ka namin." Sabi ni Reb habang kumakain ng donut.

Pangatlong araw na nila dito. And so far, each day is becoming worse. But... fun.

"Mga hayup! Magpapalit ako sa banyo, susundan nyo ako?! umayos nga kayo!" Sabi ko.

Umiling sila.

Nagisip ako ng paraan kung pano sila tumink. Hindi naman pwedeng mag korean ako kasi maiintindihan ako ni Nico. Ah. Chinese. *evil grin*

"Li wo yuan dian! (Go away from me!)" Sigaw ko sa kanila kasi ayaw pa rin nila akong tantanan.

"Luh. Shet. Wala namang ganyanan oh. Walang nakakaintindi sayo!" Sabi ni Nico.

I smirked. "Ruguo wo buxiang yao zenme ban? (What if I don't want to?)"

Nanahimik silang lahat. Tangina kase. Hahaha ang eepic ng mukha nila.

"Lalayo na kami promise." Sabay sabay nilang sabi.

"Hao. (Good.)" Sabi ko sabay pasok ng banyo.

"Cass! Bat ang tagal mo diyan! Hoy! Buksan mo tong pinto! Cass! Ano nang ginagawa ko diyan!" Rinig kong sigaw ni Faith galing sa labas.

"Ano ba! Nagpapalit ako!" Sigaw ko na lang rin. Pano ako magpapakamatay dito?! Jusko naman!

Lumabas ako at sumalampak sa kama. Nakakaloka sila. Yung feeling na pumunta sila dito para lang magpaasikaso sayo. Hindi asikasuhin ka.

Grabe.

Kinuha ko ang phone ko at pumunta sa terrace nitong kwarto ko.

Inopen ko ang facebook ko at lakas loob na nagscroll sa news feed ko.

And as expected, puro tagged kay James ang laman ng news feed ko.

Pero ang pinakapumukaw ng atensyon ko eh yung post ng kaibigan niya.

Karl Abago--with James Ethan (A/N: Yung italicized, yun yung captions ha.)

Pare. Bakit ang aga mo atang nawala? Ganun ka na ba ka-excited? Bakit di mo man lang hinintay na maka-graduate ng highschool man lang? Ngayon, aakyat ka ng langit ng walang highschool diploma. 😂😢 Pare naman eh. Bakit ganyan ka? Ang sama mo! Iniwan mo ka agad kami. Hindi ka na namin makikita. I mean, magkikita pa tayo. Pero sisiguraduhin kong matagal pa yun. Etong mga pictures pala ng barkada pre oh. May caption bawat picture. Gusto kong mabasa mo pero alam ko naman na imposible na yun. #RIPJames #JusticeForGo #GiveEthanJamesJustice #JusticeForJames

What's with the hashtag? Justice? Ano ba ang rason kung bakit namatay si James?

Pinindot ko na lang yung mga pictures. Baka may makita pa akong iba.

Sa unang picture, picture ito ni James kasama ang kaibigan niyang nagpost, si Karl. Magkaakbay sila.

Sayang friendship natin, 'pre! Pitong taon rin yun! Pero hindi naman kita masisisi eh. Hindi mo naman ginusto na umalis agad eh. Ganun talaga, may mga plano si God na hindi inaasahan. Na bigla bigla na lang. Hayaan mo 'pre, bibigyan ka namin ng hustisya! Kaya chill ka muna diyan. Huwag kang babangon ah. Utang ba loob, tatakbo talaga ako pag bumangon ka diyan.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Mabilis ko itong pinunasan at pinagpatuloy ang pagbabasa.

Mas lalo akong napaiyak nang makita ko ang sumunod na litrato. Picture namin ito ni James nung contest. Yung dalawa kami ang vocalist.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon