Chapter 62

12.4K 146 10
                                    

Chapter 62
Cassandra's Point of View:

4:00 am.

Isang oras na lang bago ako "gumising" pero hindi pa ako nakakatulog.

Ikot dito.

Ikot doon.

Hindi ako makatulog kakaisip dun sa ginawa ni James kahapon.

Magnanakaw ng halik! >__<

Hindi ko namamalayang napapahawak ako sa labi ko.

Aaminin ko, nung nangyari yun, feeling ko, huminto yung oras. Feeling ko, lumulutang ako. At aaminin ko ulit, malambot ang labi niya.

Waaa! Cass bakit ka nagkakaganyan?!?!

Tinakpan ko yung mukha ko ng isa ko pang unan. Ngayon lang ako nagkaganito! Baka antukin ako bukas! Este mamaya.

Ethan James Go, what have you done?!

Narinig kong nagring na ang alarm ko. Ha?! Nakaisang oras na?

Bahala na nga.

***

"Good morning--woah anyare sayo? Bakit ganyan mga mata mo?" Salubong na tanong sa akin ni Kuya Chris.

Miss ko na yung dalawa kong kuya. Pero magkikita rin kami. Soon.

"Nagpuyat lang. May project ka agad." Pagpapalusot ko.

"Ahh.. sige... project." Sabi niya habang tumatango-tango.

Alam niyang nagsisinungaling ako. Pero wala ako sa mood ngayon dahil inaantok pa ako.

Kasi kahit magsinungaling ako, malalaman at malalaman niya ito. kasi nga... kuya ko siya.

Tahimik akong kumain ng breakfast dahil inaantok ako.

***

"Cass!" Napalingon ako sa taong tumawag sa akin.

"Don't talk to me. Wala ako sa mood." Sabi ko sa kanya at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Dumiretso ako papunta ng classroom dahil alam kong hindi niya ako masusundan dun kasi hindi dun ang section niya.

9-S. Finally, I'm here.

"Morning, Cass." Bati ng class president namin sa akin.

"Morning, President." Pang-aasar ko sa kanya.

"Yah!"

"Joke lang, Ynna. To naman." Sabi ko at tinawanan siya.

"Inaantok ka pa yata?"

"Wala pa akong tulog."

***

"Kanina pa ganyan itsura mo Cass? May nangyari ba?" Napabalik ako sa mundo nang biglang magtanong sina Erin.

Umiling ako. "Wala pa akong tulog."

"Huh? Bakit? Anyare?" Nagtatakang tanong nila.

Minsan di ko alam kung kaibigan ko tong mga to o mga member ba to ng Dispatch na nagpapanggap bulang mga kaibigan ko eh. Ay joke.

I shrugged. "Kdrama is life eh." Sabi ko at tumawa. Kahit na palusot lang yun, tumawa rin sila.

Nakita kon pumasok si James dito sa canteen.

"Uy si James oh!" Sabi nina Erin at kinawayan siya.

Kumaway pabalik si James at naglakad papunta sa direksyon namin.

Huminga ako nang malalim. Handa na akong kausapin siya. Hindi naman kasi pwedeng takbuhan ko na lang diba? Kailangang harapin ko.

Malapit na siya.

Pag magsosorry siya, sige tatanggapin ko na. Pero kung ang pag-uusapan namin eh yung about sa you-know-what-the-hell-happened-yesterday, hindi pa ako handang pag-usapan ang about don.

Malapit na siya at ilang hakbang nalang, nandito na siya sa table namin.

Bakit ganun? Ang gwapo pa rin niya?

Pero biglang nagdilim ang paningin ko nang umepal na naman yung tanginang sit in student na yun.

Hindi naman nakabitiw si James sa kapit ng linta na yun at sumama na lang ito sa kanya. Nagpahila na lang siya. Nginitian niya rin pabalik yung gagang babae na yun.

Sinubukan kong isipin yung mga sinabi niya sa akin kahapon.

'I was just being friendly.'

Susubukan kong isipin yan. Susubukan kong itatak sa puso ko yan. Susubukan kong imarka sa utak ko yang mga katagang yan.

"What the hell?! Hindi pa ba nadadala yang gagang yan sa mga sampal natin?!" Naiinis na tanong ni Erin.

"Unnie sino siya?" Nagtatakang tanong ni Ciel.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Nagpapapansin lang 'yan." Pag-eexplain ni Nicole.

"Bat ka ba kasi absent? Si Cass kahapon lang rin pumasok. Kasi nagpahinga siya. Eh ikaw Ciel?"

"Nagkasakit din ako noh. Na dengue ako tapos nung isang araw lang ako nakalabas ng hospital." Sabi niya.

"Ahh kaya pala nangayayat ka." Sabi ni Erin habang tumatango-tango.

Wala akong pake sa nga naging usapan nila. Kasi yung atensyon ko, nandun lang sa dalawa.

Ang saya nilang tignan. Nagtatawanan, nagngingitian, nagtitinginan.

'Promise, Cass. Ikaw lang.' Napapikit na lang ako nang naalala ko yung sinabi niyang yun.

Wala pa akong tulog ah. Utang na loob. Huwag kayong mambwisit.

Pinikit ko na lang yung mga mata ko at sinandal ang ulo ko sa lamesa.

"Cass, okay ka lang?" Tanong ng mga kaibigan ko pero hindi na lang ako sumagat.

"Di na nahiya. Nakatingin pa yung girlfriend. What the..." Nandidiring sabi ni Faith.

Napaayos agad ako ng upo. Ano yun? Anong nangyari?!

And before I knew it, kusa na lang tumulo ang mga luha ko.

Kusa na lang akong tumayo at tumakbo papalayo sa lugar na yun. Papalayo kung saan hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan ako pumupunta. Hindi ko alam kung saan.

Basta ang alam ko lang... gusto kong makalayo sa lugar na yun.

Sa garden.

Umupo ako sa isang bench at umiyak lamg ng umiyak.

'Promise, Cass. Ikaw lang.'

James. Lagi na lang.

Paasa.

Wala nga talagang forever.

"Ang s-sakit... lagi na lang..."

And before I knew it, nandito na ako sa dagat. dito sa likod ng school.

Tinanggal ko ang sapatos at medyas ko at tinabi.

"I love you pero pano naman ako!?" Pinunasan ko ang mga tumulo kong luha at ipinagpatuloy ang pagbabato ng mga bato sa dagat.

"Paasa... puro kayo mga paasa...." sabi kong muli at pinunasan ang mga luha ko.

hindi na ako papasok. What for? Masyado nang masakit ang mga nangyayari sa akin.

Ano yung nakita ko kanina na dahilan ng pagpunta ko dito sa dagat?

Yung babae... hinalikan si James.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon