Chapter 15

21.2K 270 3
                                    

Chapter 15

Cassandra's Point of View:

"Ready ka na raw ba?" Tanong ni Kuya Carlos habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

Sunday ngayon at magsisimba kami. Pagkatapos, bonding raw.

Para rin daw makalanghap ako ng fresh air.

Hindi nalang ako umangal kasi malamang isang mahabang sermon na naman ang aabutin ko mula sa nanay at tatay ko. Sama mo na rin yung tatlong kuya ko.

"Sandy, bilisan mo! Nandito na sina tita!" Sigaw ni Kuya Chris galing sa baba.

Kasama kasi namin ngayon sina Kenneth. With Tita Coleen and Tito Elyson.

Kinuha ko yung sling bag ko at tumakbo pababa.

Nandito na talaga sila.

Si Kenneth, nakasuot ng checkered na polo, fitted na black jeans at white na sneakers.

Ngayon ko lang napansin na marunong pala siyang pumorma.

Nahiya ako bigla sa suot ko.

Naka suot kasi ako ng simple na blue dress tapos flat na shoes tapos white sling bag.

"Gomen nasaiiii!!! (Sorry)" sabi ko habang tumatakbo pababa ng hagdan.

"Hello, tito, tita." Sabi ko tapos nagmano sa kanila.

Hinarap ko si Kenneth at aktong magmamano ako sa kanya. Tinawanan ko siya sa itsura niya tapos pinakyu niya lang ako.

"Hoy kayong dalawa diyan! Aalis na!" Sigaw samin ni Kuya Chris.

"Sabi nga namin eh!" Sigaw ko pabalik.

***

Pagkatapos naming magsimba, bumalik kami sa sasakyan at hindi ko alam kung saan na kami pupunta.

Basta kami ni Kenneth, pupunta sa hindi ko alam.

Puro na lang hindi ko alam kasi hindi ko talaga alam.

Hindi ko alam kung saan kami papunta!

***

"Maglakad-lakad na muna kayo dun, Kenneth. Mag-aayos kami dito." Sabi ni mommy kay Kenneth.

Nandito kami ngayon sa isang park. Picnic raw. Para naman daw may time para mag-unwind dahil napakastressful raw ng mga nangyayari sa kanila.

Tumango naman kami ni Kenneth.

"Naalala mo nung nagba-bike sina Kuya dati dito?" Tanong ko sa kanya.

We used to play here when we were kids.

"Oo. Tapos nung nadapa si Kuya Charlie?" Natawa ako bigla.

Si Kuya Charlie, pinsan ko. Anak ni Tita Kenzie at Tito Luke.

Nakatira sila ngayon sa.... saan ba ulit yun? Sa Atlanta yata?

Basta.

"Oo. Tapos tinatawanan natin nina Nicholas." Sabi ko.

Si Marcus Nicholas Alcantara. Ang nag-iisang anak ni Tito Nick at Tita Cath.

"Oo! Hahaha... those days..." bigla kaming natahimik.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon