Chapter 13

23.2K 295 4
                                    

Chapter 13

Nicole's Point of View:

"Hoy Yuka! Ano to?!" Turo ko dun sa dinrawing niya na nasa papel.

Hindi naman sa nilalait ko na pangit or whatever. Hindi ko lang talaga ma-identify!

"Tao yan!" Sigaw niya naman sa akin.

"Tao?! Eh hindi naman mukhang tao?!" Sigaw ko rin sa kanya pabalik.

Ang layo naman kasi talaga. Square pa yung ulo.

Nakarinig ako ng pagbagsak ng gamit galing sa katabi ko.

Si Cass, kararating lang.

"Bakit bes?" Tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya.

Parang alam ko na kasi sunod namang dumating si Nico.

Ow... I smell away.

Pagkaupo ni Nico, tinignan niya si Cass. At si Cass naman, nakasandal sa upuan habang nakapikit ang mata.

Ano bang nangyari?

Well, mamaya na lang ako magtatanong. Ayokong masigawan eh. I value my precious ears.

✖✖✖

Cassandra's Point of View:

Naglalakad ako ngayon sa corridor. Maaga pa kaya hindi pa ganun karami ang tao.

Bigla akong may nakitang dalawang tao na magka-akbay. Isang babae at isang lalaki.

At nang nakita ko yung mukha ng lalaki...

Si Nico.

May akbay na babae....

Pagkatapos niyang sabihing gusto niya 'ko?! Aba iba rin naman pala 'tong isang 'to. Mapagbigay rin ng free trial?

Binilisan ko yung lakad ko para naman malaman niyang nakita ko siya.

Nilagpasan ko sila nung babae niya.

Hindi ko sinasadyang mabangga yung braso niya. I swear, hindi ko talaga yun sinasadya.

"Cass, wait!!!"

***Recess

Lalapit sana sa akin si Nico pero hinatak ko ka agad sina Erin, Nicole at Yuka palabas ng room.

Absent ngayon sina Faith at Reb. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman silang sinabi sa akin.

"Ano to? Iwasan? Ganern?!" Natatawang tanong sa akin ni Erin.

Hindi na lang ako sumagot.

"Erin, tumigil ka nga! Badtrip ang na si Cass eh!" Sabi naman ni Yuka.

Umupo kami sa isang table sa cafeteria. Lalapit na sana si Nico sa table namin pero bigla akong nagsalita.

"Saglit lang, guys ah. May nakalimutan akong kunin sa room eh. Yung phone ko naiwan ko sa bag." Sabi ko kahit nandito sa bulsa ko yung phone ko.

✖✖✖

Nico's Point of View:

Kada lalayo siya...

Feeling ko, sinasaksak ako ng milyon-milyong kutsilyo.

"Tsk! Ano ba kasing ginawa mo?" Sabi ni Nicole na may halong pagbabanta.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon