Chapter 9

29.7K 364 9
                                    

Chapter 9

Cassandra's Point of View:

"Cass!! Cass! Sorry na oh!" Habol sa akin ng isang tao.

Si Jasper.

Pagkatapos nito akong galitin kanina? At tawagin ng kung anu-anong pangalan?! Pagkatapos niya akong tawaging malandi?!

"The heck?! Will you leave me alone?!" Sabi ko tapos tinabig yung kamay niya na humawak sa braso ko.

Uwian na naman at papunta na ako sa parking lot.

Ah, takot siguro tong makick out. Aw sayang naman pinag-iisipan ko na kung papatalsikin ko siya dito o hindi eh.

Hindi niya pa din binitawan.

"Mr. Lee! Baka gusto mong ihampas ko sayo tong gitarang hawak ko?" Banta ko sa kanya. Leche. Ang dami ko kayang bitbit.

Nasa kanang balikat ko yung backpack ko, nasa kaliwa yung gitara.

Imagine niyo kung gano kabigat?

"Isa, Jasper!! Bumitaw ka!" Sigaw ko sa kanya.

Nakita ko sina Kuya at binigyan niya ako ng "kailangan-mo-ba-ng-resbak-look"

Umiling naman ako bilang sagot.

Lumabas na sila sa gate at ako, naiwan dito. Kasama ang lecheng lalaking ito.

"Ano ba kailangan mo ha?!" Sabi ko sa kanya.

"I just want to apologize." Sabi niya sa akin.

"Apologize for what?! Sa sinabi mo? Wala na akong pake roon kaya pwede ba lubayan mo na 'ko?!" Sabi ko.

Tumakbo ako palayo at nahulog ang gitara ko.

Kinuha ko ulit ito at may pumulot ditong isang kamay.

Si Jasper? Nope. He's new.

"Let me help you with that." Sabi niya.

He doesn't look familiar.

"Thank you." Sabi ko.

"I'm Nico by the way. Nico Clayton Martinez." Inilahad niya ang kamay niya.

I shook it.

"Cassandra Angelica Alvarez." Sabi ko.

"Alvarez? Ang may-ari ng school na ito?!" Gulat ma tanong niya.

I nodded.

"Hala. Sorry. Yokong ma kick out." Sabi niya sabay fake cry.

"No. It's okay. Anyways, I have to go na pala."

"Wait! By the way, saan ang section mo?" He asked.

"7-A. You?" I asked.

"Kaklase pala kita. Bukas pa ako magsisimula." Sabi niya.

"Ah sige. Kanina pa text ng text mga kuya ko eh. Bye!" Sabi ko.

Nagwave siya pabalik.

Pagdating sa bahay, in-open ko agad ang facebook ko. Walang palit ng damit. Hahaha.

Sinearch ko yung facebook niya.

Search: Nico Clayton Martinez.

Add friend.

***The Next Day

kasalukuyan akog naglalakad dito sa hallway paakyat sa fourth floor kung nasaan ang room namin.

Nang biglang may kumalabit sa akin.

It was Nico.

"Hey." I greeted.

"I'm nervous. Huwag mo ko sungitan ah." Sabi niya.

"I'm already talking to you. Ba't naman kita susungitan?" He laughed when I said that.

"Kasi sinungitan mo yung lalaki kahapon." Sabi niya.

Lalaki? Ah. Jasper.

"Nakakabwisit siya eh." And by the time I said that, nasa tapat na kami ng classroom.

It was just 6:25 kaya maaga pa. Wala pang ibang tao.

Inilapag ko yung bag ko sa baba ng upuan.

Nilabas ko yung phone ko at nag facebook na muna.

Omg in-accept niya yung friend request!!

Tinignan ko si Nico sa harap na row at nakatingin din siya sa akin.

Awkward

"Uh... hi?" He said shyly.

I just smiled at him.

***Lunch Time

"Close ata kayo nung bago?" Tanong ni Kenneth sa akin.

Kasama ko ngayon kumain ang banda.

May practice kasi mamayang hapon. Tapos awarding pa ng para sa Nutrition Month. Mamaya din ang Mr. And Ms. Nutrition.

"Ahh.. si Nico? Hindi naman masyado pero magkakilala kami." Sabi ko naman.

Totoo naman diba?

Parang tren yung bunganga niya. Walang tigil.

"Sinuswerte ka naman ata at katabi mo pa." Sabi naman ni James.

I just glared at him.

Pagkatapos mong sayangin 'yung chances mo noong isang araw, tingin mo bati tayo? Para ano? Maka-experience ulit ng free trial mo?!

'Di na ako papakatanga 'no! Char, mga 1/2.

Total opposites kami, at alam kong wala akong pag-asa.

Nalaman ko pa mula sa pinsan kong nag-aaral sa GH, na dating school ni James, eh may iba daw siyang crush.

So bale martyr na rin ba akong matatawag?

Hinahabol ko pa din siya kahit hindi naman siya nagpapahabol.

Inubos ko na yung lunch ko at bumalik na ako sa classroom para kunin yung gitara ko at para magpa-excuse na rin.

Pagpasok ko sa classroom, nandon na ang teacher.

Pumunta ako sa place ko para kunin yung gitara.

"May practice po kami sa auditorium para sa nationals." Sabi ko.

Pagtapos nun, may narinig ako na sumigaw ng, "Good Luck, Cass!"

It was Nico. At paglabas ko, nakarinig ako ng malakas na hiyawan galing sa classroom.

✖✖✖

Nico's Point of View:

"Hoy hoy! Ano yun?!" Naka evil-grin na tanong ng kaibigan kong si Angelo.

"Anong ano yun?" Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

"Ayiiie!!! Crush mo si Cass noh?" Sabi ni Mark.

I shrugged. Idol ko lang naman siya. Kasi matalino, maganda, talented.

Kaso, di mabait.

Pero sakin, mabait siya.

"Idol lang." Sabi ko.

"Crush mo pa rin!! AYIIEEE! PORMAHAN MO NA!!" Sabi ni Angelo.

Umiling ako. Now is not the time for that.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon