Chapter 47

14.2K 190 22
                                    

Chapter 46

Cassandra's Point of View:

2 months later...

Ngayon ang role play namin para sa Florante at Laura na yan. Ako? Ako ang in charge sa background music. Ako rin ang script writer.

Magpapiano ako ng kahit anong note na alam kong malungkot at babagay sa story.

"Places!" Sigaw ng teacher na hudyat na pagsisimula ng play.

***

"Congratulations, Group 3!" Pag-aanounce ni ma'am.

Pumalakpak na lang rin kami ng mga kagrupo ko.

Group 5 kami. At kami lang ang Second place or First Runner up. Kulang kasi kami sa allotted time.

Nandito ako sa upuan ko habang tinititigan yung mga props ng kabilang grupo na crowns. Picturan ko nga.

"Ang lalim ng iniisip natin ah." Napalingon ako sa taong tumabi sa akin.

Si James pala.

Kamusta kami? Nagdecide akong kalimutan ang lahat at harapin siya. At ngayon... MU kami. With feelings. Hindi gaya nung kay Nico dati.

"Ah... wala..." sabi ko habang nakatingin sa malayo.

Naramdaman kong hinawi niya yung buhok ko.

"Disappointed ka ba kasi natalo kayo?" Tanong niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Yabang mo! Kala mo kung sino ka! Dun ka nga! Paepal!" Pagtataboy ko sa kanya.

Natawa naman siya at bumulong, "Gusto mo naman."

At feeling ko, pagkasabi niya nun, nagshut down bigla ang pagfafunction ng utak at katawan ko. Bigla na lang akong nablangko.

"Huy. Ayos ka lang?" Kumaway-kaway siya sa harap ko.

Ay dun ako nabalik sa tamang huwisyo.

"Ay h-ha? Ano yun? May sinasabi ka?" Tanong ko habang umiinom ng tubig.

"Hay... tsk. Huwag kang masyadong matulala sa kagwapuhan ko. Huwag kang mag-alala. Iyong iyo ako." Sabi niya with matching kindat.

Kadiri!

"A-Ano bang sinasabi mo?!" Sabi ko habang umuubo at ang hudas na yun naman, tawa lang ng tawa. Gago rin to kung minsan eh.

Galing mambwisit, galing mang-inis.

"Hahahaha! Sorry na, C! Hahaha!" Tawa pa din siya ng tawa habang hinahagod yung likod ko.

"Wait. What did you call me?" Patay malisya kong tanong kahit ang linaw nung narinig ko.

"Aish! Bawal bingi. Hehe. Kay ganda ganda mong tao eh bingi ka." Teka parang nagback fire sa akin yung sinabi ko kay Kuya Chris dati ah.

Sinamaan ko siya ng tingin at sinimangutan.

"Hayyy! Ngumiti ka nga, C! Ang pangit mo pag nakasimangot eh!" Sabi niya.

Mas lalo ko siyang sinimangutan.

"Huy. Sabi ko ngumiti ka. C naman eh!" Pagdadabog niya na parang bata.

Napatawa na lang ako.

"Oh ayan. Nakangiti na." Pilit ko siyang nginitian.

Nginitian naman niya ako pabalik.

Pinakamasayang tao sa mundo? Siguro ako na yun. Kasi, eto na yung pinapangarap ko noon eh. Nung akala kong namatay siya, akala ko, mamamatay na din ako. Kasi wala na yung taong mahal ko eh.

Nanatili kaming tahimik sandali. Siguro nawalan na rin ng pag-uusapan. Pero, ang alam ko lang, ang saya saya ko.

Kasi, malay mo, siya na yung the one diba?

Napatingin ako kay James na nakatingin sa malayo.

Tinapik ko siya, "Hey, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Napalingon naman siya sa akin at tumango. Pero nanahimik ulit siya.

"May problema ba?" Tanong ko ulit.

Umiling siya. "Matagal na kasi simula nung huli kong bisita kay kuya Zeke." Sabi niya.

Kaya naman pala.

Tumango tango ako at bigla na lang nagvibrate ang phone ko.

Incoming call from: Kuya Carlos
"Hello? Anong kailangan mo?"

(Gags. Kailangan agad? Grabe ka sa kuya mo ah.)

"Spill it. "

(Eh kasi... may away kami ni Mikay eh.)

"Oh tapos? Anong kinalaman ko dyan?"

(Anong gagawin ko?)

"Aba malay ko. Bakit lalaki ba ako. E di tanungin mo yang kambal mo! Naku naman. Istorbo amp."

(Sorry naman. O sige na. Bye.)

"Bye."

*call ended.

Epal talaga yung mga yun kahit kelan! Nakakapikon.

Natahimik ulit si James at parang andami niyang iniisip at pinoproblema at the same time.

gusto kog makatulong pero alam kong kahit anong pilit ko eh hindi niya yun sasabihin sa akin o kahit kanino man.

Kung ano man yun, sana may magawa ako. Pero knowing james, alam kong hindi yan magsasalita at wala na akong magagawa.

"May problema ba talaga? Umamin ka nga." Sabi ko sa kanya.

Isang iling na naman ang natanggap ko.

"Alam mo, ikaw? Pwede ka nang maging Denial king eh. Halata na nga kasing mero nnagdedeny pa. Tsk. Ayaw pang magsabi. Pano ako magtitiwala sayo niyan? Hayyy.. nako naman, James!" Sabi ko sabay padyak ng paa.

Alam ko naman kasi na hindi ang pagbisita ang pinoproblema niya eh. Meron pa. I can feel it at nahahalata ko din. He can't lie to me. Not now. Not ever.

"Wala nga kasi. Ang kulit mo naman, C." Sabi niya habang nakangiti.

Hindi ako kampante dyan sa ngiting yan. Kasi feeling ko may mali. Isa pa,bibinggo na si James sa akin. Kanina niya pa ako tinatawag na 'C' ah. Hindi naman ako Vitamin! Nakakaloka!

"Ikaw? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo kaninanh pagkatapos ng play? May problema ka rin ba?" Tanong niya.

"J, kahit sino naman may problema eh. Walang taong walang problema." Sabi ko at tinignan ko siya.

Natahimik naman siya. Oha. May problema nga siya.

"So? Bakit ka nga tahimik kanina?" Tanong niya ulit.

"Wala lang. May naisip lang ako bigla." Sabi ko at ngumiti.

Nakakatuwa lang kasing tignan yung mga korona. Isa pa, bigla akong nainggit. Bakit? Wala akong alam. Hindi ko rin alam. Kaya huwag na kayong magtanong.

"Ano nga yun?" Pamimilit pa niya na sabihin ko.

Hinarap ko siya. "Yung mga tinitignan ko kanina? Yun yung mga korona na ginamit ng ibamg grupo." Sabi ko.

"Oh tapos? Anong meron dun?" Taas kilay niyang tanong.

Hinawakan ko ang nga kamay niya at tinignan siya sa mata. "Wala lang. Ang cute kasi. Saka naalala ko 'yung isang kwentong binabasa ko. Ang swerte kasi nung babae. Ako kaya? Makakahanap rin ba ng gaya ng bidang lalaki doon?" Sabi ko at nginitian siya.

"No need to find that guy. I'm already here. I'll serve as your knight, and your king. I will protect you always for you are my queen." Pagkasabi niya nun, tumayo na siya at lumabas. Kasabay ng oagalis niya ay ang pagring nga bell. Lunch time.

At ako naman, naiwang mag-isa at tulala dito. Hindi makafunction ng maayos ang utak ko.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon