Chapter 43

13.1K 170 7
                                    

Chapter 43

Carl's Point of View:

"Huh? Ano? Umayos ka nga ng pananalita! Nakakaasar na ah!" Pikon na sabi ni Carlos kay Cass.

Lahat kami naguguluhan. nareceive namin ang text niya na magpupunta na muna siya ng bookstore kasi ang tagal namin. Kani-kanina lang, papunta kami ng bookstore nang makasalubong namin siyang tulala. Para siyang nakakita ng maligno.

"K-kuya... n-nakita k-ko siya..." Sabi niya habang nakayakap kay Chris.

Hindi namin alam kung sino yung nakita niya at bakit siya nagkakaganito. Wala kaming alam sa mga nangyayari kaya nagtataka kaming lahat.

"Umupo na nga muna tayo." Umupo kami sa nakita naming bench na nasa malapit at tsaka nagsalita si Cass.

Bumili si Carlos ng tubig sa hotdog stand na malapit at inabot ito kay Cass. Hindi makatayo si Chris kasi nga nakayakap si Cass sa kanya.

"Thank you, kuya." Sabi niya at ininom ang tubig.

Huminga siya nang malalim bago magsalita.

"May nak-kita akong kamukha ni James." Sabi niya at napaiyak na lang siya ulit.

Nagkatinginan kaming tatlo.

Hindi naman siguro diba?

Lumunok ako bago magsalita, "Anong hitsura niya?"

Pagkatanong ko nun, parang gusto ko nang batukan ang sarili ko sa katangahan ko! Kakasabi niya lang kasi na kamukha ni James eh tinanong ko na naman.

Katangahan mo Jeckhiel!

"Kuya huwag tanga! Kakasabi ko lang na kamukha ni James eh! Paulit-ulit?!" Sinamaan ako ng tingin ni Cass.

Napakamot na lang ako ng batok ko at natawa ng kaunti. Pero wrong move ata yun kasi ang sama na ng tingin ng tatlo kong kapatid.

"Balik tayo sa sinasabi mo, Cass. Ano ngayon kung may nakita kang kamukha ni James? Baka naman namamalikmata ka lang." sabi ni Carlos.

Mabilis na umiling si Cass. "Hindi. Nakailang pikit na ako at punas ng mata, hindi pa din siya umalis sa harap ko."

"Oh eh bakit ka umiiyak? Hindi ba dapat masaya ka kasi kahit papano may nakita kang kamukha ni James?" Tanong ni Chris.

"Hindi lang kasi yun! Manahmik na nga muna kayo at patapusin niyo ako!" Sabi ni Cass at pumadyak-padyak pa na parang bata.

"Eh ano?" Sabay-sabay na tanong namin.

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. "Hindi lang niya yun basta basta kamukha." Sabi niya at napatakip na lang ng mukha.

Kami naman, naguguluhan. Anong pinagsasabi nito? Nababaliw na ba kapatid namin?

"Siya yun kuya. Siya yun." Sabi niya at napaiyak na lang uli.

Nagsitayuan lahat ng mga balahibo ko sa katawan kasi parang may dumaan na mabilis na malamig na hangin sa likuran ko. Bigla na lang rin akong pinawisan ng malamig.

James huwag ka namang manakot oh! Takot kami sa multo ano ba!

"Shit bigla akong kinilabutan." Sabi ko.

"Anong piangsasabi mo Cass? Nasobrahan na ata ang pagbabasa mo ng suspense at horror stories. Kung ano ano na ang pumapasok sa isip mo." Sabi ni Chris.

Sang ayon ako.

Umiling naman si Cass. Jusko kinikilabutan na talaga ako. "Kuya, si James yun. Maniwala kayo. Ilang beses akong pumikit. Hanggang makita niya ako. Nung nakita niya ako, nginitian niya ako tapos tinamaan siya ng sinag ng araw. Hindi ako pumikit nun kasi di naman ganun kaliwanag. Tapos nung nawala na yun liwanag, wala na rin siya." Sabi niya at muling uminom ng tubig.

Magsasalita na sana ako nang biglang masalita si Carlos. "Cass, hindi mo alam?"

Shit. Alam na rin ata niya. Na realize na rin niya siguro.

"Alam? Ang alin?" Naguguluhang tanong niya.

"40 days ngayon ni James." Ako na ang nagsabi.

Tinignan naman ako ng tatlo.

"Kuya, di ako shunga. Kaya nga ako bumisita kanina sa sementeryo eh. Kasi ngayon ang 40th day niya. Ang hindi ko maintindihan, bakit siya nagpapakita sa akin?!"

"Kasi daw, naka move on na siya. Oras na rin daw para mag move on ka. Kailangan mo nanag tanggapin na wala na siya at hindi na kailanman babalik. Masaya na siya dun. Malayo sa sakit. Kailangan daw kasi, ikaw din. Maging masaya na. Mag let go na. Kasi, wala na siya eh. Wala na..." Tuloy tuloy na sabi ni Chris habang nakatingin sa malayo.

Nagulat kaming lahat sa sinabi niya. Si Chris ba talaga ito?! Bakit parang may pinanghuhugutan siya?!

✖✖✖

Cassandra's Point of View:
Natahimik ako?

Eto na nga ba ang gusto niya? Mag move on ako? Kakayanin ko ba?

Hindi ko alam.

Masaya na siya dun. Nakamove on na. Nakakangiti na. Buti pa siya.

'James, eto na ba ang gusto mo? Ang mag move on ako? Kami?' Bulong ko sa isip ko kahit di ko alam kung sasagutin niya ako.

Bigla ko na lang ring narinig ang boses niya sa ulo ko.

'It's time for you to be happy too, Cass.'

Napaiyak na lang ulit ako.

Susubukan ko James, sususbukan ko. Pero wala na muna akong maipapangako sayo ha?

Hindi kasi ako marunong tumupad ng mga pangako eh.

Tumayo ako at nag-inat inat. Sana nga makaya ko ito. Susubukan ko. Sana lang talaga...

Pumikit ako. "James, huwag kang mag-alala. Sususbukan kong maging masaya. Pero wala na muna akong maipapangako ha? Hindi kasi ako marunong tumupad nun. Lagi na lang napapako. Pakasaya ka dyan ha?" Bulong ng isip ko.

Sana nga james, sana matutunan ko rin mag let go.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon