Chapter 26

16.9K 215 13
                                    

Oh ayan! Quota kayo ha! Nag double update ako kasi birthday ng kuya ng asawa ko. Hehe. (Si Xiumin nga.) Isa yun sa rason. Labs ko kasi kayo. Ehehe~

Vote and comment💕

Enjoooyyy~

-------------------

Chapter 26

Cassandra's Point of View:
3 days later. . .

December 20

"KUYA! ANG BABAGAL NIYO!" Sigaw ko galing dito sa loob ng sasakyan.

Ngayon kasi yung Christmas Party namin.

"Aysus. Atat ka lang eh." Pang-aasar ni daddy.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Ehehe.. joke lang princess! To naman!" Sabi ni daddy.

Siya kasi ang maghahatid sa amin ngayon. Magwewelcome remarks kasi siya sa classroom namin. Siya yung kasama ko. Tapos si mom naman kay Kuya Chris.

Kina kuya Kambal naman, hindi na kailangan kasi senior highschool na sila.

"Yah! Huwag niyo kong siksikin!" Sabi ko kina kuya.

Huhuhu. Help! Ang sikip na dito!

Buti nagkasya kaming apat dito. Para kaming sardinas leche.

***
Pagdating sa parking area ng school, bumaba ka agad ako at kinuha yung dalawang paper bag na ang laman ay mga regalo.

Nilapag ko muna yung mga paper bag sa malapit na bench at saka pinagpag yung pants ko.

(Outfit: Pic above ^_~)

Kinuha ko rin yung phone ko at nagearphones na muna. Wala akong pake sa mga makikiusap sa akin. Respeto naman kasi wala akong pake diba? Ay charot.

4 inches na heels? Kaya. Para naman tumangkad ako

Putek nagsisisi na ata ako na four inches tong heels na suot ko! Leche na carried away ako! Langya nakalimutan kong fourth floor pa room ko!

"Dadeh, pabuhat nga nito." Turo ko sa mga paperbag.

Hindi ko na kaya mga bregs.

Kinuha naman ni Dad yung mga paper bags at siya na ang nagbitbit. Buti naman. Hahaha.

Pagdating sa classroom, feeling ko tinakbo ko mula La Union hanggang dito! Hunyeta ho!

"O E DI KAYO NA MAGANDA! HUHUHU." Pagdadrama ni Reb pagkapasok ko.

Napasimangot ako. Para namang di siya maganda. Potek. Haha.

"Loka ka! Para namang di ka maganda!" Sabi ko.

Buti napigilan ko ang magmura. Muntik mawala sa isip ko na kasama ko si Dad.

Kinuha ko yung paper bags kay dad at bumalik sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko.

Hinalungkat ko mga regalo nila.

Reb, Yuka, Faith, Erin, Nicole, Patrice, Ciel... and etc. hindi ko mabilang eh.

Dalawa regalo ko kay Nicole kasi siya yung nabunot ko sa monito-monita shits.

"Jewel Faith Ramirez." Sabi ko sabay abot ng regalo ko sa kanya.

Simpleng tshirt ito na may print sa harap.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon