Chapter 12

22.6K 304 11
                                    

Chapter 12

Cassandra's Point of View:

Pagkabukas ng pinto, bumungad sa akin ang umiiyak na kinakabahan na mukha ni Nico.

Hindi ko alam kung anong mangyayari, pero hindi na rin ako magtatanga-tangahan. Alam kong may plano siya. Hindi ko lang alam kung ano.

"Angelo! Bat ang tagal ninyo?!"

Nung nakita ako ni Nico, nginitian niya ako nang alanganin. Ako naman, kinunutan ko siya ng noo. Parang alam ko na kung ano ang mangyayari.

Hindi naman ako slow na katulad ni mommy na may pa-clueless-clueless o kaya speechless-speechless pang nalalaman!

Paglingon ko sa isang banda, nakita ko sina Yuka.

Pano sila nakapunta rito eh iniwan ko lang sila sa classroom kanina.

"Ahehe.... anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ko.

Alam ko na kaso just to be sure. Ayoko na kasing mapaasa at mag-assume.

"Cass?"

Lumapit siya sa akin.

Ano ba kasi to? Anong pakulo na naman to, Mr. Martinez?

Ano ba talagang gusto mo, Nico?

"Nico? Ano to? Ba't may ganito ganito pa?" Tanong ko.

Luminga-linga ako sa paligid. Nakita ko rin mga kuya ko.

Lahat sila, nakangiti at maaliwalas ang mga mukha at itsura. Ano yon? Payag sila?

Si Kenneth, nandito rin. Nakayuko siya. Parang, may problema?

Si James, nakakunot yung noo niya. Bahala ka diyan, hehe.

"Eh.. you see, I like you Cass. Simula nung nagkabungguan tayo. Yung first time mo ako na kinausap, nginitian. Nagtataka nga ako eh, sabi nila, masungit ka daw, suplada, well no offense. Pero hindi ka naman ganun towards sakin. Siguro nga, tama yung sinasabi nila na dapat hindi magpapaniwala sa mga sabi sabi lang at walang katotohanan.." he said.

Napalingon ako kina kuya na kumunot ang noo.

Na parang nagbibigay ng "are you kidding me" look.

Aamin talaga siya. I can feel it.

Pero hindi namang kailangang ganito pa!

"Tapos?"

"Tapos, all I want to say is that, I like you, Cass. Baka nga hindi na lang to like eh."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Siya lang ang nag-iisang nagkacrush sa akin na pumasa sa mga kuya ko at nag-effort pa ng ganito para lang umamin.

So, kaya pala sabi ni Sir may program ngayon sa auditorium.

So bale di naman napagplanuhan

"Ah. Roses pala." Sabi niya with matching bigay sa akin ng isang bouquet ng rose.

"Salamat?" Nagtatakang sabi ko habang kinukuha yung bigay niya.

To be honest hindi ko nga alam kung anong masadabi ko rito eh.

"So, what can you say?" Ngayon, si Angelo naman ang nagtanong. Isa sa mga barkada ni Nico.

Tumaas ang kilay ko. "Wait... what? Am I supposed to say something?"

"Of course you idiot!" Ngayon, si Kenneth naman ang umepal.

"Ako pa talaga ang idiot ha?" Sabi ko sabay turo sa sarili ko.

✖✖✖

Kenneth's Point of View

Ang daming alam ni Nico! May pa ganito-ganito pa.

Si kambal (Cass), parang nawi-wirduhan na ewan. Kasi first time rin na may naglakas-loob na umamin sa kanya eh.

Napalingon ako sa katabi kong si James. Kanina pa to nakabusangot dito. Hmm.. I smell something na umaalingasaw sa sama.

At feeling ko, hindi ito maganda.

"Bro, okay ka lang?" Tanong ko kay James sabay tapik sa braso niya.

"Oo. Mainit lang." Sabi niya.

Sus, palusot pa. Selos lang 'tong isang 'to, eh. Ayan kasi.

Alam ko ang rason kung bakit hindi pinansin ni Nico si Cass for like 3 weeks. Kasi sabi ng mga kuya ni kambal, kung mahal niya talaga si Cass, kaya niyang maghintay.

Willing naman daw maghintay. Kaya ayun, di-nare ng mga kuya niya na huwag niyang pansinin nor kausapin si Kambal.

Nagbunga naman.

At paglingon ko na lang sa katabi ko, wala nang tao at nakita ko siyang lumalabas na ng auditorium.

Hindi pa MU sina Cass. Parang nagbibigay lang siya ng chances para kay Nico. Pero at the same time, naaawa ako kay Nico. Kasi kilala ko naman kung sinong gusto ni Cass eh. Etong katabi ko.

Lumapit ako sa kanila.

"Hoy hoy, Martinez! Kota ka na! Akin lang tong kapatid ko!" Sabi ko sabay yakap kay Cass.

Tumawa naman si Cass.

Nagulat ako.

"Waaa! Si Cass tumawa!!!" Sabi ko sa kanya sabay yakap.

Tuwang-tuwa naman si bestfriend.

Ah. May naisip akong kalokohan.

"At dahil dito, manlilibre si Nico mamaya sa Starbucks!!" Sabi ko sabay tago sa likod ni Cass.

"Hoy, Kenneth! Ikaw manlibre!" Sabi niya sa akin

"Bahala ka diyan! Baka nakakalimutan mong may pinangako ka!" Sabi ko sa kanya.

Para kaming mga timang dito.

Pero ang alam ko lang, masaya ako para sa bestfriend ko.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon