Chapter 37

14.3K 173 36
                                    

Chapter 37

Cassandra's Point of View:

After 1 month...

"Cass, punta kayo sa Grade 2 room." Pagtawag sa akin ng isang Grade 8 student na hindi ko kilala.

"Huh? Bakit po?" Magalang na tanong ko. Hindi naman kasi nila alam na demonyo ako eh.

"Dun daw tayo maghihintay sabi ni sir." Sabi niya at nginitian ako.

Tinawag ko ang iba ko pang mga kasama na Grade 7 at sabay sabay kaming pumunta sa Grade 2 room.

Reconition day namin ngayon. Akalain mo, nakasurvive na naman ako sa impyernong to? Grabe. Nakaligtas pa rin ako despite sa dami ng mga nangyari sa lecheng buhay ko.

Ang mga nakasama sa circle of friends ko, ay sina Faith, Ciel, Ynna, Nico, at Kyle.

Akala ko nga at hindi na ako makaksama sa top. Dahil sa mga nangyari dati, akala ko hindi na ako makakabangon. Akala lang pala yun. Binabantayan nga siguro ako ni James.

Aaminin ko, sanay akong wala siya pero alam kong nandyan aiya. Pero ang hindi ako sanay eh yung wala siya, talagang wala. Kasi wala na. Gets niyo?

"Yes naman! Ang aga niya!" Sabi ko pero inirapan niya lang ako. Bastos.

Nag earphones na lang ako at nanood ng mga videos ng exo dito sa phone ko. Hanggang sa natapos ko na lahat ng videos, hindi pa din tapos ang awarding ng lower year.

Ang bagal naman! Nakakaasar! Ang sarap sugurin ng emcee, ang bagal magsalita.

Nagfacebook na muna ako. Matagal-tagal na rin ang last na online ko. Kasi ang last pa eh nung pinost ko yung band pic namin, yung kasama si James. Naalala ko na naman yun.

Pagtingin ko.... may 84 notifs akong hindi pa nakikita.

Puro likes ng pinost ko. Nagcomment rin si Sir Jay.

Jay Ventanilla: We will surely miss you, anak. May you rest in peace...

Mabilis kong pinunasan ang mga nangingilid kong mga luha. Huwag ngayon, Cass. Huwag ngayon. Recognition mo ngayon, kaya kailangan, masaya ka.

"Linya na, Freshmen. Magsisimula sa With Honors." Pagtawag sa amin ng isang teacher tumayo ako, binulsa ang phone ko, nilabas ang panyo ko, at pinunasan ang luha ko.

"Umiiyak ka na naman. Hayyss." Rinig kong bulong ni Nico sa akin.

"Wala lang to. Na-puwing lang." Pagpapalusot ko sabay iwas ng tingin.

"Miss mo na siya noh?" Pang-aasar niya.

Aaminin ko, nakamove on na ako kay Nico. Pero kay James, hindi.

"Sinong hindi makakamiss sa kanya, noh? Nakakalungkot lang kasing isipin na wala na siya," sabi ko sabay punas ng luha.

"Oy, huwag ka ngang umiyak! Baka isipin ng mga nakakakita sa atin na pinaiyak kita! Dapat nga nagsasaya ka eh. Tignan mo, despite sa mga tanginang nangyari sa buhay mo, nasa top ka pa din." Sabi niya at nginitian ako.

"Salamat Nico, ah? Kasi nandyan kayo palagi para sa akin. Kahit na..." ba yan! Nakakahiya naman kung pai yun babanggitin ko pa! Nakagetover na yung tao dun eh!

"Kahit na ano?" Tanong niya habang makangisi. Sinimangutan ko na lang siya. Aba gago talaga to.

I stomped my feet, "Alam mo na yun!"

Natawa siya, "Oo. Hahaha! Huwag kang mag-alala, tanggap ko na ang lahat, nakamove on na ako. Thank you rin pala. For you taught me how to love." Sabi niya.

Huh? "I taught you how to love? No. You taught me how to love." Pagpupumilit ko pa.

Natawa na lang siya, "Oo na. Tinuruan na natin ang isa't isa." Sabi niya.

"Freshmen, With Honors. Nico Clayton Martinez, Cassandra Angelica Alvarez, Dean Samuel Lee." Pagtawag sa amin.

Oo, second ako sa with honors. Nakakatuwa nga eh.

Pero, ang masaklap, wala sina mommy at daddy dito para sabitan ako ng medal. Ang magsasabit ng medal ko ay si Sir Jay.

Pero ang pinagtataka ko, pati si Sir Jay na kanina lang ay pakalat-kalat dito, eh hindi ko na mahagilap.

Naramdaman ko na lang na may nagsabit ng medal sa akin. "Ma?! Pa?!" Gulat kong tugon.

"Hi, anak." Bati ni dad.

Kelan pa sila nakauwi?!

"Kelan pa kayo nakauwi?!" Gulat kong tanong.

"Shh... manahimik ka muna at ngumiti sa may camera." Bulong ni mom sa akin.

Ganon nga ang ginawa ko, ngumiti. Kahit na wala naman akong rason para ngumiti. Kahit papano, sinubukan kong ngumiti ng hindi pilit. Pero wala eh. Pilit talaga. Sana lang hindi mahalatang pilit ang ngiti ko dun sa picture.

Pagbaba namin ng stage, niyakap ko sila ka agad. "Kelan pa kayo nakauwi?!" Tanong ko sa kanila.

"Kahapon lang. Dun kami kina Nick nakitulog." Sabi ni mom.

Aalis na sana kami nang may maalala ako.

"Saglit lang ma. Kukunin ko lang yung mga gamit ko na naiwan sa locker ko. I'll be back." Sabi ko at binigay ang medal na suot ko sa kanila at tumakbo papuntang fourth floor.

Hinanap ko ang locker ko at ayun.

Alvarez, Cass

Binuksan ko ito at kinuha ang mga naiwan kong scrapbooking materials at ilang pandikit.

Sinarado ko ang locker ko at binitbit ang mga gamit. Ugh. Shet ang bigat naman neto. Sana pala nagdala ako ng bag na maliit.

Shit shit shit! May nalaglag akong papel. Lumuhod ako para kunin ito at nakuha ko naman.

Teka... papel? Kelan pa ako naglagay ng papel sa locker?

***
Pagkauwi sa bahay, niligpit ko agad ang mga gamit ko.

Pagkatapos nun, binalikan ko yung papel na nasa dresser ko na ngayon. Doon ko na muna ito nilapag at baka maitapon ko ito nang hindi sinasadya.

Kinuha ko ang papel at umupo sa kama.

Saan kaya ito galing? Sa pagkakatanda ko, never akong nagtago ng kahit na anong papel sa locker ko. Pero san to galing?!

Sinarado ko na muna ang pinto ng kwarto ko just to make sure na walng eepal at sisigaw ng, "CAAAASSSS!" A.k.a. mga kapatid ko.

Kinuha ko ulit ang papel at pumunta ng terrace.

"What the actual?!" Nawiwirduhan kong sabi.

Akala ko kung ano ang laman ng papel. Wala naman palang kwenta! Puro 0 at 1 lang ang nakasulat! Nakakaloka!

Eto:
01001001 00100000 01101101 01101001 01110011 01110011 00100000 01111001 01101111 01110101

Tangina?! Ano to?!

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon