Epilogue

24.7K 305 38
                                    

EPILOGUE: FOREVER

2 years later...

Cassandra's Point of View:
Kanina pa ako palakad-lakad dito sa sala. Panong hindi? EH KINAKABAHAN AKO!

Tinignan ko ang petsa sa cellphone ko.

April 20.

Mamaya ko na siya tatawagan. Mas importante to kaya kinakabahan ako.

Nandito na ulit kami sa Pilipinas. At months ago, nagtake ako ng exam for architecture. Si James, matagal na siyang nakapasa. Kaya chill nalang siya. At ngayon, ako itong kinakabahan.

"Anak, will you calm down? The result doesn't matter as long as you pass," kalmadong sabi ni mom habang nakaharap aa tv at kumakain ng popcorn habang nanonood ng movie.

"Ma, yun nga yung dahilan kun bakit kanina pa ako kinakabahan eh. Alam mo bang sa lahat ng mga sagot ko, ni isa wala akong sigurado? Huhu wala na. Goodbye future na ako neto," sabi ko at napaupo nalang sa sofa.

Lord, kayo na po bahala sa resulta.

"Makapasa lang talaga ako, okay na. Kahit last na. Makapasa lang talaga ako," sabi ko.

Bigla namang nagvibrate ang phone ko.

From: 宝贝💕
Calm down. :)) you will do fine💕

Jusko, pumasa ka lang kasi kaya ka ganyan! Nakakahiya kapag hindi ako pumasa jusko...

Yung feeling na ikaw, bagsak sa exam pero yung boyfriend mo, ganap nang Civil Engineer. Nakakaiyak naman tong buhay na to.

To: 宝贝💕
you only say that bc you passed!

Totoo naman eh! Ganyan naman lagi. Nagcocomfort lang kasi pumasa!

From: 宝贝💕
no i'm not :P

Nilock ko na lang yung phone ko at binulsa ko na ulit. Bahala na. Jusko. Si Lord na ang bahala.

"Uy--woah galing ka bang freezer? Ba't ang lamig ng kamay mo?!" Natatawang tanong ni Kuya Jaz.

"Kinakabahan nga kasi ako! E di kayo na ang nakapasa at ganap nang engineers!" Sabi ko sabay irap.

"Cass, the rank doesn't matter as long as you pass," Sabi ni Kuya Carlos sabay ngiti sa akin.

"Alam niyo, ganyan kayo eh! Porke ba nasa Top 10 kayo?! Kainis!" Sabi ko sabay punta ng kusina para uminom ng malamig na malamig na malamig na malamiiiiig na tubig.

"Ayan na, ayan na!" Hyper na sabi ni mommy nang biglang mag-news.

Kinakabahan akong pumunta ng sala para tignan ang headline ng result.

Hindi ko tinignan. Umupo lang ako sa sofa, naglapat ng kamay, yumuko, at pumikit. I-a-announce naman yung Top diba? diba?

Jusko eto na.

Tinakpan ko ang tenga ko.

After 5 minutes, minulat ko ang mata ko at tinanggal ang pagkakatakip sa tenga ko.

Nakita ko sina mommy na nakatingin sa akin.

"I know, I didn't passed. I'm so sorry I failed you. Valedictorian at Cum Laude nung college at highschool pero hindi nakapasa ng exam---"

"Can you let us talk first?"

"Okay fine," I surrendered.

"Sinong nagsabing hindi ka pumasa? Tignan mo yung listahan. Nasa tv oh," Turo ni Kuya Carl sa tv at tinignan ko naman.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon