Chapter 39
Isang buwan. Isang buwan na ang lumipas mula nang mawala siya.
How was my life since then? Medyo malungkot.
At ngayon, nagbibihis ako dahil bibisita ako sa sementeryo. Yes, to visit him and my grandparents. Yes, all of them.
My phone suddenly vibrated.
*1 message received from: Erin♡
Ready ka na?I replied.
To: Erin♡
Almost. San na ba kayo?From: Erin♡
Dito na sa Starbucks. Waiting for you, Nicole and FaithNatawa ako.
Kinuha ko ang sling bag ko at wallet at bumaba na. I am wearing a black dress. May namatay ba? Oo, meron. Puso ko.
"Ma! Alis na ako!" Sigaw ko bago lumabas ng bahay.
"Be here before 9 pm." Sabi niya at nginitian ako.
"Okay po, mama." Sabi ko at mabilis na tumakbo palabas ng bahay.
Malapit lang naman ang Starbucks dito kaya nilakad ko na lang.
Pagpasok ko, nakita ko sila na nasa table.
Sina Kenneth, Nico, Erin, Nicole, Faith, Xav, Ciel, at Roger. My friends.
"Hello!" Bati ko sa kanila at umupo sa tabi ni Erin.
"Ganyan na naman suot mo. May namatay?" Tanong ni Kenneth sabay inom sa frapp niya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Hindi ba obvious?! "Oo. Meron. Yung puso ko." Sabi ko at inirapan siya.
Napatingin naman silang lahat kay Nico.
"Oh? Bakit ako? Move on na ako mga bregs." Sabi niya sabay tawa.
Natawa na lang rin kami. "Talaga?" Pang-aasar ko pa.
"Oo naman. Because I think I found her." Sabi niya.
"Oy oy oy oy sino yan ha?! Sabihin mo samin para makilatis namin. Baka naman mukhang paa yan ha!" Sabi ko.
"Tsaka ko na sasabihin sa inyo. Kapag sigurado na ako." Sabi niya.
"Dapat lang, ano!" Sabi ko. "Gutom na ako. Order lang ako ng favorite ko." Sabi ko at tumayo at nag order.
Umorder ako ng frapp at bumalik na rin sa upuan ko pagkakuha ko ng order ko.
"Guys nagtext si Faith. Hindi na raw siya makakasama." Sabi ni Nicole.
Tumango na lang ako. "Tara na." Sabi ko at nagtawanan sila.
Sa kotse kami nina Kenneth sasakay. Yung driver nila ang magdadrive kasi may business meeting si Tita Coleen at Tito Elyson.
Sumakay na kaming lahat at nasa may bintana ako nakaupo katabi si Nicole.
"Huwawz. Kumacandid si Cass. May pinanghuhugutan ka bes?" Natatawang tanong ni Nicole.
Natawa na lang ako. "Pang candid ba talaga? Pa pic nga!" Sabi ko at inabot ang phone ko. "Pag di yan mukhang candid babatukan kita." Sabi ko at nagtawanan sila.
"One... two... three..." sabi niya at binalik sa akin ang phone ko.
"Huwaw. Ang ganda daw ng kuha. Thank you." Sabi ko.
In-on ko ang mobile data at inopen ang facebook. Wala lang. Magpapalit lang ng dp. Hahaha.
Cass Alvarez changed her profile picture.
Tapos ang caption: I tried to find you, who I can't see. I try to hear you, who I can't hear. -MID.
Dumaan kami sa isang flower shop at bumili ng pang-alay na bulaklak. Grabehan. Pang-alay talaga. Basta yun.
Magtitirik din ako ng candila kina lolo.
Nakarating kami dito sa may entrance gate ng memorial park. Bumili kami ng mga kandila sa malapit na store at pumasok na kami.
Alam namin kung saan ang puntod ni James. May parang chapel nga ito eh. Hanggang labas lang pwede. Hindi pwedeng pumasok. Family members lang ang pwede. Hindi rin pwedeng magbreak in kasi makalock ang gate nito. Kaya no choice kami mamaya kung hindi sa labas na lang magtirik.
Dumaan kami sa puntod nina lolo saglit at nag-alay ng dasal. Mahirap na. Ayokong mamulto.
Pagkatapos nun, hinanap namin ang puntod ni James. Chapel ng puntod ni James, to be exact.
Pastel blue ang kulay ng pintura nun. Kaya madali lang itong hanapin.
At nang makita na namin, feeling ko, ayoko nang tumuloy. Kasi feeling ko, baka sumunod na ako ka agad sa kanya.
"Oh. Ba't ka umiiyak?" Tanong sa akin ni Ciel na dahilan para matigilan ang buong barkada at mapatingin sa akin.
Nagpunas naman ako ka agad ng luha at pinagpatuloy ang paglalakad. Nilabas ko ang puting kandila na binili namin kanina at sinindihan.
Habang sinisindihan ko ito, tuloy tuloy na umagos ang luha na galing sa mata ko. Kaya ang ending, hindi masindihan yung kandila. Kasi nababasa io ng luha ko.
"Aish. Ako na diyan, Cass. Magpahangin ka na muna diyan." Sabi ni Roger at pinaupo ako sa bench na nasa tapat ng puntod ni James.
Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Kasi ito ang first time na dinalaw ko siya mula nung libing niya.
Nakatingin sa akin ang mga kaibigan ko. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala.
"J-james, ang daya mo... nang iwan ka agad... h-hindi man lang... ako nakapagpasalamat nang maayos sa... birthday gift mo." Sabi ko habang humahagulgol.
Ramdam kong naiiyak na rin sila. Pero pinipigilan lang nila.
"S-salamat... ha? S-sobrang nagustuhan k-ko talaga ito... sorry sa mga nagawa ko... sayo dati." Sabi ko.
"J-james, miss ka na namin... pahinga ka diyan ha? Hindi ka na masasaktan diyan." Sabi ko at pinunasan ang luha ko.
"Tara na guys. Habang kaya ko pa." Sabi ko.
"Bye James! We miss you! Rest in peace!" Sabay-sabay naming sabi at bumalik na sa kotse nina Kenneth.
BINABASA MO ANG
Consequences
Romance-EDITING- what happens if the crazy, suicidal, and the one and only Cassandra Alvarez, falls in love? will she be able to escape the consequences of love? Language/s: Tagalog, English, Korean, Chinese (no kidding) Date Started: February 14, 2017 Da...