Chapter 51

12.5K 176 5
                                    

Chapter 51

Erin's Point of View:

Kami-kami na lang ang nandito. Wala ang mga kuya ni Cass, wala ang mga parents niya, wala rin yung hayop na gumawa nito sa kanya. Pwera lang kay Roger na nasa labas.

Lumapit kami kay Cass.

"Huy, ikaw gaga ka. Hanggang kailan ka pa magtutulug-tulugan?"bulong ko sa kanya.

Nagsitanguan naman yung iba namin kasama.

Dinilat naman ni Cass ang mga mata niya. Oo. Gising na siya. Matagal na. Nagpapanggap lang na tulog pa. Hindi nga namin alam kung bakit eh. Nahihirapan na rin kaming umarte.

Nag "shh" sign naman siya.

"A-awch..." Sabi niya habang hinihimas yung kamay niya.

"Ayan kasi. Kitang nakaswero yung kamay tapos igagalaw pa. Sumandal ka nga lang diyan." Panenermon--este pagsasaway ni Nanay Faith.

"Seryoso, Cass. Hanggang kailan mo kami papa-artehin?" Tanong ni Nicole.

Natahimik siya. Pati kami.

"Hanggang gusto ko. Huwag kayong mag-alala. Malapit na." Nakangising sabi niya.

Simula nang magising siya. Mabait pa rin siya sa amin. Pero sa mga kuya niya, hindi namin alam kung kuya pa rin ang trato niya sa kanila. Pero, may isa siyang kuya na nakakaalam na gising siya. Si Kuya Chris.

Alam na rin ito ng mga parents ni Cass. So ang mga hindi lang nakakaalam eh yung tatlo–si James, at ang Kuya Kambal niya.

"Bakit mo ba to ginagawa? Ha beshy?" Tanong ni Yuka.

"Gusto ko lang na marealize nila yung mga ginawa nila. Magsisi sila, noh,"

"Magsisi? O magdusa?"

"Magsisi lang. Kuya ko pa rin sila kahit papano. Mahal ko pa din siya kahit papano."

Lahat kami napangiti.

"O sige na. sige na. Pero Cass huwag mo kaming iiwan ah? Hindi pa pwede. Not now, not ever," Sabi ko.

Ngumiti naman siya at tinanguan ako.

"Hayyy... miss na namin yung tagalibre namin sa Starbucks at mcdo." Pagpaparinig ni Yuka.

"Huwag kayong mag-alala. Kada pagkatapos ng make up classes natin. Iilibre ko kayo sa Starbucks at mcdo." Sabi niya at nginitian kami.

"Miss ka na namin, cass.... bilisan mong gumaling ha? Jebal..." Sabi ko.

Tumango naman siya.

"Mahal mo pa ba siya?" Tanong ni Faith.

Natahimik naman si Cass.

"Oo naman..."

Pagkasabi niya nun, hinihingal na pumasok si Roger.

"G-guys.... Andyan na si James!" sabi niya at lahat kami nataranta.

Bumalik kami sa mga lugar namin.

Ako, nakahiga sa sofa.

At si Cass, pinikit niya ulit ang mga mata niya.

✖✖✖

Cassandra's Point of View:

Oo...

Gising na ako...

Matagal na...

Maybe 3 days ago? Matagal-tagal na rin akong nagtutulug-tulugan.

Matagal-tagal na rin akong nahihirapan. Pero anong magagawa ko? Ginusto ko to eh.

Narinig kong bumukas ang pinto. Andito na siya. Andito na ang lalaking mahal ko.

Ang tanga ko noh? Nasaktan na nga ako ng paulit-ulit siya pa din itong mahal ko. Ang martyr ko na. Pinapahirapan ko lang yung sarili ko. Pero hindi niyo naman ako masisisi eh.

Galit pa ba ako sa kanila? Hindi na... sa tagal ng tulog ko, humupa na rin yung galit ko.

Hindi naman ako yung type ng tao na nagkikimkim ng sama ng loob. Maliban lang kung talagang hindi ko na talaga siya o sila mapapatawad.

Hindi naman ako ganun ka demonyo. Well, hindi na. Hindi ko rin alam kung anong nangyari. Basta. Nagising na lang ako na wala na yung demonyo sa akin.

"Hindi pa rin ba siya nagigising?" Rinig kong rtanong ni James.

Feeling ko, napairap na lang tong mga kaibigan ko. "Sa tingin mo?" Pagsusungit ni Faith.

Iba talaga tong mga to. Maka-arte parang lagi silang meron.

Naramdaman kong tumabi sa akin si James. Hindi sa kama dahil pag nagkataon at ginawa niya yun, di na siya sisikatan ng araw dahil baka nagulpi ko na siya.

"Cass, gising na please? Marami pa akong kailangang ipaliwanag.... qing? (Please?) Gising na..." at naramdaman ko na lang ang sunod sunod na pagpatak ng luha niya sa balikat ko.

Tama na. Naaawa na ako.

"Gising na ako. Matagal na. Matagal na rin kitang nauuto." Sabi ko at tumawa ng malakas.

At nagsitawanan na rin ang mga kaibigan ko.

"Ni hao, James."

"T-teka... ano to? G-gising ka? N-narinig mo l-lahat ng mga sinabi k-ko?" Gulat na tanong niya.

Muntik akong matawa. Natanga na ba to?

"Tanga-tangahan? Ano sa tingin mo?" Tanong ko.

"N-narinig mo nga–"

"Aba malamang. Anong akala mo sa akin, tanga?" Napairap na lang ako.

Bahala siya diyan. Tanga-tangahan pa, obvious na nga.

"I'm–"

"I know. James. Hahaha! Joke. Sorry?" Tinignan ko siya nang seryoso.

Dahan-dahan siyang tumango.

"Hindi ako masamang tao para hindi magpatawad. Kung ang Diyos, nakakapagpatawad, ako pa kaya? Ako pa na tao lang?" Sabi ko at napatingin siya sa akin.

"O-okay na?" Di makapaniwalang tanong niya.

Nakilala niya ba ako bilang ganung kasamang tao? Hindi naman ah.

"Hindi na ganun katigas yung puso ko. Oo. Narinig ko naman na mga paliwanag mo eh. Pero... tanga ka pa din." At pagkasabi ko nun, nagsitawanan na silang lahat. Pati si James.

"Ikaw ang pinakatanga sa mga tanga." Dagdag ko pa na dahilan kung bakit sila mas natawa.

"Ay joke. May mas tanga pa pala sayo."

At pagkasabi ko nun sakto namang bumukas yung pinto at iniluwa nito yung demonyong kambal.

"C-cass? Gising k-ka na??" Gulat na tanong ni Kuya Carl.

Isa pa to. Ang galing magtanga-tangahan. Ang sarap batuk-batukan ng paulit-ulit hanggang sa matauhan.

"Speaking of the tanga. The tanga has arrived." Sabi ko at nagtawanan sila. Ulit.

Kanina pa tawa ng tawa tong mga to ah. Unti na lang, bibingo na sila. Di naman kasi ako clown eh. Kaasar.

"Oo gising ako. Mukha ba akong tulog sa inyo? So ano yun? Walking dead ako? Ganern?" Sabi ko amd for the nth time, tumawa na naman tong mga kaibigan ko.

"Cass... we're---"

"I know. You're Carlos and Carl. No need to introduce yourselves. Hahaha. Joke. Ano? Sorry? Tsk. Huwag na kayong magsalita. Ok na. Shattap na." Sabi ko.

Tumango naman sila.

Okay na yung ganito.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon