Chapter 41

13.2K 160 48
                                    

Chapter 41

Cassandra's Point of View:

"Kuya may alam ka bang i-decipher na codes?" Tanong ko kay Kuya Chris pagkapasok ko ng kwarto niya.

"Huh? Anong code?" Tanong niya pabalik.

Nilabas ko ang phone ko at pinakita sa kanya.

"Teka isulat ko lang tong binary na to. Hindi ko alam kung pano i decode ang Polybius square. Gomen na" Sabi niya at kinuha ang phone ko.

Ako naman, umupo lang sa sofa ng kwarto niya at nanood ng tv.

"Cass phone mo oh." Sabi niya sabay abot ng phone ko.

Sa codes, si Kuya Chris ang maaasahan ko. Kasi yung kambal, nako, good luck na lang sayo

Yung feeling na kambal sila pero magkaiba ang level ng katalinuhan. Nung recognition nila, Third Honor si Kuya Carlos tapos Second Honor si Kuya Carl. Diba dapat pantay sila sa lahat? Hahaha.

"Huh? I miss you? Yun ang ibig sabihin ng code."

Napalingon ako sa kanya. "I miss you? Sino naman ang nagsabi nun?" Takang tanong ko.

"Teka. Gusto mo ipatrack natin kay Kuya Charlie?" Tanong niya.

Napaisip ako. Oo nga noh. Si Kuya Charlie ay college student na ngayon at Information Technology ang kanyang course.

"Sige tara. Punta tayo kina Tito Luke." Sabi ko.

"Teka. Magdasal ka na muna na walang pasok si Kuya Charlie ngayon." Sabi niya at tumango ako. "Maliligo na ako at magbibihis." Sabi ko at lumabas na ng kwarto niya at pumunta naman sa kwarto ko para maghanda.

Sana kayang itrace ni Kuya Charlie to.

***

"Hala. Bakit ganun?" Nagtatakang tugon ni Kuya Charlie.

"Bakit kuya? Anong meron? Anong nangyari?" Takang tanong ko rin.

Napailing siya. "Nadecode niya lang yung Polibius Square. Pero hindi matrace yung number. Naka private eh. Pano to? Tsk. Di pa namin to napapag-aralan. Nak ng!" Frustrated na sabi niya.

Napasimangot ako. "Di bale ayos lang, Kuya Charlie." Nginitian ko siya. Pero agad din akong nagtaka. "Pero ano yung sinasabi ng code kuya?" Tanong ko.

Bumalik si Kuya Charlie sa pagkakaupo sa swivel chair niya at nagslide papunta sa harap ng monitor ng computer niya. May hinanap siya na parang decoder ek ek at kinlick. "'It hurts seeing you cry. Don't cry. See you soon. I miss you.?' Ano to? Wadafuq?" Takang tanong niya sabay tingin sa akin.

Kinikilabutan na ako dito. Sino namang hinayupak ang magtetext sa akin niyan?! Nakakaloka.

Tsaka matalino siya ah. Ano kaya yung ginamit niyang sim para di siya matrack ng kahit anong device? Kelangan kong malaman kung anong sim yon para may pamprank ako!

Tsaka... pano niya nalaman ang number ko!?

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko.

1 message received from: 09*********

"May text na naman ang gagong to. Ano bang gusto nito sakin?!" Banas kong sabi.

Like seriously. Sa dinami dami ng number combinations, number ko pa talaga ang nabuo ah!? Ugh! Nakakainis.

Pinalitan ko na nga lang yung contact name niya.

Bitch-faced: isoeoo sueuom niysys�

Napasapo na lang ako ng noo ko. Bakit ba napapaisip ako?

"Ah! Ayoko na! I give up. Suko na ako! Ano bang pinagsasabi ng isang to?!" Banas kong sabi sabay bato ng phone ko sa kama ni Kuya Charlie.

Dinampot naman ni Kuya Chris ang phone ko at inabot kay Kuya Charlie.

Natawa na lang si Kuya Charlie nang mabasa ang code. "Hahaha! Ang dali na nga nito eh! Hindi na kailangan ng decoder kasi napakaobvious na." Sabi ni Kuya Charlie habang tawa ng tawa.

Isa pa to. Sarap batukan eh. Para malaman niya kung ano yung nararamdaman ko. Batukan ko kaya sila nina Kuya?!

"I miss you. See you soon." Sabay nilang sabi.

Grabe. Ganun na ba ako katanga para di magets yun?! Nakakloka.

"Hala Cass, hindi kaya si James 'yan, nagtetext mula sa langit?" Sabi ni Kuya Charlie.

Napairap na lang ako at kinuha yung phone ko.

To square-faced: Hindi kita miss.

Ngayon lang ako naglakas loob na replayan siya. Pano kasi kung serial killer pala eto! Jusko ayoko pang mamatay kahit ilang beses na akong nagtangkang magpakamatay.

***

Nakakaasar sila! Yun lang ang masasabi ko. Salita dito, salita doon. Satsat dito, satsat doon.

Hindi ba sila nagsasawa na magdaldal at magdaldal?

"Manahimik nga kayo! Ang dadaldal niyo kingina!" Sabi ko sabay akyat ng kwarto ko.

1 message received from: square-faced

Hindi ko alam kung bakit pero bakit parang ang gaan ng loob ko sa taong nagtetext na to. Kung sino man siya.

From: square-faced
How are you?

Sa ngayon, hindi na muna kita rereplayan. Sayang sa load. Kahit hindi ako nauubusan ng load. HAHAHA.

Muling tumunog ang phone ko.

From: Bitch-faced
3 1 14 20 23 1 9 20 20 15 19 5 5 25 15 21 19 15 15 14 9 13 9 19 19 25 15 21

Jusko po. Ano na naman ba ito?! Nawiwindang na ako.

Hindi niyo naman kailangan na isampal sa mukha ko na wala akong alam sa codes eh! Kasi kahit di niyo naman sabihin sa akin, alam ko! Kaya huwag ako! Jusko naman! (-__-)

Muli na namang tumunog ag phone ko. And as expected, galing na naman sa taong yun ang text. Hindi ba nauubusan ng sasabihin 'to?!

From: Bitch-faced
01000011 01100001 01101110 00100111 01110100 00100000 01110111 01100001 01101001 01110100 00100000 01110100 01101111 00100000 01110011 01100101 01100101 00100000 01111001 01101111 01110101 00100000 01110011 01101111 01101111 01101110 00101110 00100000 01001001 00100000 01101000 01101111 01110000 01100101 00100000 01001001 00100111 01101101 00100000 01101110 01101111 01110100 00100000 01110100 01101111 01101111 00100000 01101100 01100001 01110100 01100101 00101110 00100000 01000100 01101111 01101110 00100111 01110100 00100000 01100010 01100101 00100000 01110011 01101000 01101111 01100011 01101011 01100101 01100100 00100000 01110111 01101000 01100101 01101110 00100000 01111001 01101111 01110101 00100000 01110011 01100101 01100101 00100000 01101101 01100101 00101110 00100000 00101101 01000101 00101110 01001010 00101110 01001100 00101110 01000111 00101110

Ano daw?!
_____

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon